Overnight

4K 88 1
                                        

Bwis*t na Overnight

10/10/16 nung nag-overnight kami ng mga kaibigan ko sa bahay namin. Fresh na fresh pa sa utak ko. Eto na. Dahil malapit na nga ang undas, di ko mapigilang matakot dahil puro matatakutin din yung mga kasama ko. Nagpasama saking mag-cr yung friend ko mga bandang 11:00.

Di ko maexplain pero bigla akong kinilabutan. Alam nyo yung feeling na may nakatingin sayo? Putspa. Sobrang creepy pa ng cr namen.

Nung natapos sya mag-cr, nagtatakbo sya sa kwarto namen kaya tumakbo na din ako. Abay umiiyak ang luka kaya tinanong ko sya kung baket. ""May nakangiti sayong matanda"". Sabay talukbong ng kumot.

Putspa! Halo halong emotions ko. Lima kame pero dalawa lang kaming babae kaya di pwedeng magtabi tabi sabi ng tita ko. Habang pinapakalma ko si bes, nahagip ng peripheral vision ko yung matanda.

Pusang ina. Di ko malaman kung matatakot ba ko hinde kase nakangisi. Nakawhite sya kaya nagtalukbong nalang kami pareho. Hindi namin namalayan alas dos na.

Devils hour. Yan lang pumasok sa isip ko. Maya maya parang naging tatlo kami sa kama kaya tumili kami. Nabulabog lahat ng nasa bahay kaya ayun. Di na natuloy yung overnight kuno. Bwiset. Di na mauulet yon!

LILY 
BULACAN

Spookify 2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon