Note: Medyo mahaba po to mga kuys 😊
November 6, 2015 namatay ang kuya ko, ang dahilan? Komplikasyon ng dahil sa CHICKENPOX. 5 days lang siya nagka-chicken pox non. Mga first 2 days, dinaing ng kuya ko na hindi daw siya makahinga. Sumisikip ang dibdib at masakit ang tagiliran. Since may chickenpox siya at alam kong bawal siya magtake ng kung ano, pinigilan ko nanay ko na itakbo siya ng hospital kasi pansin kong medyo okay pa siya. Pero habang tumatagal, lumalala yung sakit na nararamdaman niya, halos di na siya makatayo sa sobrang sakit at sikip ng dibdib niya. Tinakbo na namin siya sa hospital at niresetahan ng kung anong antibiotics. Nagtake siya ng tatlo, after non um-okay pakiramdam niya. Pero kinahapunan non eh namaga na mukha niya. Tinigil namin ang gamutan niya pero kinabukasan non ay lalong lumala kondisyon niya. At dumating sa puntong dugo na ang tumutulo sa buong katawan niya imbis na tubig dulot ng chickenpox.
Tinakbo na namin siya sa hospital non, pagkatapos niya i-admit, dumiretso kami sa albularyo. Pinatawas namin siya, unang patak ng kandila sa tubig, may humiwalay na maliit na patak at ang sabi ng albularyo, humiwalay na daw ang kaluluwa ng kuya ko. Saktong nagring phone ko at pinasagot ko yun sa asawa ko. Nanay ko pala ang tumawag at sinabi sakin na nirerevive na daw ang kuya ko. Itinuloy pa din namin ang pagtatawas. Pinatakan uli ng albularyo ng kandila yung tubig at lumabas na may tinamaan daw sa likod yung kuya ko at mukhang may bruha daw sa lugar namin. Dinasalan niya ang kuya ko pero mukhang huli na daw ang lahat at sana makuha pa sa dasal. Bumalik kami ng hospital at naabutan naming nirerevive pa din siya. Pero after 1 hour bumigay na din si kuya dahil daw sa komplikasyon. Inasikaso namin lahat ng kekelanganin niya bago umuwi sa bahay. Halos 2am na non nung makauwi kami, di kami makatulog ng nanay at ate ko sa sobrang lungkot. Kaya naisipan na lang naming ligpitin lahat ng gamit niya.
Habang naglilinis may nakuha akong 3 notebooks niya, naalala kong mahilig pala siyang magsulat ng quotes non. Binuklat ko yun pero iba sa inakala ko ang nabasa ko. ""INGAT KA, INGAT LANG TALAGA, MAY NAKAMASID SAKIN HABANG NAGSUSULAT AKO, MAY MANGKUKULAM SA LUGAR NA TO. INGAT LANG INGAT LANG TALAGA"". Mga katagang sumuporta sa paniniwala ko sa albularyo. Naitapon ko pa yung notebook sa sobrang gulat ko. At napag usapan namin yun ng asawa at pamilya ko, naidugtong namin lahat ng pangyayari. Bago pa kasi nagkasakit ang kuya, naikwento niya sa amin na may pumasok daw na itim na ibon sa bahay namin at inikutan siya sa ulo. Tapos meron yung mga araw na sinasara niya lahat ng bintana, pintuan at binababa ang kurtina sa di namin malaman na dahilan eh sobrang init sa loob ng bahay namin. Maski kwarto niya na sobrang init eh nagagawa pa niyang isarado lahat, para bang may tinataguan. Nag iiba din mood niya minsan tapos laging nakakumos ang kamay nya na parang manununtok kahit wala siyang kaaway saming mga kapatid niya.
Kaya nung burol niya, inimbitahan namin yung albularyo sa bahay para makilamay since kamag-anak naman siya ng asawa ko. Kaso ayaw niya, kasi malakas daw yung mga spirits na nasa bahay at madami sila.PS. Bago pala dumating ang katawan ng kuya ko sa bahay, around 6am umaalulong mga aso namin at ng kapitbahay namin. Ang sabi ni lolang albularyo eh nagsasaya daw ang mga spirits dahil nakuha na nila ang kuya ko.
PPS: Matino po ang kuya ko at normal. Hindi lang siya nakikipagsocialize sa ibang tao kapag di niya kakilala pero may mga kaibigan siya. 😊Thanks po!
Bello

BINABASA MO ANG
Spookify 2017
TerrorTotoo ba talaga ang mga Multo?Aswang?Demonyo?Engkanto?O kung ano ano pang masasamang nilalang?Alamin natin ang ibat ibang storya ng ating mga spookifiers na nakaranas ng mga ka kilakilabot ma mga karanasan nila!