Pony tail

2.6K 56 0
                                        

Ponytail

First time ko po magshare. Silent reader lang kasi ako. 🙂 Sana po mapost to. 🙂

Hi! Ako nga pala si MC, 3rd yr IT student in a StateC somewhere in Region4B. Itong isshare ko e about sa bestfriend ko nung elementary ako. Sa manila pa ko nun nag-aaral, sa mandaluyong. I have this bestfriend, let's name her RA. Seatmate ko sya, matalino, only girl sya sa mga kapatid nya at bunso pa. Mabait si RA, minsan kapag wala akong baon sineshare nya saken baon nya or minsan pa dalawang baon dinadala nya. Alam naman ng Mama nya, dahil close din ang lola ko (Guardian ko kase asa abroad Mom ko) at Mama nya. Minsan nasa kanila ako, gagawa kami ng assignments together. Sobrang tight. Lagi pa kaming kumakanta ng "LOVE MOVES IN MYSTERIOUS WAYS" kasagsagan ng kasikatan nang time na yun tho Grade 4 lang kami naging magkaklase at yun na pala ang last. Kami ang naging bestfriends kasi lagi kaming binubully dati. Minsan taga ponytail ko sya ng buhok kong kulot.

Until one day, an accident happened to her and her father. Holy week, March year 2005 nung nangyari. So back to school dahil di pa tapos ang klase or dahil nga may # of days na dapat maipasok ang mga students. Hinatid ako ng Lola ko, sabi nya pa dadaan sya kila RA bago dumirecho ng bahay namin. After a while, bumalik ang Lola ko with the news. Shocked, speechless. Namatay si RA pagkalunod, kasama ang Papa nya. Nakita pa raw yung katawan nilang nakayakap kay RA ang Papa nya. 😞💔

Sa old style condo kame nakatira. Yung may mga cluster cluster. Pangatlong unit pa yung samen so dadaan at dadaan ka sa unang dalawang bahay. Yung unang bahay, bahay ng childhood bff ko. Yung tv at salamin nila nakaharap sa bintana, so kung may dadaan makikita at makikita nila. Sila kasi e mahilig manood ng mga asian tv series kaya they really stay up late.

After namin malaman yung news, umuwi kami from school dahil nung hapon pupunta kami kila RA. Tinanong ako ni Tita L, taga dun sa unang bahay kung may babae ba daw kaming bisita. Sabi ko wala naman. Meron daw kasi syang nakitang babae na hanggang balikat yung buhok na nakaputi, kasing edad ko papunta samen. Wala naman akong idea. Sabi ko na lang baka sa mga kasunod pang unit namen yun. Tapos yun nakwento ko si RA na nakaburol that time. Nasabi ko "Eto pa nga tita ponytail nya. Remembrance." Naiiyak pa ko nun. Sabi nya "Nako. Baka sya yung nagpunta dyan kagabi. Ganun kasi yun, pag ang isang tao namatay at may naiwang gamit binabalikan nya. Isoli mo mamaya yan sa kanya. Ilagay mo sa loob ng kabaong nya, sabihin mo isinosoli mo na tapos sabihin mo wag ka nya takutin." So ganun nga ang ginawa ko. Nung hapon pumunta kami sa kanila. Di na ko nakakapag isa sa bahay since then. Matatakutin talaga kasi ako e. Then di na ko nakasama makipaglibing kasi libing din ng pinsan ng lola ko sa bulacan that time.

RA, namimiss na kita! Siguro kung andito ka pa, kasama kitang maggawa ng mga cover videos. Alam kong masaya ka na ngayon dyan. Kamusta mo na lang din ako kay Tito at Lola na nandyan narin. Loveyou RA. 😞 Rest in peace bestfriend.

Sa mga classmate namin nun sa IBES na IBIS na ngayon. Alam ko kilala nyo ko at si RA. Hope you still remember her as I do. 🙀

Sorry kung di catchy yung pagkakagawa ng story, di kasi ako magaling magkwento e 😂 Sana napagtyagaan nyong basahin.
God bless to the Admins of Spookify. 😗

MCofManda

Spookify 2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon