Chapter CXLII: Scent
---
Dahil sa kakaibang amoy na iyun ay kaniyang binalaan kaagad ang kaniyang mga kasama na huwag langhapin ang kakaibang amoy na iyun, samantala si Jarvis ay napalingon sa kinaroroonan ni Markus. Narinig niya sinabi nito kanina at dahil sa kaniyang narinig ay kaniyang pinakiramdaman ang paligid, at nang kaniyang mapansin ang kakaibang amoy mula sa malayo ay kaniya nang inihanda ang kaniyang sarili sa matagalang hindi paglanghap nang sariwang hangin.
Samantala si Akari ay kaagad na sinunod ang sinabi na iyun ni Markus, kaya naman kaagad niyang binalutan ang kaniyang sarili nang kaniyang sariling inilalabas na hangin. Ang kaniyang buong katawan ay napalibutan nang malakas na bugso nang hangin, dahilan upang ang kakaibang amoy na iyun ay mawala sa kaniyang paligid.
Sa madaling salita ay walang magagawa sa kaniya ang kakaibang amoy na iyun, si Grey naman ay kaagad na naka-isip nang paraan para sulusyunan ang problema. Kaagad niyang kinausap si Akari sa kanilang isipan, nang matanggap ni Akari ang kuwitsyon na iyun ni Grey ay makikita sa labi ni Akari ang isang seryosong ngisi.
Ito ang kaniyang pagkakataon na ipakita sa lahat ang kaniyang taglay na lahat, at ang kaniyang taglay na kakayahan ay mas higit kaysa sa ibang nagtataglay nang elemento na kaniyang tinataglay. Samantala sila Lucy at Shawn ay kasalukuyan na nag-uusap sa kanilang isipan, si Lucy ay makikitang naguguluhan habang kaniyang naririnig sa kaniyang isipan ang mga impormasyon na ibinahagi sa kaniya ni Shawn.
Hindi niya inakala na kanina pa alam ni Shawn ang patungkol sa lalakeng iyun kanina, ang lalake na sa kaniyang palagay ay lumikha nang isang malaking halimaw kanina. Dahil sa mga impormasyon na iyun ay naalarma si Lucy para sa kaniyang mga kaibigan, dahil simula nang mawasak ang kakaibang harang kanina ay doon din nawala ang bakas nang misteryosong lalake na iyun kanina.
Samantala ang lalakeng diyablo na kaharap ni Markus ay makikitang napaseyoso nang kaniyang mapansin ang ekspresyon nang batang nasa kaniyang harapan, sa kaniyang palagay ay mayroon itong napansin na kakaiba sa kanilang paligid.
Hindi siya natutuwa kung magkataon man na tama ang kaniyang kutob tungkol sa batang ito, sa kaniyang palagay ay napakataas nang pandama na mayroon ang batang ito upang malaman mula sa malayo ang kakaibang bagay na papalapit sa kanilang kinaroroonan. Ang ganuong kakayahan ay hindi niya inaasahan na makikita sa isang bata tulad nang nasa kaniyang harapan.
Kung ang kaniyang iniisip ay magkatotoo man ay tiyak na ang batang nasa kaniyang harapan ay mayroong mas malakas na kapangyarihan na tinataglay, na marahil ay nakakubli parin hanggang sa ngayon.
Samantala si Jay-ar ay hindi inalintala ang sinabi ni Markus, bagkus ay sinimulan niyang umatake muli sa kaniyang kalaban. Sa pamamagitan nang kaniyang enerhiya ay nagawa niyang palibutan nang baluti nang enerhiya ang kaniyang katawan, mabilis na nagkaroon nang baluti nang kidlat na gawa mismo sa kaniyang kapangyarihan.
Ang diyablo na kaniyang kaharap ay medyo nagulat nang biglang magbago ang bawat pagkilos nang batang lalake na ito, at ang biglang paglitaw nang animo'y baluti na likha sa sarili nitong enerhiya. Nang lumitaw ang mga baluting iyun ay mabilis na nadagdagan ang lakas nang bawat atake na pinakakawalan nang kaniyang kalaban, nagulat siya dahil sa biglang paglakas nang mga atake nito.
Kaya naman hindi na niya iyun sinalo nang basta basta, dahil ang saluhin ang ganito kalakas na atake ay kailangan na niyang suklian nang kaniyang atake. Samantala si Jarvis ay naalarto dahil sa biglang pagbabago nang presensya nang kalaban ni Jay-ar, sa kaniyang palagay ay mag-seseryoso na ito na labanan sila.
Dahil sa kasalukuyan ay hindi na maganda ang inilalabas na enerhiya nang kanilang kalaban, samantala si Shawn ay makikitang kasalukuyan na nakikipag-usap kay Hades. Kaniyang saglit na iniwan mula sa labas si Lucy at kaniyang dali-daling tinungo ang kinaroroonan ni Hades mula sa kaniyang katawan, kaniyang tinanong kay Hades ang tungkol sa lalakeng iyun nang harapan.
Dahil siya ay nababahala sa pagkaka-kilanlan nang lalakeng iyun kanina, hindi maganda ang kaniyang kutob tungkol dito kaya naman mas maigi na siya ay magtanong nang harapan. Sa nilalang na minsan nang nakaharap nang misteryosong lalake na iyun.
Si Hades ay makikitaan nang bahagyang pagngisi sa kaniyang labi, dahil sa kuryusidad na mayroon ngayon ang kaniyang tagapagmana sa hangal na nilalang na iyun. Dahil sa kuryusidad na mayroon ito sa ngayon ay nagkaroon siya nang ediya kung sa paanong paraan niya ipapa-alam dito ang tungkol sa nilalang na iyun.
Samantala sa labas naman ay makikita si Lucy na kinakausap ang kasalukuyan niyang kasama na si Shawn, hindi niya alam kung bakit hindi niya makausap ngayon si Shawn nang maayos subalit sa ngayon ay mas importante sa kaniya ang kalagayan ngayon nang kaniyang mga kasama.
Sa pamamagitan nang black mist na kasalukuyang bumabalot sa katawan ni Shawn ay matutulungan silang lahat nito na labanan ang epekto nang kakaibang amoy, na sinabi ni Shawn kanina na unti-unti nang kumakalat sa paligid nila.
Nalilito man siya sa kasalukuyang nagaganap ay kailangan niyang gawin ang lahat para sa ikabubuti nang kaniyang mga kaibigan, kaya naman kaniyang inihanda ang kaniyang sarili sa mga susunod na kaganapan. Dahil sa kasalukuyan ay hindi lamang ang dalawang diyablo ang kanilang problema sa ngayon, kundi pati na rin ang misteryosong lalake na iyun na bigla na lamang naglaho kanina.
Samantala si Baal ay kasalukuyan na naglalabas sa kaniyang katawan nang mga kakaibang usok na naglalabas nang kakaibang halimuyak, makikita sa kaniyang labi ang isang ngiti habang kaniyang iniisip ang magiging resulta nang kaniyang gagawing hakbang na ito.
Kaniyang makukuha ang kaniyang ninanais kahit na ano man ang mangyari, dahil ang abilidad na kaniyang ginagamit sa kasalukuyan ay isa sa mga paraan na kaniyang ginawa ilang libong taon na ang lumipas. Samantala si Hades ay kasalukuyan na ipinapaliwanag kay Shawn ang bawat impormasyon sa lalakeng iyun, makikita sa mukha ni Shawn ang pagka-gulat at pagka-gimbal sa kaniyang mga narinig mula kay Hades.
Hindi niya inasahan ang mga ditalye mula sa misteryosong lalake na iyun kanina, ang pagkakaroon ang lalakeng iyun nang ibat-ibang abilidad ay isang hindi kapani-paniwalang bagay. At mas lalong hindi makapaniwala si Shawn nang kaniyang marinig mismo sa bibig nito ang tungkol sa matagumpay na pagkuha nang nilalang na iyun nang maliit na bahagi nang taglay nitong kapangyarihan.
Sa madaling salita ay nagagawang makagamit din nang nilalang na iyun na gamitin ang Blue Flame, at kung hindi siya nagkakamali ay ang nilalang na ito ay mas lalo pang lumakas sa lumipas na ilang libong taon.
Dahil sa kaniyang mga narinig ay mas lalong naalarma si Shawn, si Hades naman ay kaagad na binalaan si Shawn na kailangan nitong mag-ingat sa bawat gagawin nito. Dahil sa kasalukuyan ang makakaharap nito ay ang nilalang na nagtataglay sa ngayon nang kapareho nitong kapangyarihan, at kung sakaling sa muling pagkakataon na makakuha ito muli nang bahagi nang kaniyang kapangyarihan ay magiging malaking problema ito sa kanilang lahat,
Dahil lalong lalakas ang kapangyarihan na taglay nito kapag nagawa nito ang mga binabalak nito, samantala si Shawn ay kaagad na bumalik sa realidad at nang siya ay bumalik ay kaniyang napansin ang pagkawala ni Lucy mula sa kinatatayuan nito kanina.
Nakiramdam si Shawn sa kaniyang paligid, inalam niya ang bawat bahagi nang kaniyang paligid. Mas pinalawak niya ang layo nang kaniyang nasasakop na espasyo, nang kaniyang gawin iyun ay kaniyang naramdaman mula sa malayo ang kakaibang enerhiya na animo'y nagdadala nang kakaibang amo'y na mabilis kumakalat dahil sa hangin.
Samantala si Lucy ay napalingon kung saan naroroon si Shawn, naramdaman niya kasi ang muling pagbabalik nito. Hindi niya alam kung bakit nanahimik ito kanina subalit ngayon ay naramdaman niya muli ang enerhiya nito kanina, at sa kasalukuyan ay kaniyang nararamdaman ang malakas na enerhiya na mula rito.
Mas lumakas ang taglay nitong enerhiya kaysa kanina, samantala si Shawn ay kaagad na lumipad patungo sa isang direksyon at iyun ay ang pwesto kung saan doon nagsisimula ang pagkalat nang kakaibang usok na naglalabas nang kakaibang amo'y na iyun....
BINABASA MO ANG
Legends of God's Children [School of Magic]
AdventureLegends of Gods Children: Volume 1 - School of Magic Genre: Action, Fantasy, Adventure In the year 2100, humanity is on the brink of extinction. The world has been overrun by demonic forces, remnants of biblical lore now wreaking havoc on Earth. As...