Chapter XLV: Power Up
---
SA kinatatayuan ni Shawn ay makikita ito na nakatayo lamang at makikita sa mukha nito ang hindi nito makapaniwalang ekspresyon, hindi makapaniwala si Shawn dahil sa kasalukuyan niyang nakikita na nakabalot sa kaniyang katawan. Makikita nga na tinitingnan ni Shawn ang bawat parte ng kaniyang katawan ay nababalutan ito ng kakaibang itim na aura.
Samantala sa labas naman ay mapapansin ang biglang pagdilim ng kalangitan, ang lahat ng ng estudyante na nakakita ng biglang pagdilim ng kalangitan ay nakaramdam ng kakaibang takot dahil sa kakaibang kaganapan na nangyayari sa kalangitan.
Samantala sa loob ng training ground ay makikita ang gulat na gulat na reaksyon sa mukha ni Shawn. Halata sa kaniyang mga mata ang hindi makapaniwalang eskpresyon nito. Siya nga ay napalingon sa kaniyang paligid at tulad nga niya ay nakita niya ang gulat na gulat na ekspresyon nila Caleb, Grey, Jay-ar, Lucy, Akari at Jarvis.
Habang ang Robot naman ay napatingin sa kinaroroonan ni Shawn. At makikita nga ang biglang pagkilos nito pasugod sa kay shawn. Si Shawn nga ay naramdaman ang paglapit sa kaniyang robot, dahil doon ay mabilis niyang iniwasan ang atake nito. Si Jarvis nga ay nagulat sa mabilis na pag-iwas ni Shawn sa mabilis na atake ng kalaban. Dahil halos isang pagitan na lamang ang layo nito sa kaniya ay nagawa parin ito na maiwasan ng bata.
Ang robot nga ay muling inatake si Shawn subalit sa pagkakataon na ito ay ginamit na ng Robot ang iba pa nitong mga kamay na hindi nito ginamit kanina. sa kasalukuyan nga ay mabilis na inaatake ng robot si Shawn habang si Shawn nga ay halos naiwasan ang lahat ng atake ng Robot.
Si Caleb nga ay hindi makapaniwala sa biglang pagbabago ng taglay na bilis ni Shawn, ang bilis na taglay nito kanina ay mas lalo pang bumilis ngayon. Si Shawn nga ay mabilis na iniilagan ang pabilis na pabilis na atake ng kaniyang kalaban. Lumapag nga ng medyo kalayuan si Shawn at pinagmasdan ang kasalukuyang itsura ng robot na ito.
Tila ba mas lumakas at bumilis ito kaysa kanina ng kinalaban niya ito, subalit hindi niya alam kung bakit nagagawa niyang iwasan ng madalian ang bawat atake nito. Sa kaniyang paningin ay bumabagal ito sa tuwing malapit na mga atake nito. Kaya naman nagagawa niyang maiwasan ng Pulido ang bawat atake nito dahil sa kakaibang paningin na mayroon siya.
Tumagal ng ilang minuto ang tuloy tuloy na pag-atake ng robot kay shawn ay napag-pasyahan na ni Shawn mag-umpisang umatake. Makikita na ikinuyom ni Shawn ang kaniyang mga kamay at inihanda ang sarili para umatake.
Ang lahat nga ay nagulat ng huminto si Shawn sa pag-iwas sa mga atake ng Robot, at makikita nga si Shawn na naghahanda ng umatake. Ang itim na aura na bumabalot sa buo niyang katawan ay mas lalo pang tumingkad at nagulat ang lahat ng bigla na lamang maglaho si Shawn sa kaniyang kinatatayuan.
At nabigla sila ng kasabay ng paglalaho ni Shawn sa kanilang harapan ay kasabay din nun ay ang pagtilapon ng Robot patungo sa kinaroroonan ng walang malay na si Markus. Si Jarvis nga ay napatingin nga sa kinaroroonan ni Markus at kikilos n asana siya para iligtas ito subalit bago pa siya kumilos ay naghalo si markus sa kaniyang kinaroroonan.
Si Shawn naman ay biglang lumitaw sa gitna ng training ground at nagulat ang lath ng makita nila na buhat na nito ang walang malay na si Markus. Si Caleb naman ay pumasok na sa loob ng training ground at malinaw niyang nakita at naramdaman ang kasalukuyang presensya ni Shawn.
Nakaramdam siya ng napaka-bigat na presensya mula kay Shawn, at dahil sa presensya na iyun ay hindi niya magawang basahin at sukatin ang taglay nitong aura. Si Caleb nga ay kaagad na lamang nilapitan ng Robot na pinabagsak ni Shawn.
At paglapit nga dito ni Caleb ay nakita niya ang maliit na lamat sa gitnang bahagi ng katawan nito, ang atake na pinakawalan lamang ni Shawn ay maaring isang mahina at pigil lamang na atake ang ginawa nito. Dahil sa bakas na iniwan lamang niya sa Robot ay ang bakas lamang ng kamao nito na nag-iwan nga ng lamat sa gitnang bahagi ng katawan nito.
Tiningnan pa nga ni Caleb ang ibang parte ng makina at ng mapagtanto niya na wala naman gaanong naging sira ang makina ay nakahinga siya ng maluwag. Lumingon siya muli kay kinaroroonan ni Shawn at kasalukuyan nga itong napapalibutan nila Grey, Lucy, Akari at Jay-ar.
Habang si Jarvis naman ay papalapit kay Shawn, At mukhang ang nais nitong lapitan ay ang kaibigan nitong si Markus na kasalukuyang wala paring malay. Samantala ang itim na aura na nakabalot sa katawan ni Shawn ay nawala at ang mga mata nga ni Shawn ay bumalik na sa dati nitong kulay.
Si Shawn nga ay kaagad na inulin ng sunod sunod na tanong ng apat niyng kaibigan, lalong lalo na ang maingay na si Jay-ar na makikitang nababadtrip dahil sa paglakas nanaman ng kaniyang katung-gali. Habang si Grey naman ay makikitang nakangiti sa harapan ni Shawn, subalit sa loob loob niya ay nakaramdam siya ng pagka-inggit dito.
Dahil sa muling pagkakataon nga ay lumakas muli ang nag-iisang nais niyang matalo balang araw, ayaw niya man isipin ang katotohanan subalit ito talaga ang kaniyang pinaka-hinahangad. At ito ay maging mas malakas kay Shawn. At makaharap itong muli sa isang seryosong labanan at hindi niya hahayaan na sa pagkakataon na iyun ay matalo siya nito.
Sila Shawn, Markus at Jarvis nga ay sabay-sabay na umalis sa lugar na iyun, pero bago yun ay ginising muna nila Shawn si Markus at doon nga umalis na ang mga ito. samantala sila Akari, Grey, Lucy at Jay-ar nga ay naiwan kasama si Caleb.
Si Caleb nga ay nagsimula nang muli sa pagpapaliwanag sa apat na bata ng kanilang gagawin, ang apat na bata nga ay nagulat ng margining nila mula kay Caleb ang kanilang gagawin. At ito ay ang araw araw na pag-eehersisyo na may kasamang pagsasanay sa kanilang isipan sa pamamagitan ng tinatawag na meditation.
Ang apat man ay nagulat dahil sa kanilang gagawin ay mas minabuti na lamang ng mga ito na, wag nang magtanong pa at gawin na lamang ang kahit anong uri ng pag-sasanay na ipapagawa sa kanila. Ang grupo nga nila Grey ay nagsimula na sa unang bahagi ng kanilang pagsasanay.
At ito nga ay ang pagtakbo paikot sa loob ng training ground na ito ng isang libong beses, noong una nga ay hindi makapaniwala ang apat dahil madali lamang ang pinapagawa sa kanila ni Caleb, subalit nanlumo ang mga ito ng malaman na bawal silang gumamit ng kanilang kapangyarihan sa pagkakataon na ito.
Lumipas nga ang ilang minuto ang kanilang grupo ay nakaramdam na kaagad ng pagkapagod, ang kanila lamang nagawang pag-ikot sa loob ng training ground ay nasa dalawangpu na beses pa lamang at sa kanilang apat ay si Jay-ar at Lucy na lamang ang nakakatakbo pa ng mabilis.
Sila Grey at Akari nga ay makikitang susuray habang ang mga ito nga ay hini-hingal na, nang babagsak na nga ang mga ito sa sahig ng bigla na lamang lumitaw si Caleb sa tabi ng mga ito. makikita nga kay Caleb ang pagka-dismaya dahil ang dalawang ito pa pala ang mas mahina sa pisikal na aspeto. Hindi sila makakatagal sa isang labanan ng wala sa kanila ang kani-kanilang taglay na kapangyarihan...
BINABASA MO ANG
Legends of God's Children [School of Magic]
AdventureLegends of Gods Children: Volume 1 - School of Magic Genre: Action, Fantasy, Adventure In the year 2100, humanity is on the brink of extinction. The world has been overrun by demonic forces, remnants of biblical lore now wreaking havoc on Earth. As...