Malaking Tao
So, this will be my first time to share my story here.
Nangyari ito year 2014. Bagong lipat ako sa isang Augustinian School na may katabing Catholic Church. Yung panahon na yan, First year ako tapos transferee pa. Yung naging mga kaklase ko ay may kanya kanyang group of friends na kaya nahirapan akong makihalubilo sa iba. May mga naging tropa naman ako lalo nayung mga kapwa ko transferee din. Ang problema, magkakaiba kami ng course kaya hindi rin kami madalas mag kasama. Kaya ang ending, almost everytime mag isa ako. Like lunch, break and vacant time. So dumaan yung mga araw na nai-stress ako dahil nga transferee ako and I felt lonely everytime. Lagi akong malungkot. Tapos may oras na pakiramdam ko, lagi akong magkakasakit at sobrang sakit ng likod ko na akala mo eh may nakapasan sakin na mabigat na bagay eh ang liit lang ng bag ko nun. Hanggang sa... isang gabi nagising ako ng naka dapa. Straight yung paa ko na nakabukaka. Yung mukha ko nakasubsob sa kama pero nakatagilid at nakaharap sa kaliwa. Tapos yung kamay ko, nakapwesto na para akong sumusuko, pantay na pantay sa isa't isa. Dumilat yung mata ko ng naka ganun ako at sobrang bigat sa likuran ko. Hindi ko kinayang bumangon agad sa sobrang bigat. Hanggang sa pinilit ko tapos umupo ako sa gilid ng kama. Mag isa lang kasi ako sa kwarto natutulog at that time, patay pa yung ilaw namin sa altar sa loob ng kwarto (dim light lang yung ilaw dun) kaya sobrang dilim. Pinilit kong buksan yung ilaw. Tapos bumalik ako sa pagkakaupo ko. At yan yung moment na sobrang bigat ng pakiramdam ko. At alam kong may kakaiba ng nangyayari. So I call Him and Pray. Hindi ko namalayan na nanginginig na ako habang nag dadasal at iyak na ako ng iyak. Puro takot na ang naramdaman ko at hindi na ko makapag dasal ng maayos. Bigla ko nakakalimutan yung next line or mauutal ako. Tapos yung pakiramdam na hindi ka nag iisa but bad aura ang pakiramdam mo. Sobrang takot ako. Hindi ako makagalaw tapos nanghihina ako pero nilakasan ko ang loob ko at lumabas ako ng kwarto. Tinawag ko si Amma (lola ko) na nasa kabilang bahay lang. Yung bahay kasi namin ay magkakadikit at may mga pintuan na nag uugnay kaya mabilis silang nagising pati kuya ko at tito ko. Yumakap ako agad kay Amma tapos yung tito ko at kuya ko chineck yung buong bahay dahil baka may tao lang na nakapasok samin sabi nila. Pero alam kong hindi tao yun. Kaya dun na lang ako kina Amma natulog. Days passed, si Amma ay pumunta sa Tita kong nag mimissionary sa Mahal na Ina ng Manaoag. My Amma asked help to her about sa nangyari sakin. Binigay nya lang ang pangalan ko at nalaman na nya agad yung nangyayari sakin. Kaya after nun, pumunta na kami ng parents ko dun sa Tita ko para personal na humingi ng tulong. Sa pamamagitan ng pag sanib sa Tita ko, nakausap ko yung 'Malaking Tao' daw na gumagambala sakin. Nagustuhan nya raw ako dahil palagi akong mag isa, dun daw sya nakatira sa tapat ng simbahan na katabi ng school ko pero pinutol na yung mga puno dun, sinundan nya daw ako hanggang sa bahay ko at nkakita sya ng puno sa harap ng bahay namin kaya dun na daw sya tumira. Nung gabi daw na yun ay nakadagan sya sakin. Gusto nya daw akong kunin (nakikinig lang ako dahil si mama ang kinakausap nya dahil natatakot na ako nung mga oras na yun). Gusto nya raw akong kunin at syempre pumapalag yung mama ko. Kinilabutan ako dun sa sinagot nya sa mama ko, ""bakit ayaw mong sumama sakin? Madami na kong nakuha."" Syempre, yung mama ko lumalaban. ""Hindi kayo parehas ng mundo, kaya wala kang dapat na kunin dahil tao sya."" Sabi ng mama ko. Sumasagot pa yung kung anong nilalang na yun at sinasabing gagawin pa raw akong Reyna. @_@ ayun, natapos naman ang usapan, inalok namin sya na mag alay kami pero tinanggihan nya at pumayag na lang si mama na bantayan na lang nya ko dahil yun ang gusto nung entity yun.
Hanggang ngayon, creepy na yung tingin ko sa puno sa may bandang harap ng bahay namin. Pero go with the flow na din ako. Next sem non, nagkaron na ko ng maraming group of friends kaya naging masaya na yung college life ko. Isa lang talaga to sa mga hindi ko malilimutan. Salamat sa pag basa. Alam ko hindi ito masyadong nakakatakot pero totoong mga pangyayari ito kaya ko nai-share at gusto ko din maging aware yung tayong lahat na hindi lang talaga tayo ang nakatira sa ating mundo. Triple pa sila sa dami natin. Kaya din nila tayo ginagambala ay dahil may inggit sila saating mga buhay na tao. Dahil tayo lang ang binigyan ng Diyos ng pagkakataong makarating sa langit, sila ay hindi.
Sa mga makakakilala sakin, PM nyo ko, wag nyo na ko i-mention! Hahaha. Lalo na sa pinsan kong hinawaan ko ng kaadikan sa pagbabasa dito. Haha!
Ingat po tayong lahat lagi and always pray. Godbless and more power po sa page ng spookify! Salamat sa pagbasa.
Stpdty
Caloocan city

BINABASA MO ANG
Spookify 2017
HorrorTotoo ba talaga ang mga Multo?Aswang?Demonyo?Engkanto?O kung ano ano pang masasamang nilalang?Alamin natin ang ibat ibang storya ng ating mga spookifiers na nakaranas ng mga ka kilakilabot ma mga karanasan nila!