Chapter LXXXI

70 18 0
                                    

Chapter LXXXI:The Power Of Two Heirs Of The Gods

---

ANG labanan sa pagitan nila Dylan at Shawn ay pansamantalang nahinto dahil sa paglayo ng dalawa sa isat-isa, sila Shawn at Dylan ay kapwa na nakatayo habang may layo na tatlong metro sa isat-isa. Ang dalawang bata nga ay kasalukuyan na nababalutan ng kanilang enerhiya ang kaniyang buong katawan, ang kanilang presensya nga ay mas lalo pang lumakas na ikina-alarma na nang mga manonood.

Dahil ang presensya ng enerhiya nilang dalawa ay mas lalong lumalakas at mas lalong nagbibigay sa kanilang lahat ng kapani-pangilabot na pakiramdaman, na para bang hindi na nila kaya pang kumilos sa kanilang kinatatayuan dahil sa presensya na kanilang nararamdaman.

Samantala si Dylan ay mabilis na inihanda ang kaniyang sarili para sa kaniyang susunod na gagawin, si Shawn naman ay nagtaka dahil ang kaniyang kalaban ay magbabago na ng pamamaraan. At base sa pagdaloy ng enerhiya nito sa buo nitong katawan ay babaguhin nito ang paraan ng susunod nitong gagawin, ang kaniyang kalaban nga kaagad na nag-ipon ng enerhiya sa mga kamay nito.

Si Shawn nga ay naalarma dahil sa enerhiya na dumadaloy sa mga kamay ng kaniyang kalaban, dahil sa madami ang enerhiya na ginagamir ngayon ng kaniyang kalaban ay malamang ay mayroong malaki o malawakang atake na gagawin ang kaniyang kalaban.

At kung tama man siya ng naisip ay kailangan niyang makalayo mula dito, samantala si Dylan naman ay kasalukuyan na iniisip ang kaniyang susunod na gagawin. At iyun ay ang magpakawala ng mga malalakas na atake at kakailanganin niya sa pagkakataon na ito ang tulong ng nilalang na iyun.

Samantala sa loob naman ng katawan ni Dylan ay kasalukuyan siyang makikita na nakatayo sa harapan ng ilang nilalang na nakasuot ng berdeng roba, ang nilalang na ito ay naglalabas ng kakila-kilabot na presensya subalit sa kabila ng lahat ay hindi makikitaan ng takot ang mukha ni Dylan kahit nasa harapan na niya mismo ang nilalang na iyun.

Tila ba hindi na naaapektuhan ng presensya na iyun si Dylan, samantala si Perses naman ay hindi na binigyan ng pansin ang hindi pag-epekto ng kaniyang presensya sa batang ito. Kaniya na lamang pinanatili ang presensya na ito upang magmukha parin siyang isang maharlikang nilalang sa harapan ng batang ito.

Si Perses ay ipinaliwanag muna ang magiging kapalit ng kaniyang gagawing pagbibigay ng karagdagang kapangyarihan sa batang nasa kaniyang harapan, at habang ipina-paliwanag nga niya ang mga iyun sa kaniyang tagapagmana ay nagtaka si Perses dahil wala man lamang siyang nakitang bahid ng pag-aalinlangan.

Mukhang sa pagkakataon na ito ay buong tapang itong nagtungo sa kaniya para humingi ng tulong, at mukhang dapat pasalamatan ni Perses ang tagapagmana ni Hades sa pagkakataon na ito. Dahil sa wakas ay mukhang tinatanggap na ni Dylan ang tadhana na nakalaan na para dito, at iyun ay ang maging isa sa mga tao na magliligtas sa mundo.

Samantala si Dylan naman ay walang pakealam sa mga sinasabi sa kaniya ni Perses, dahil ang tanging pakay niya lamang sa ngayon ay mabigyan ng kahit na kaunting bahagi ng kapangyarihan na mayroon ito laban sa kaniyang kasalukuyang kalaban na si Shawn.

Sapagkat napansin niya na ang kasalukuyan niyang kakayahan ay hindi sapat para tapatan ang lakas na mayroon ang kaniyang kalaban, hindi niya alam kung paano iyun nagagawa ng kaniyang kalaban ang magawang salagin ng buong pwera nito ang kaniyang kapangyarihan ng asido.

Dahil ang ibang mga nakalaban na niya minsan ay natatakot sa kaniyang taglay na kakayahan, sapagkat ang mga ito ay walang kakayahan na kontrahin ang kaniyang taglay na kapangyarihan. Subalit ang kasalukuyan niyang kalaban ay mayroong kakayahan na labanan ito, kaya naman sa pagkakataon na ito ay nakakaramdam si Dylan ng kakaibang pakiramdam sa kaniyang kalooban.

Nagkaroon siya ng matinding pagnanais na kalabanin ang batang ito, hindi niya inakala na magagawa niyang humarap sa nilalang na iyun para lamang humingi ng karagdagang enerhiya. Ang kaniyang nararamdaman na galit mula sa nilalang na ito ay kaniya na munang kinalimutan, at pansamantalang umasa sa kapangyarihan na taglay ng nilalang na iyun.

Legends of God's Children [School of Magic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon