MTI
Nangyari lang to nung May 2016 up to October 2016. Doctor ako sa public hospital and I met this new girl, I can say she's really pretty. Una ko siyang naencounter sa may Emergency Room ng hospital mga June yun. Nung una ok siya, akala mo normal lang siya. Makikita mo nagtatawag ng pasyente, nag aasikaso not until nang mangyari to. Night duty ako, nakaupo ako sa table at nasa labas siya ng satellite laboratory, nakatingin sa mga pasyente pero napapansin ko na bawat dumadaan na buntis tinititigan niya. So sa akin wala lang kasi malay mo natutuwa lang siya.
May dinala na naglaslas sa ER so lahat kami inasikaso yun. Habang busy ako sa pagpapatigil ng dugo ng sugat ng pasyente, napatingin ako sa gawi niya na nakangiti ng creepy tapos may binubulong. Naramdaman ko din na tumatayo ang balahibo ko. Maya maya lumapit na siya tapos binulungan niya yung pasyente pero walang malay yung pasyente. Akala niya siguro hindi ko maririnig pero dinig na dinig ko ang sabi niya. "Ang bango mo namang buntis" what the hell diba bakit mo sasabihin yun saka swear hindi namin alam lahat na buntis yung dinala. Pero dahil sa katoxican nalimutan ko yun, yung resident doctor maraming pinaexam dun sa patient. So ako trabaho ko kunin yun sa laboratory, nung kinuha ko pagcheck ko nagulat ako kasi tama nga yung intern. Buntis nga yung pasyente and simula nung day na yun inoobserve ko na siya.
Then one night naglalakad ako sa hallway ng hospital, walang tao. Medyo kinabahan ako, nasa kalagitnaan na ko ng hallway nang matanaw ko na may makakasalubong ako na naka lab gown and yes siya yun, f*ck kinilabutan ako. Yung way ng pagtitig niya kakaiba so lumipat ako sa kabilang side. Nakalagpas na ko sa kanya nang magsalita siya. "Natatakot ka ba sakin Doc?" Napatingin ako sa kanya, kinilabutan na ko ng sobra kasi paglingon ko wala siya, imposible yun dahil mahaba pa yung pasilyo. Nakarinig ako ng tawa tapos nagsalita uli siya. "Alam mo yung ole ole?" Tapos humahagikgik yung boses, hindi ako makatakbo kasi yung paa ko napako na, pinagpapawisan na ko ng sobra, napapadasal na din ako. Hindi ko alam pero bigla akong napatingin sa taas and yun yung worst na nagawa ko dahil andun siya. Hindi na maamo yung mukha niya, nanlilisik yung mata niya habang tumatawa. Ang bilis ko tuloy na napatakbo habang sumisigaw tapos wala na. Nagising na lang ako nasa ER na ko, kasama ko siya. Kinukuhanan ako ng dugo at sinasabihan na magpahinga habang nakapaskil sa mukha niya yung ngiting sobrang nakakatakot. Binulungan niya pa ko ng "Mag iingat ka doc, nakaabang lang ako." Nakikita ko pa din siya pero iniiwasan ko na talaga. Wag na wag tayo magpapalinlang, nasa tabi tabi lang sila, nag aantay ng pagkakataon na mabiktima ka.
Matatakutin na MD
BINABASA MO ANG
Spookify 2017
HorrorTotoo ba talaga ang mga Multo?Aswang?Demonyo?Engkanto?O kung ano ano pang masasamang nilalang?Alamin natin ang ibat ibang storya ng ating mga spookifiers na nakaranas ng mga ka kilakilabot ma mga karanasan nila!