Dwende

1.9K 34 0
                                    

Dwende

"Hi po sa inyo...itago nyo na lang ako sa pangalan na Yhana.. First time ko po mag kkwento dito.. Ito po ay tungkol sa kwento ng karanasan ng pinsan ko itago na lang natin sa name na.. Nathan

Si Kuya Nathan po kasi bata pa lang. Nakakakita na sya ng di normal na nakikita ng mga tao..
Eto na nga po... Kwento lang po ng tita ko ito kasi bata pa lang ako mahilig na ako sa mga kwento nakakatakot..

25 y/o na ako now so ng yari un mga 7 o 8 years old pa lang ako at si Kuya Nathan naman nasa 31 na ngayon..

Mahilig mangilaw ng gagamba si kuya Nathan nung araw na un kasama nya mga kaibigan nya mangilaw ng gagamba... Nakarating daw sila sa bayan.. Kung taga dito kayo sa bayan namin alam nyo po ito 😊
Nakarating sila sa bayan.. Ung simbahan namin may private school (catholic school) tapos sa tabi nun may publoc elem.. School tapos sa likod naman nun may tennis court at sa likod ng tennis court may bagong school dun college.. At sa tabi nun may puno ng acacia..
So ayun nangilaw daw dun sina kuyaa agaw dilim at liwanag.. Tapos pag uwi mga kinagabihan nilalagnat si kuya nathan... Pinainom ng nanay nya ng gamot... Tapos umaga na.. Si kuya Nathan daw ay nag cr... Bali ang bahay namin ay isang compound yung bahay nila kuya Nathan at ung isang tita ko sa likod sa unahan bahay ng lola ko ung cr sa likod nakabukod para sa 2 bahay sa likod ung cr ung sa taas nun tanke ng tubig opo di po nawasa tubig namin... Magulo po ba?? Sorry po..

Napasigaw si kuya mga ilang beses tapos nag tatatakbo daw sa tita namin sabi nya..

Tita: :bakit ka nasigaw kaaga aga?..
Nathan: nasa cr ako tita tapos may nabulong sakin na sumigaw daw ako pinipilit kong di sumigaw.. ung kamay ko nga tita nilalagay ko sa bibig ko para lang di sumigaw eh..
Tita: :lakad na umuwi kana dun at mag palit ka na damit... Mga sinasabi mo nanaman diyan..

Umuwi si kuya nathan na nagtatatakbo ulit tapos andun nanaya nya sabi naman nya mama ang dami nahabol sakin maliliit mama mama habang papalapit sa tita ko..
Tapos yung bahay kasi nila maliit lang isang kwarto tapos may apat na palapag na hagdanan tapos kahoy ang bahay at yung floor lupa..
Nasa hagdan sya nakaakyat sabi nya mama may buaya mama mama bilisan mo akyat ka din...
Tapos natakot na nanay nya kaya nag patawag ng albularyo sikat ba manggamot dati yun kaso pumanaw na sya ngayon kung nakikilala nyo sya nagamit sya ng papel sa pag gagamot..
Kapag si kuya napunta ng cr lagi na lang daw may bumubulong sa kanya tapos napipilitan sya sumigaw dumating ang albularyo na un 2 days pa pagkatapos nung mga nakita nya..

Sabi nung albularyo pagtingin pa lang daw nya kay kuya may sapi na daw ito.. Tinanong nya san ka nanggaling sabi ni kuya nathan nangilaw lang po kami ng gagamba tapos nagisa isa sya ng mga lugar tapos ung typewriting pinainitan sa kandila.. Habang nag dadasal na pabulong.. Bigla nya itinaas ang papel sabi nya eto nakikita nyo ba to sabi daw ganun tapos unti unti daw nagkaron ng shape na may tenga mahaba ulo ganun tapos aninag pa daw nila ang malaki na mata kung iisipin daw parang nananaginip tita ko na totoo pala daw talaga tong mga sanib sanib.. Tapos ayun na nga sabi ng..

albularyo: hoy ikaw sino ka bakit ginagambala mo ang batang ito

. Una di daw nasagot
Albularyo: :hindi ka sasagot may ginawa daw sa paa ng pinsan ko tapos umaray ung si kuya nathan
Albularyo: :ano hindi ka ba sasagot..?

At nung nag salita maliit daw ang naging boses ni kuya nathan dwende ang sumapi..

Dwende: kami ang ginambala nila etong bata na to napakaingay..
Albularyo : patawarin mo na ang batang ito hindi niya sinasadya na magambala kayo kaya umalis ka na sa katawan nya
Dwende: :ayoko sabay tawa...
Albularyo: :kapag di ka umalis bubulagin ko mata mo at papatayin kita...
Dwende: :ayoko ayoko ayoko
Albularyo: :gamit ang papel tinusok nya ang mata nung naka shape na mukha sa. Papel..

Tapos ayun sumigaw daw ng sumigaw ung pinsan ko oo na daw aalis na daw sya..

Tapos ayun na nga edi gabi na ulit akala nila ok na..
Natutulog magkatabi si kuya nathan at mama nya pati ung isang kapatid nya ng bigla daw bumangon si kuya tapos nagising mama nya tapos sabi ni kuya nathan ma may nakasilip sa ilalim ng pintuan ng kwarto may awang kasi un tapos hagdan na un pag bukas mo ng pintuan... Tapos eto na nga tumingin si kuya sa mama nya tapos iba ang mata ni kuya daw nun nanlikisik tapos nakatingin sya sa mama nya tapos sabi ma bakit ganyan ang mukha mo puting puti... Tapoa nahiga na ulit pag hipo ng mama nya mainit nnaman daw kinabukasan tinawag nya ulit ung albularyo..

Sabi ng akbularyo may sanib daw ukit anak nya... At nung nalaman nya ung asawa pala nung nabukag na dwende... Naghihiganti daw sya kasi binulag daw yung asawa nya.... Tapos napaalis naman ng albularyo..

Pasensya na kayo kung di nyo naintindihan ang kwento salamat kung nagustuhan nyo at sa hindi po salamat din...
Sana mapansin nyo tong kwento ko admin.. Kapag naging ok naman ang kwento ko sa inyo kwento ko ung mga kinukuwento sakin ng tita ko pangitain kasi un pati ung naranasan ko na d ko mapaliwanag kung totoo o hindi kwento ko din di naman kasi ako pangitain duwag talaga ako mahilig lamb ak sa kwento pero ayun nga may naranasan din ako...

Wag na wag nyo ako itatag mga pinsan ko ha... Naku naku please... 😊

Yhana
General Trias Cavite

Spookify 2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon