Chapter CXIV

73 19 1
                                    

Chapter CXIV: The Restored Peace

---

SA loob nang isang silid ay makikita ang walang malay na katawan ni Shawn, na nakahiga lamang sa isang maliit na higaan. Ang Loob nang silid ay walang ibang laban kundi ang maliit na katre at ang walang malay na katawan ni Shawn, samantala sa labas naman nang silid kung saan naroroon si Shawn ay mayroong isang lalake ang nagbabantay rito. 

At iyun ay ang batang si Grey na mas piniling bantayan ang silid nang kaniyang kaibigan, samantala ang iba naman nilang kaibigan ay kasalukuyan na sinamahan ang kaibigan nilang si Lucy. Na sa kasalukuyan ay nasa isang silid kung saan ay kasama nito ang limang Z rankers, mukhang ang dahilan kung bakit naroroon ang limang Z rankers ay para tanungin si Lucy nang kung ano. 

Nag-aalala ang iba niyang kaibigan para rito kaya naman mas minabuti niyang ang mga ito na lamang ang magtungo sa tabi nito, habang siya ay maiiwan at magbabantay sa walang malay niyang kaibigan na si Shawn.Lumingon si Grey mula sa bintana nang silid at pinag-masdan ang walang malay na katawan ni Shawn, iniisip niya ang nilalang na nagawang mapalabas nito hanggang sa ngayon ay hindi pa rin mawala ang kilabot na kaniyang naramdaman nang makita niya ang nilalang na iyun. 

Subalit kahit na nakakaramdam siya nang takot ay mas minabuti niyang manatili at bantayan ang kaniyang kaibigan, sapagkat kahit na ano pa man ang nilalang na iyun ay maaring iyun ay parte nang tinataglay na kapangyarihan nang kaniyang kaibigan. 

Samantala sa silid naman kung saan naroroon si Lucy, ay kasalukuyan itong kinakausap nila Rev, makikita sa mukha nila Rev ang gulat sa bawat sagot na kanilang natatanggap kay Lucy. Sapagkat narinig nilang lahat ang sinabi nito na siya mismo ang pakay nang mga ito, dahil siya daw ang nawawalang prinsesa nang mga Diyablo. 

Nang marinig nga ito nang ibang Z rankers ay naalarma ang mga ito, at tangka na sanang atakehin si Lucy nang magsalita si Rev. 

"Kung Ganun Ikaw pala talaga ang nagsalitang iyun?" tanong ni Rev rito, at napatango na lamang si Lucy dahil ang binanggit na iyun ni Rev ay ang kaniyang pagkausap dito. Sa pamamagitan nang komonikasyon gamit ang kaniyang Telepathic ability. 

Dahil sa kay Rev ay medyo nakahinga nang maluwag si Lucy, dahil mukhang nakuha talaga nito ang kaniyang ibig sabihin ng mga sandaling iyun. At iyun ay isa pa rin siyang kakampi sa kabila nang kaniyang pagiging isang diyablo, si Lucy ay napalingon na lamang sa labas nang silid kung saan ay alam niya na naroroon ang kaniyang mga kaibigan. 

Ang tanging wala lamang sa mga ito ay si Grey at si Shawn, batid na niya na si Grey lamang ang nagpaiwan para bantayan si Shawn. Maging siya ay nag-aalala sa kalagayan nito, dahil ang kalidad nang enerhiya na pinalabas ni Shawn kanina ay hindi basta basta sapagkat ang kakayahan na iyun ay ang dahilan kung bakit ito nawalan nag malay kanina. 

Samantala ang kaniyang pag-iisip tungkol kay Shawn ay naudlot nang bigla siyang tanungin ni Ariana, at ang katanungan nito ay nakuha ang kaniyang buong atensyon dahilan para pag-isipan ang lahat tungkol sa tanong nito. 

Sapagkat ang katanungan nito ay tungkol sa kung paano niya nalaman na siya ang pakay nang mga kalaban, kung hindi pa naman binabanggit nang mga ito ang kanilang pakay. Dahil sa tanong na iyun ay bumalik sa kaniya ang mga alaala na sinadyang binura sa kaniyang isipan, dahil sa mga alaalang iyun ay hindi niya napigilan na mapaluha. 

Sila Ariana naman ay nangamba nang mapansin nila ang pagpatak nang luha sa mga mata ni Lucy, kaya naman si Ariana ay kaagad na napayakap kay Lucy. Si Rev naman ay hinayaan si Ariana na yakapin si Lucy. 

Habang ito naman ay nagpatuloy nang umiyak, at mararamdaman sa kaniyang pag-iyakang labis na kalungkutan.Samantala sa labas naman nang silid ay napansin ni Akari ang biglang pagbabago ng nagaganp ngayon sa loob nang silid, sapagkat ang mabigat na presensya sa loob ng silid ay bigla na lamang napalitan nang malungkot na aura. 

Legends of God's Children [School of Magic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon