Chapter LXV: Flame Dance
---
ANG lahat ng kalahok na maglalaban laban ay kapwa na nagtungo sa battle field kung saan sila naka-pwesto para maglaban, Sa kasalukuyan nga ay nagkakaroon na nga kaagad ng maiinit na tinginan ang mga maglalaban.
Lalo an gang mga pares na kapwa mga may pagka-initin ang mga ulo kagaya ni Jay-ar at Lysander, ang dalawa ay kasalukuyan na nagsasagutan ng mga maiinit na mga salita. Naunang magsalita si Lysander ng mga salita na akala niya ay tatalab sa kaniyang kalaban subalit nagkamali siya dahil mayroon din palang angking katigasan ng ulo kagaya niya.
At sa ngayon nga ay hindi niya nakikitaan ng takot ang kaniyang makakalaban, kahit na ito ay haharap mismo sa katulad niya na mayroon ng sapat na karanasan makipaglaban. Hindi inaasahan ni Lysander na mayroong bata na ganito katigas ang ulo at matatag ang loob kagaya ng batang ito.
Samantala si Lucy naman ay tahimik lamang at pinagmamasdan ang kaniyang makakalaban na mula sa elite class, ang makakalaban naman nito na si Cyrus ay pinanonood din ang bawat gagawin ni Lucy. Pinagmamasdan niya ito at pinag-iisipan ang kaniyang gagawin laban dito.
Alam niya na baguhan pa lamang ito at wala pang sapat na karanasan, subalit hindi niya kailangan na pag-bigyan ang batang ito dahil hindi niya alam kung anong uri ng kakayahan ang mayroon ito para mapabilang sa Special Class.
Lumipas ang ilang minuto ng pag-hihinay ay saw akas ay nakarating na sa kani-kanilang tamang pwesto ang lahat ng mga kalahok, Si Alicia nga ay makikitang nakangiti lamang sa makakalaban nito na si Sabrina. Ang mga ngiti na ito sa mukha ni Alicia ay puno ng panghahamak sa kaniyang kaharap. Para sa kaniya ay hindi sapat ang taglay na kakayahan ng kaniyang kalaban para siya ay sabayan sa isang laban.
Ang bawat pares nga ng mga maglalaban laban ay may kaniya-kaniyang pag-aanalisa sa kanilang kalaban at mayroon sa kanila ang minamaliit ang kanilang makakalaban at ang mga ito nga ay sila Alicia, Lysander, Quinn, Takuya at Kaoru.
Ang mga ito ay minamaliit ang kanilang mga kalaban dahil sa itsura at taglay na uri ng enerhiya ng mga ito, hindi nila gusto ang mga ito na kanilang maging kalaban. Samantala kasalukuyan naman na nababalutan na nang asul na aura ang buong katawan ni Shawn, dahil doon ay biglang napatingin sa kaniyang kinaroroonan ang mga manonood.
Naramdaman nila bigla ang paglalabas ng mabigat na presensya mula sa kinatatayuan nito, ang makakalaban nga nito na si Secre ay napangiti dahil sa kaniyang nararamdaman na aura mula sa kaniyang makakalaban. Hindi siya makapaniwala na ang batang ito ay nagtataglay ng napakalinis na enerhiya.
Ang kalidad ng enerhiya na dumadaloy sa buong katawan ng bata na nasa kaniyang harapan ay halos perpekto na ang pagdaloy ng enerhiya sa katawan nito. Napakagandang pagmasdan ng umaalon na enerhiya na bumabalot sa katawan nito, at kalakip ng kagandahan na tinataglay ng aura nito ay naglalabas ng napakabigat na presensya ng kaniyang enerhiya.
At para bang itinutulak ng aura nito ang kahit na sino na magtangka sa magtungo sa kinaroroonan nito, si Secre ay hindi naapektuhan ng presensya na inilalabas ng kaniyang kalaban. Bagkus siya ay namamangha dahil sa napakagandang kalidad ng enerhiya na tinataglay nito, hindi siya makapaniwala na ang batang ito ang nagtataglay ng enerhiya na ganito katindi a kalakas. Samantala sila Rev, Ariana at Yoki ay namangha sa malakas na enerhiya na inilalabas ng katawan ni Shawn. Si Rev nga ay hindi makapaniwala na mas lumakas pa ito kaysa noong huli niya ito nakita.
Dahil sa kasalukuyan ay naglalabas na si Shawn ng aura ng isang aktwal na A ranker, ang batang ito ay napakabilis na lumalakas. Hindi makapaniwala si Rev na ang isang sampung taong gulang na bata ay magtataglay ng ganito kalakas na enerhiya.
Samantala si Edrian naman ay napangiti ng maramdaman ang enerhiya na inilalabas ni Shawn, ang enerhiya na ito ay hindi katulad ng pinakita nitong kahapon. Subalit ang kalidad ng enerhiya na inilalabas nito ay sapat na para ipakita sa lahat ang taglay nitong lakas.
BINABASA MO ANG
Legends of God's Children [School of Magic]
AdventureLegends of Gods Children: Volume 1 - School of Magic Genre: Action, Fantasy, Adventure In the year 2100, humanity is on the brink of extinction. The world has been overrun by demonic forces, remnants of biblical lore now wreaking havoc on Earth. As...