Bloody Mary

1.9K 28 0
                                    

1st time ko pong magse send ng story here. And I want to share it with you yung experience ng bestfriend ko sa school namin nung elementary. This was 8years ago. 3rd year college nako ngayon pero paulit ulit ko pading kinkwento sa mga ka batchmate ko to kasi hindi siya maalis sa isip ko sa twing nagkkwentuhan ng mga horror stories.

Around 8p.m na nun, try out ng mga ka schoolmates ko sa volleyball ang Gym ng school namin ay sa 6th floor. Sobrang laki ng school namin nun and sobrang creepy kapag inabot kana ng gabi sa school sa sobrang daming experiences sa school namin.
Okay back to the story, nagpunta ng cr si Ate Girl para mag ayos na kase ready to go home na nga siya. But she decided na maghilamos muna kase lagkit na lagkit nga siya sa mukha niya. Pagdilat ng mata niya, di niya makalimutan yung babaeng nakatitig sa kanya sa salamin na ang sama sama ng tingin sa kanya. Then pumikit si friend akala niya pag dilat ng mata niya wala na dun yung babae sa salamin, pumikit ulit yung ka schoolmate namin para magdasal ng Tatlong hail mary paulit ulit niya tong dinadasal habang nakapikit, then expected niya wala na talaga dun yung babae sa salamin, Boom! Pag mulat ng mata niya. Tumatawa ang multo ay Ginagaya lang siyang magdasal. At paulit na binigkas ang ""(HailMary,hailmary!3x) marunong kapa talagang magdasal"" yan ang sinigaw sa mukha niya nung babae sa salamin. dun na siya hinimatay at sinugod sa ospital dahil buong akala namin sobrang pagod and hilong hilo lang sa tryout nila. Then nung nahimasmasan na siya, Tulala padin yung friend namin na trauma siya sa nangyare sa kanya. Jusko, kahit ako naman siguro nasa pwesto niya hihimatayin din ako sa takot nun. Hindi man lang natakot yun babae sa salamin.

Kumalat ang story na 'to sa school namin at wala ng may lakas ng loob mag Cr sa gym na yun.
Btw ang school namin ay dating sementeryo and naging hospital din siya noon noon palang nung panahon palang nung mga grand mother ko.
thanks for reading, pasensya na kung medyo magulo ang paglalahad ko.

MKBL22
Manila

Spookify 2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon