They're after me
Hi po admins, sana mapost po ito since I badly need help. Di ko alam kung bakit ako lang nakakakita at nakakaramdam ng spirits sa bahay namin, di ko rin alam kung bakit ako lang ang madalas bangungutin.
Ganito kasi yun, madalas ako matulog mag isa sa kwarto namin, eh mas comfortable ako pag nag iisa, so nakapatay lahat ng ilaw. Ewan ko kung anong meron pero alam niyo yung sleep paralysis? Madalas mangyari yun sakin. Yakap ko palagi yung unan ko tas nakadilat ako pero di ako makagalaw, tas may dumadagan sa dibdib ko, parang pinapatay niya ako, ganun. Eh sa natatandaan ko, nagdidilim na paningin ko tas hindi na talaga ako makahinga, then pinilit kong igalaw yung mga daliri ko, at luckily, it worked. Simula nun di na ako natutulog mag isa. Pero di dun nagtatapos yun, bangungot naman yung pumalit.
One time, nanaginip ako na nakakulong daw ako sa loob ng kabaong, tas may babaeng nakaputi at dilat na dilat yung mata, inaaway na siya ng mga tao pero ayaw pa rin niya akong palayain. Tbh di ko na matandaan yung sumunod o yung iba pang details sa panaginip na yun. Tas yung pangalawa naman, nasa second floor daw kami ng mga taong di ko kilala, lahat sila tumalon mula second floor hanggang first floor. Mga basag yung ulo nila, as in durog, tas sinilip ko daw yun, nakita ko yung tao o ewan na kulay pula tas may sungay at buntot. Tumalon din ata dun ako eh, basta di ko na natuloy at nagising na ako.
One time, nagpunta kami sa isang bookstore, may nakita akong horror book, tas kinuha ko nalang at binuklat. Yung babaeng nakadilat at yung scene na mga durog yung ulo, andun lahat. Edi ako nagulat tas nagtaasan balahibo ko. Binitawan ko na yung book at kinwento ko sa mga kaibigan ko yung mga napanaginipan ko.
After a few weeks, ayaw pa rin akong tigilan ng mga panaginip ko so I decided na magsimba kami ng nanay ko. Sumama ako sa kanya since birthday ko naman. Pero bago pa man din kami makapunta dun, tinignan ko sarili ko sa phone ko, may nakita akong lalaking nakatayo sa likod ko, paglingon ko, wala naman. Tas sinabi ko sa nanay ko, ang akala niya, kuya ko yun. Pero hindi eh, ang puti puti nung lalaki. Di ko naman napicture-an kasi ang bilis ng pangyayari.
Fast forward
Nang makapasok kami sa simbahan, nanginginig tuhod ko tas ayaw tumigil ng pawis ko, eh may electric fan naman kaming katabi. Bawat salita ng pari, walang pumapasok sa isip ko, ang gulo gulo, may bumubulong sakin tas parang sinasabayan yung salita ng pari, ayaw nila akong tigilan. Nahihilo na ako at parang tutumba na ako pero pinipigilan ko talaga. Edi nung nakauwi kami, nawala yung pawis ko, blangko utak ko nun habang naglalakad kami ng nanay ko.
Nung kinagabihan, naglalaba ako ng medyas, mga 12 ata yon, busy ako sa paglalaba tas yung nanay ko tulog na, nung malapit na akong matapos, may sumitsit sakin. Ang haba ng pssssst niya. Di ko pinansin kasi alam kong wala ng taong gising bukod sakin, so nung di ko siya pinansin, nagbato siya ng bato sa bubong namin. Dun na ako kinabahan, umakyat na ako at nagsuot ng rosary, sinuot ko rin yung lucky charm na bracelet. Di na nila ako binagabag nung sinuot ko yung dalawa, pero nung 18, hinubad ko yung dalawa, habang nagffacebook ako, nakadapa ako sa kwarto namin tas yung sampayan, medyo malayo sa pwesto ko. Eh diba pag nahulog yung hanger, diretso pababa? Hindi ganun ang nangyari, lumihis siya papunta sakin na para bang binato, eh ang layo ko sa sampayan tsaka nag iisa lang naman ako sa kwarto. Edi napailag ako kasi muntik na akong tamaan sa ulo, tumayo ako at mabilis kong kinuha yung bracelet ko. Kinwento ko sa nanay ko yung nangyari at sabi naman niya, bat parang ako lang ang target ng mga yun. Di ko rin alam kung bakit.
Ayaw nila akong tigilan, di ko alam kung bakit ako lang ang nakakaramdam. Natatakot ako na baka mas malala pa gawin nila kaya ingat na ingat ako sa mga kilos ko lalo na pag mag isa ako sa gabi.
I don't have specific dates kung kelan nangyari yung mga panaginip ko, since wala pa ako sa wisyo nun dahil sa mga naranasan ko.
Tulungan niyo ako please.
RM
BINABASA MO ANG
Spookify 2017
HorrorTotoo ba talaga ang mga Multo?Aswang?Demonyo?Engkanto?O kung ano ano pang masasamang nilalang?Alamin natin ang ibat ibang storya ng ating mga spookifiers na nakaranas ng mga ka kilakilabot ma mga karanasan nila!