Chapter CLVII: Return
----
SA lumipas na apat na oras ay makikita sa kalangitan ang mabilis na paglipad nang grupo nila Shawn, ang oras nang kanilang byahe ay maiksi pa lamang sa kabila nang apat na oras na makalipas.
Ang paglipad sa himpapawid ay hindi kinakailangan nang marking enerhiya, sapagkat kapag ginawa nila iyun ay mabilis silang makakaranas nang pagod at malaki ang tyansa na mas mapatagal sila sa paglipad kapag ginawa nila iyun
Ang grupo nila ang pinaka nahuhuli dahil sila ay marami sa kanilang hanay, samantalang ang grupo naman nila Alicia ay nasa apat na tao lamang.
Habang sila Ariana at Rev naman ay hindi na nila nararamdaman sa kanilang dinaraanang direksyon, marahil ay masyado nang malayo ang mga ito kaya naman hindi na nila maramdaman ang aura nang mga ito.
Samantala si Zack naman ay kasalukuyan na nalulula sa kaniyang nakikita, masyadong mataas ang kanilang nililiparan sa kasalukuyan.
Ito ang unang beses niyang maranasan na lumipas, at sa loob nang apat na oras ay nalulula siya sa kaniyang nakikita, mas mataas pa ang kasalukuyan niyang nararamdaman iba sa pakiramdam nang nakasakay sa mga matataas na rides sa peryahan.
Sa tingin niya kasalukuyan ay mas mataas at mas mabilis pa ito kaysa sa Tren na Isa sa mga rides nang peryahan na kaniyang napuntahan sa probinsya, samantala sila Rev at Ariana ay nakabalik na sa akademya ang dalawa ay kaagad na nagtungo sa gusali kung saan naroroon ang opisina nang mga nakatataas.
Ang mga opisyal naman ay Alam na na nakabalik na sila Rev at Ariana, ang dalawa ay dumating kaagad para sabihin ang tungkol sa higanteng halimaw na dala dala ni Rev.
Ang Ilan naman sa mga opisyal ay nagulat nang matanggap nila kanina ang mga mensahe nang dalawa, ang mensahe tungkol sa mga higanteng halimaw nang mundo nang mga tao.
Nag aalala ang dalawa na magsi litawan din sa ibat ibang bahagi nang mundo ang ganitong uri nang nilalang, samantala sila Shawn ay malapit nang makarating sa akademya.
Kapwa nga na maramdaman nang kanilang grupo ang pagbaba nang grupo nila Alicia, sensyales na ang mga ito ay nakarating na sa akademya dahil doon ay hinanda nila Shawn ang kanilang sarili para sa isang mabilis na paglipad.
At natitiyak nang mga ito na saktong paghinto nila ay nasa tapat na sila nang tarangkahan nang akademya, ang grupo naman nila Alicia ay kaagad na nagtungo sa opisina nang mga nakatataas. Sapagkat naroroon ang kanilang mga bagahe, ang apat ay tutuloy parin sa gaganapin na pagtitipon tipon nang mga representante nang bawat akademya sa buong mundo.
Kinakailangan na nilang makaalis, dahil minsan lamang magbigay nang palugid ang mga ito. Ayaw nang grupo nila Alicia na mabahiran nang kahihiyan ang kanilang akademya dahil lamang, hindi nakalahok ang mga ito sa malaking pagpupulong sa buong mundo.
Samantala sa loob naman nang opisina ni Yoki ay makikita si Caleb na kasalukuyan na nakaupo sa Sofa habang ito ay nagbabasa nang kaniyang libro, nandito ang dalawa dahil mayroong pinag-usapan ang dalawa tungkol sa mga estudyante.
At ang mga estudyante na kanilang pinag-usapan ay walang iba kundi sila Lucy at Shawn, si Yoki ay pinag-iisipan ang mga naging sitwasyon nila Shawn nitong mga nakaraang linggo.
Ang deskriminasyon na dinanas nang dalawa ay Alam niyang mabigat para sa mga ito, ang tingan at itrato na parang isang kriminal ay sobra para sa mga ito.
Dahil Alam naman nilang mga nakakatanda na wala namang ginagawang masama ang mga ito, Alam nila na hindi kaagad basta basta maitatatak sa isipan nang lahat na walang ginagawang masama ang dalawa at higit sa lahat ay hindi naging katulad nang kaniyang ama si Lucy.
Sapagkat ito ay lumaki sa kamay nang mga relehiyosong mga tao, at ito ay namuhay nilang isang tao. Samantala si Caleb namang ay hindi inaalala ang tungkol kila Shawn at Lucy, Alam niya na makakayanan nang dalawa na malampasan ang pagsubok na ito.
Alam niya sa personalidad nang dalawa na hindi ang mga ito ang tipo nang malaking sumuko, dahil Alam na niya na kaya nang dalawa na labanan at hindi pansinin ang mga paligid nang mga ito.
At naroroon din naman ang mga kaibigan nang mga ito, na handa silang tulungan kahit ano pa ang mangyari.
Samantala ang grupo nila Shawn ay nakikita na sa malayo ang kinaroroonan nang akademya, sila ay kapwa na nakakaranas na nang pagkapagod dahil sa layo nang kanilang nilakbay. Ang layo nang kanilang nilipad ay mahirap pa para sa kanilang lahat, dahil hindi pa kaya nang kanilang katawan na lumipad ganun katagal.
Dahil habang tumatagal ang paglipad sa himpapawid ay mas dumarami ang kinakailangan nilang enerhiya para tumagal sa paglutang sa ere, nararamdaman naman ni Lucy ang presensya nang mga grupo na naunang makarating.
Napa-isip na lamang si Lucy na mukhang abala kaagad ang mga ito, dahil ang mga ito kasalukuyan nasa bahagi nang akademya kung saan doon nakatayo ang opisina nang mga nakatataas sa akademya.
Sila Alicia ay kasalukuyan na nasa silid na kung saan ay kasalukuyan na nag iimpake ang mga ito para umalis, sinabi narin sa kanila na mayroon nang private plane ang maghahatid sa kanila patungo sa bansa kung saan ginaganap ang pagpupulong.
Si Jack naman ay namamangha sa kaniyang nakikita sa paligid, ang kaniyang nakikita ay isang napakalawak na kagubatan na Ngayon lamang niya Nakita. Ang makita ang isang gubat sa panahong ito ay napakaliit na porsyento na lamang na makita pa ang ganito kagandang kagubatan.
Lumipas ang ilang minuto ay sa wakas ay nakarating na sila sa bulwagan nang akademya, kung saan ay mayroong malaking gate ang nakaharang habang mayroong dalawa gwardya ang nakabantay doon.
Ang mga ito ay kaagad na napansin ang presensya nang mga paparating, kaya naman kaagad nilang binuksan ang tarangkahan at Maya Maya pa ay bumaba na Isa Isa ang grupo nila Shawn.
Ang mga gwardya ay nakatingin lamang sa mga batang paparating, sinabihan na sila kanina nang mga naunang dumating na ito ang hauling grupo na Kasama nang mga ito.
Kaya naman Hindi na nila ininspeksyon pa ang mga ito bago makapasok, pagkatapak nang grupo nila Shawn sa Loob nang akademya ang lahat nang nasa paligid nila ay nabago.
Ang buong paligid ay naging katulad na sa nakasanayan na nila Shawn, ang advance na teknolohiya na mayroon ang akademya ay sadyang napakataas.
Dahil nagagawa na nang mga ito na baguhin ang nasa labas nang akademya at ang loob nito, sa madaling salita ang lahat nang makikita sa loob nang akademya ay hindi makikita basta basta nang mga normal na tao.
Ang mga makakagawang makapasok lamang dito ay ang mga taong mayroong mataas na posisyon sa gobyerno nang bansa, dahil ang mga ito ay binibigyan sila nang sapat na pondo upang magpatuloy ang ugnayan nang magkabilang panig.
Ang panig nang mga normal na tao at nang mga taong nagtataglay nang kapangyarihan na may kakayanan na puksain ang mga diyablo.....
BINABASA MO ANG
Legends of God's Children [School of Magic]
AdventureLegends of Gods Children: Volume 1 - School of Magic Genre: Action, Fantasy, Adventure In the year 2100, humanity is on the brink of extinction. The world has been overrun by demonic forces, remnants of biblical lore now wreaking havoc on Earth. As...