When love is more powerful than death

1.9K 45 1
                                        

""Life goes on"" sabi nga nila, kahit sumakabilang buhay na ang mga taong mahal mo ay kailangang patuloy kang mabuhay. ""Ang mundong ibabaw ay para sa mga taong nabubuhay."" ""Gumising ka, wala na siya. hinding hinding na siya babangon sa hukay""

Mga salitang eto, kahit gaano kayo ka-considerate sa isang tao, huwag na huwag niyong sasabihin ito habang nagdadalamhati sila. Lalo lang nilang mararamdaman ang kakulangan sa buhay nila at lalo lang nilang dadamdamin ang mga bagay-bagay.

Alam ko, kasi ganyan ako. Tinanggap ko naman ang pagkawala niya pero natagalan dahil pakiramdam ko palagi ko pa rin siyang kasama. Kahit sinong nagmahal at nawalan, alam nila ang pakiramdam na to.

Hi, ako nga pla si Elle, taga-Isabela ako. 25 years old na ako ngayon. Suburban yung area namin. So, hindi probinsyang probinsya ang dating ng lugar namin. Bata pa lang ako ay malakas na ang pakiramdam ko, hindi lang sa mga bagay na hindi nakikita. Medyo hypersensitive ako sa paligid. Feeling ko nadevelop ko to dahil may night blindness ako. As in, kapag madilim na, hindi na nag-aadjust yung paningin ko. Hindi ko alam kung may connection, pero sabi kasi nila kapag mahina yung isang sense mo (In my case, sight) mas lumalakas yung ibang sense mo. O basta yun (Comment lang kayo kung hindi niyo ma-gets, baka sakaling may mabait na mag-explain).

So back to the story. It happened 2 years ago, nang mamatay ang fiance ko because of a freak accident. That time, halos mamatay ako sa sakit na nararamdaman ko. Hindi ako makapaniwala nang may tumawag sakin na isinugod siya sa ER, the next thing na sinasabi sakin binawian na siya ng buhay. Umiiyak ka sa loob mo ngunit walang luha na lumalabas, ganun kasakit. Alam mo kung ano yung nakakatakot? Walang paalam, iniwan ka na ng taong akala mo ay makakasama mo habang buhay. Mas maganda pang nagbreak na lang kayo kasi hindi ka na niya mahal, basta't alam mong masaya siya at buhay siya. Kesa yung nawala na siya at hindi mo man lang naipaalam kung gano mo siya kamahal o minahal ka ba niya hanggang sa huling hininga niya. Ang selfish bang pakinggan? Sorry ha. Umabot na kasi ako sa punto na hinahamon ko na ang kamatayan. Hindi nakakatakot mamatay, sa totoo lang. Ang nakakatakot ay kapag naiisip mo na lahat ng maiiwan mo.

First 3 days ng lamay niya hindi ako pumunta, kasi hindi ko matanggap na wala na siya. Nagpapadala lang ako palagi sa nanay ko (Na araw-araw pumupunta) ng isang puting rosas na sinasabitan ko ng notes ko para sa kanya. Pinuntahan lang ako ng kuya niya at sinabi sa akin na nirerespeto ng pamilya nila ang hindi ko pagpunta pero alam daw niya na hindi masaya ang kapatid niya kung hindi ko to haharapin. Malungkot lang akong ngumiti at sinabi ko sa kuya niya na ""Patay na siya, hindi niyo na alam kung anong nararamdaman niya"". Sinumpong na naman ako dahil ramdam na ramdam ko ang pagkawala niya. Mahinang tumawa yung kuya niya na ikinagulat ko. Tumingin ako sa kanya at sinabi niya lang sakin ""Gusto mo ba patunayan ko kung gaano ka kamahal ng kapatid ko at kung gaano siya nalulungkot na wala ka?"" Inilabas niya ang cellphone niya at ipinakita niya sakin ang litrato ng mga rosas na pinadala ko na nakapatong sa kabaong, buhay na buhay ang mga ito. At hindi pa nalalanta kahit kaunti, hindi katulad ng mga ibang bulaklak na makikita mong may pagkalanta na. Sabi ni kuya niya na lahat ng bulaklak maliban sa mga rosas na pinapadala ko, palaging inaalis makalipas ng isang araw dahil nalanta na. Ayokong maniwala noon, dahil sobrang cynic at morbid ako noon, ayaw kong paniwalaan yung nangyayari. Kasi pwedeng pwede palitan yun at ipakita na lang sakin na ganun para makumbinsi ako noon na talagang nagpaparamdam ang kapatid niya at hinihintay ako.

Pero mahal ko si Rome (fiance ko) kaya hindi din ako nakatiis. Pinuntahan ko din ang lamay niya sa ikaapat na araw. Ilang minuto din akong nakatayo sa labas ng memorial home, nanginginig kasi ako at nanghihina. Hindi ako makahinga, kasi kapag nakita ko na siya sa kabaong, alam kong iyon na iyon. Pagpasok ko ay medyo magulo, dun na tumulo luha ko. Tumulo na luha ko nung makita ko kung gaano kadaming nagmamahal kay Rome. Hindi ko maipaliwanag pero pakiramdam ko pagkapasok ko ay may humalik sa pisngi ko at humawak sa kamay ko. Hinayaan ko lang yung pakiramdam na yun. Nakaposisyon yung kamay ko na para bang may kahawak kamay. Dumiretso ako sa kabaong niya, tinitigan ko yung nasa kabaong, wala akong maramdaman, alam kong hindi na si Rome yung nasa kabaong. Alam kong katabi ko na siya. Yung pakiramdam na may gusto siyang sabihin sayo pero ang kaya na lang niyang gawin ay iparamdam ito. Alam kong masakit mamaalam pero mas kinaya ko dahil alam kong nakikinig siya.

""I love you, kahit wala ka na hinding hindi ka na mawawala sa puso ko""

Yung puting rosas? Hindi ko na nalaman kung totoo kasi hindi ko na naabutan, nakita ko na lang yung mga notes ko na nakapatong sa kabaong. Hindi ko na alam nangyari, hindi ko na din inaalam. Mas gusto kong isipin na binaon iyon ni Rome kung san man siya patungo.

Maaaring sabihin niyo, bakit ko shinare, hindi naman nakakatakot. Maaaring sa ibang tao ay nakakatakot na makaramdam at makakita ng multo. Pero mas nakakatakot mawalan ng mahal sa buhay. Yung araw na iyon hindi ko makakalimutan, maaaring imahinasyon ko lang yun pero tumatak na yun sa puso ko. Mas nakatulong yun para matanggap ko na ang kamatayan ay ang katapusan ng mga bagay na hahayaan mo ng matapos.

Hindi pa ulit ako nagmahal. Hindi ako natatakot na magmahal muli, hindi pa lang talaga dumadating ang tamang panahon. Kung si Rome man ang huling taong tinakda para sa akin, buong puso kong tatanggapin

Haba bes, sana naenjoy niyo. Avid fan din ako ng Spookify. Pampalipas ko ng oras. Nasaktong madami akong time ngayon kaya kwinentuhan ko kayo.

Elle

Spookify 2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon