Chapter XLI

97 26 0
                                    

Chapter XLI: Special Training Begins

---

ANG loob ng silid kung saan naroroon ang lahat ng estudyante ay natahimik ng dumating na ang kanilang hinihintay, nauna nga na pinapasok nila Shawn ang kanilang mga kasama. Samantala makikita naman ang mga ito na pumasok na sa loob ng silid. Nauna nga na pumasok ay si Akari at pagpasok nga niya ay nakaradam siya kaagad ng mabigat na presensya at napatingin sa mga estudyante na kasalukuyan siyang pinag-mamasdan ng seryoso.

Na tila ba ang bawat kilos na kaniyang gagawin ay pinanonood ng mga ito, napalunok na nga lamang ng laway si Akari habang iniwasan niya na lang ang tingin ng mga ito sa kaniya. sumunod naman na pumasok ay si Lucy. Nang tumapak na sa loob ng classroom si Lucy ay kaagad niyang naramdaman ang mabigat na presensya na nagmumula sa mga tao na nakatingin sa kaniya.

Si Lucy nga ay biglang naging seryoso ng mga sandaling iyun na ikina-bigla naman ng mga naroroon, si Lucy nga ay binalewala ang mga tingin sa kaniya ng mga ito at tinabihan si Akari na ngayon ay nakakaramdam ng grabeng pressure.

Samantala ang mga naroroon naman ay hindi makapaniwala na magagawa silang balewalain ng batang babae na iyun, at higit sa lahat ay nang maging seryoso ang tingin nito sa kanila ay nakaramdam sila ng malakas na presensya na nagmumula rito.

Samantala ng makita naman nila ang sumunod na pumasok ay nakaramdaman sila bigla ng panlalamig sa kanilang paligid, ang presensya na ito ay nararamdaman nila na nagmumula sa kinatatayuan ng batang lalake na mayroong puting buhok at asul na mga mata.

Ang mga nakatingin nga dito ay tila ba naka-tayo sila sa lugar na nababalutan ng yelo, samantala nang pumasok naman ang isang batang lalake na mayroong dilaw na buhok ay nagtaka ang mga ito, dahil ng ito ay pumasok ay mababakas sa mukha nito ang malawak na ngiti.

Nang kumpleto na ang apat sa loob ng classroom ay nagsalita na kaagad ang presedente ng klase, nagsalita na si Caleb at isa isang pinakilala ang apat na bata na nasa harapan ng lahat. Ang apat na bata nga ay napatingin kay Caleb at sa hindi nila malaman na dahilan ang buong paligid ay nabalutan ng puting hamog.

Ang apat na bata nga ay naguguluhan dahil sa biglang pagbabago ng buong paligid, ang hamog nga na nakapalibot sa buong klase ay naglalabas ng kakaibang enerhiya na nagbibigay sa kanila ng kakaibang pakiramdam.

Samantala ang mga estudyante naman na nasa loob ng classroom ay makikitang may pare-pareho ng ekspresyon habang nakikita nila sa kasalukuyan ang apat na bata na napasa-ilalim ng ilusyon na ginawa ni Caleb.

Ginamit ni Caleb ang isa sa abilidad ng hamog na kaniyang inilabas, at ito ay ipasa-ilalim sa isang ilusyon ang kahit na sino na mabalutan nito, samantala si Shawn naman ay napatingin lamang sa kaniyang mga kaibigan na ngayon nga ay napasa-ilalim sa ilusyon ng kanilang class president.

Tumingin siya sa kaniyang mga kaklase at kay Caleb, nilapitan niya ang apat niyang kaibigan pero bago yun ay pinalabas muna niya ang itim na usok sa kaniyang katawan at walang pag-aalinlangan na pinasok ang hamog na nakapalibot ngayon sa kaniyang mga kaibigan.

Ang lahat naman ay namangha dahil sa walang pag-aalinlangan na pagpasok ni Shawn sa Hamog ng Ilusyon na pinalabas ni Caleb, at paglipas lamang ng ilang sigundo ay nakalabas na kaagad ito at kasama na ang apat nitong kaibigan na makikita na may pare-parehong ekspresyon.

Nagmukhang mga bagong gising ang mga ito, at dahil sa kasalukuyan nilang postura ay nagsi-tawanan ang lahat nang naroroon. ang apat na bata nga ay naguluhan ng makarinig sila ng maingay na tawanan. Si Akari nga na kanina ay kabado ay hindi napigilan na maguluhan dahil sa nangyayari. Dahil kanina lamang ay nasa loob siya ng kaniyang silid at natutulog subalit ngayon ay bigla na lamang siyang nakatayo sa harapan ng lahat at kasama ang apat niyang kaibigan.

Lumingon siya kay Lucy para tanungin ito, subalit nagulat siya at kalaunan ay hindi na napigilan na matawa sa kasalukuyang itsura ng kaniyang kaibigan. Sabog ang buhok nito at halata na bagong gising lamang ito at mababakas pa sa mata nito ang namamaga nitong mata na mas lalo pang nagpa-tawa sa kaniya.

Samantala si Akari nga ay may napagtanto sa mga nangyayari, ang kaniyang isipan ay bigla na lamang lumitaw at naalala niya ang paglabas ng puting hamog, at ang sumunod nang nangyari ay ang kasalukuyang tawanan ng mga estudyante sa loob ng klase.

Si Caleb naman ay kaagad na lumapit sa kanila at kaagad na humingi ng tawad, at kaagad na ipina-liwanag ang nangyari sa kanila kani-kanina lamang. Ang apat nga ay nakaramdam ng pagka-ilang ng malaman nila na sila ay napa-sailalim ng isang ilusyon at higit sa lahat ay sa harapan pa ng mga ago nilang kaklase.

Lumipas ang ilang oras ang lahat ay nagsimula ng gawin ang kani-kanilang paraan ng pagsasanay, samantala si Caleb ay kasa-kasama sila Shawn, Markus, Jarvis at sila Jay-ar, Grey, Akari at Lucy. Sa kasalukuyan ay nasa lugar sila kung saan nagaganap ang advance training na ginagawa nila Shawn, Markus at Jarvis.

Ang apat nga ay namangha sa kanilang nakikita, ang pasilidad sa loob ng gusali kung saan nag-aaral ang mga kabilang sa Special Class ay mayroong ganitong uri ng training field. Si Grey nga ay napapatingin sa mga robot na kanilang nakikita na hinahabol ang isang estudyante na naroroon.

Si Caleb nga ay ipinaliliwanag ang mga detalye kung bakit sila naroroon, at ito ay ang kailangan nilang sumailalim sa isang espisyal na pagsasanay kung saan palalakasin ang lahat ng aspeto na mayroon ang bawat isa sa kanila.

Ang apat na bata nga ay makikitaan ng seryosong ekspresyon ng kanilang marinig ang sinabi na iyun ni Caleb. Samantala mapapansin naman sila Shawn, Markus at Jarvis na kaagad na pumasok sa loob ng training ground, nagtaka ang apat dahil nagsasalita pa si Caleb ay pumasok na kaagad ang mga ito.

Si Caleb naman ay hindi pinansin ang tatlong iyun, at nagpatuloy nalang sa kaniyang pag-papaliwanag sa apat na bata, at ang apat nga ay nagulat ng sabihin ni Caleb kung saan lamang mataas ang kanilang aspeto. At ito ay sa lakas lamang ng elemento at ng aura. Habang sa ibang aspeto naman ng pakiramdan, isipan at katawan.

Nanlaki ang mata ng apat ng sabihin sa kanila ni Caleb ang mga kahinaan na sinasabi nito, si Grey nga ay napa-ayun na lamang dito. Dahil matagal na niyang napagtanto na may kulang sa kaniya. alam niya na malakas ang taglay niyang elemento at aura subalit parin ang kaniyang katawan at mabilis siyang mapagod dahil sa masyadong pag-gamit ng kaniyang elemento. Si Akari naman ay napasang-ayun na lamang din kay Caleb dahil alam niya na mahina pa siya sa ibang mga aspeto. Ganun din ang dalawa na naroroon na makikita na seryoso na dahil sa kanilang nalaman.

Si Caleb nga ay ipinaliwanag ang mga kailangan gawin nila Grey, Akari, Lucy at Jay-ar sa loob ng isang buwan. At ito ay sumai-lalim sa isang espisyal na pagsasanay upang palakasin ang kani-kanilang aspeto na tinataglay.

Samantala ang tatlo na nasa loob ng training ground ay napatingin na lamang sa labas kung saan naroroon ang apat, si Shawn nga ay nakatungon ang atensyon ngayon sa isang robot na matagal na niyang gustong labanan.

"Shawn?, Ano sa tingin mo? Kakayanin kaya nila" tanong ni Jarvis kay Shawn na ngayon nga ay inihahanda ang kaniyang katawan.

"Hindi ko alam!, pero malaki ang tyansa na may bumigay sa kanila" sagot naman ni Shawn sa tanong ni Jarvis.

Si markus naman ay napatapik na lamang sa balikat ng dalawa niyang kaibigan.

"Ano ba!, h'wag kayong ganiyan sa apat. Alalahanin niyo nagawa nilang matalo ang grupo nila Scarlet ng sila lamang" Sabi ni Markus at mababakas sa mukha nito ang masayang eskpresyon. Samantala si Shawn naman ay kaagad na inalis ang kamay ni markus sa kaniyang balikat at kaagad na pinuntahan ang robot na kaniyang napili upang labanan....

Legends of God's Children [School of Magic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon