THE LOST PRINCESS Part 1
Simula nong pinanganak ako ay meron na akong balat sa kaliwang balikat ko. Marahil ay eto rin ang dahilan kung bakit may mga hindi maipaliwanag na pangyayari ang naranasan ko simula plang nung bata ako. Nagsimula ang lahat nung Grade 4 ako 10yrs old. Nakatira ako sa probinsya sa lugar samin sa Bicol at malapit sa ilog ang bahay namin, kakatapos lang nun ng malakas na ulan kaya't asahan mo ng tataas ang tubig na dahilan ng pagbaha at pag-apaw ng ilog samin. Natutulog na ang lahat, katabi ko nun ang bunso kong kapatid kung saan ang kwarto namin ay nakaharap sa pintuan ng kusina na katapat lang papuntang ilog. Sa kalagitnaan ng pagtulog ko napansin ko na may nakakasilaw na ilaw na nanggagaling sa pintuan ng kusina namin, napakalakas ng liwanag parang ginto! Kaya lumabas ako at sinundan ko kung saan nanggagaling ang ilaw na nagmumula pala sa ilog. Naghalong gulat at pagkamangha ang nakita ko. Nakita ko ang isang napakalaking barko na tila gawa sa ginto at mga babaeng sumasamayaw kasabay ng napakagandang musika na doon ko lamang narinig, halos lahat ng makikita mo doon ay gawa sa ginto, maraming pagkain at napakaganda ng kanilang mga kasuotan na tila ba tinatawag ako para sumama sa kanila. Hindi na ako nun nag-atubili umapak na ako nun sa tubig mangha-mangha ako dahil pati ang kasuotan ko ay nagbago din gawa sa ginto pero iba sa kanila dahil may korona ako at akmang sasama na sana sa kanila ng biglang bumalik sa dati ang lahat. Nawala ang magarbong barko dumilim ang paligid at tanging ilog nlang ang nakikita ko kaya bumalik na ako nun sa higaan ko at bumalik sa pagtulog. Pag gising ko nun excited pa akong ikwento sa lola ko ang lahat ng nakita ko sa panaginip ko, Oo akala ko ay panaginip lang yun pero nagulat ako ng pagkatapos kong ikwento kay lola ay bigla niya akong niyakap habang umiiyak sabi niya ay wag na wag daw akong sasama kahit na anong mangyare pero mas nagulat ako sa sunod niyang sinabi, basa daw ang paanan ko at may putik. Agad akong dinala ng lola ko sa albularyo upang makaiwas ako sa mga nilalang na yun. Dito mas lalo kong hndi inasahan ang mga mangyayare. Pagpasok namin ni lola sa bahay ng albularyo ay yumuko ito ng makita ako. Sabi ko "ano pong ginagawa niyo?" Sabi niya "Hindi mo pa rin alam ineng? Tignan mo ang braso mo at makikita mo ang kasagutan sa tanong ko" . Sinabi kong may balat sa braso ko ano pong ibig sabihin nun, sabi niya ay korona daw yun tanda na ako ay isang prinsesa.
Wndy
1999-2017
BINABASA MO ANG
Spookify 2017
HorrorTotoo ba talaga ang mga Multo?Aswang?Demonyo?Engkanto?O kung ano ano pang masasamang nilalang?Alamin natin ang ibat ibang storya ng ating mga spookifiers na nakaranas ng mga ka kilakilabot ma mga karanasan nila!
