Naglalakad

1.5K 29 4
                                        

Nag start ito noong nagsimula akong magbasa ng mga facts about sa demons, entities, etc. (June 2014) Nagbabasa ako ng articles about dyan para naman kapag may mga kababalagahan na nangyari sa buhay ko e, may alam ako kung paano ko sila maiiwasan. And, i am cia. (Thats what my lola call me)

***

Umalis ang mama ko sa pinas para sa college ni ate. Kulang kasi ang income ni papa as a security manager doon sa dubai, so sumunod nalang si mama kay papa doon. Naiwan kami dito kasama ang lola at lolo ko.

Nangyari ito noong summer, april 2015, puyat kasi kaming tatlong magkakapatid non tas tulog na si lola at lolo. Bumaba ako para kumuha ng snacks dahil inaatake ako ng gutom non kahit marami naman na akong nakain. Pagbaba ko, biglang nanlamig yung kaliwang braso ko, it seems likeay humawak pero dahil di naman ako matatakutin non, i shrug it off, at binuksan yung ilaw sa may kusina at kinuha ang mga snacks don. Naka akyat naman ako ng maayos ng walang nararamdaman na lamig, except sa feeling na parang may nakatingin saakin. And again, i shrug it off.

Kumain ako mag-isa ng matiwasay pero hindi parin mawala sa isip ko na may nakatingin saakin. Siguro, mga 3:26am na non, at nakakaramdam na ako ng antok. Nung hindi na kaya ng mata ko ang puyat, pinatay ko ng ipad ko at natulog na agad, habang ang kapatid ko sa kabilang kwarto ay gising parin.

Eto na yung part kung saan talagang tumayo ang balahibo ko. Nagising ako ng mga bandang 4, hindi dahil sa init kundi sa naririnig ko. Parang may naglalakad sa hagdan at parang may naglalakad sa hallway. I can hear them perfectly dahil di ko naman isinarado ang pintuan sa kwarto ko dahil baka tabihan ako ni ate. Nakatulala lang ako sa gilid habang nakatalikod sa pintuan, at kahit nag iingay na silang dalawa ni ate at kuya sa kabilang kwarto e, di parin nawawala yung sound ng lumalakad sa may hallway at sa hagdan. Dahil sa takot ko, binuksan ko agad ang ilaw sa hallway at biglang nawala yung parang palakad lakad.

Kinabukasan, habang nag la-lunch kami, biglang nag salita si lola, sabi nya ""Wag kayong tahimik. Kasi pangit yon."" Tas tumingin ako kay lola, at tinanong, ""bakit lola?"" At literal na tumayo ang balahibo ko sa sagot nya ""kasi may maririnig ka na kung anu-ano cia. At dapat, masaya ang paligid."" From that moment, na realise ko ang sinabi ni lola. Napa putangina nalang ako sa utak ko ng mapagtanto yung nangyari saakin kagabi.

***

Alam kong di sya scary, pero talagang nangyari saakin yan. Kapag mag-isa ako sa bahay at dut-dot lang ng dut-dot ang ginagawa ko, madalas akong makarinig ng mga yapak sa may hagdan. Mygahd, bigla nalang akong napapalabas ng bahay dahil sa nararamdaman ko.

WeirdongNerd
Parañaque City

Spookify 2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon