ICU Patient
Hi spookifiers. This is my first time na magkwento ako thru online. Sobrang interested kasi ako sa mga ganito. Pero isa ako sa pinakatakot pagdating sa ghost stories and some other elements. Anyways, sobrang naniniwala ako sa multo lalo na nung naka encounter na ko. My name is tep. Assistant nurse ako sa isang hospital. Alam kong usual na ang multo sa ganitong place. Di lahat kaya mong i-revive, di lahat kaya mong dugtungan ang buhay. To make my long story short, I was assigned to ward area and while in the middle of my night duty, tumawag ang ICU Nurse sa ward for "Code" (It means they need some help). So bumaba agad ako just to help. Dalawa ang patient sa ICU that time. May harang lang sa gitna kase nagrerevive kame. Walang kaalam alam yung isang patient namin na nag 50-50 na yung kabilang patient. We revived the patient but unfortunately, di na nakasurvive.
Then after an hour. Habang inaasikaso ni sir yung cadaver and patient's chart, nagpaalam na sya na kakausapin daw muna nya yung relatives ng patient sa labas. Ako na muna ang nagbantay. Narinig kong umuungol yung isang patient and dali dali akong pumunta. Tinanong ko kung anung problema nya.
M: Sir may problema po ba? May masakit po ba sa inyo?
S: (Medyo groggy at di masyado maintindihan yung sinasabe nya)
Sya kasi pinipilit nya ko sumama sa kanya.
M:(Lumilingon) *Ako lang naman, sya at yung isang patient na na-expire(dead) na.
S: Paalisin mo sya, pinipilit nya ko sumama sa kanya.Di ko alam ang gagawin ko at that time. Sobrang takot na takot ako. Nagdasal nalang ako at pinakalma ang isang patient ko hanggang sa makabalik yung workmate ko. After ng nangyari na yun di na ko pumapayag na maiiwan mag isa sa area.
Tep

BINABASA MO ANG
Spookify 2017
SeramTotoo ba talaga ang mga Multo?Aswang?Demonyo?Engkanto?O kung ano ano pang masasamang nilalang?Alamin natin ang ibat ibang storya ng ating mga spookifiers na nakaranas ng mga ka kilakilabot ma mga karanasan nila!