TRICYCLE
Hello po mga ka-spookifiers, lagi po ako nag babasa dito sa spookify siguro nga ito na talaga tambayan ko mapa-umaga man o gabi, gusto ko lang po ishare sainyo ang na-experience ko, first time ko lang po ito sana po maipost.
Tatlong taon na ang nakalipas nang mangyari ito, Feb 12 alalang alala ko pa. Gabi na at inaantay ko pa sila mama at papa sa kanilang trabaho. May tricycle kami na service namin kapag pumapasok kami ng school at sila mama naman ay sa kanilang trabaho. Habang inaantay ko sila mama na mag uwian ang sabi sakin ni papa ay wag na kaming mag meryenda ng kapatid ko at may pupuntahan kaming birthdayhan so sinunod ko naman ang sinabi ni papa para rin makarami ako ng kain mamaya. 7pm na at nag uwian na sila, sumakay na kami ng tricycle namin upang pumunta na kami sa birthdayhan. Feb 12, birthday ng inaanak ko sa binyag na si Jm (hindi tunay na pangalan) highschool palamang ako ay may inaanak na ko. Dahil ang kasamahan ni mama sa trabaho ay kinuha ako sa isa sa mga ninang ng kanyang anak kaya eto pupunta na kami sa bahay nila. Bago pa makarating sa birthdayhan, ang dadaanan namin ay isang mahabang madilim at mabatong daanan at walang gaanong dumadaan dito.
Ang pwesto namin sa tricycle ay, si mama nasa likod ni papa, si papa ang nag dadrive, ako at ang kapatid ko naman na lalaki ay sa loob ng tricycle.
Kasalukuyan kaming nasa aming daanan ng may sinusundan kaming tricycle na pula. Busy ang kapatid ko dahil nag tetext, si mama naman ay nakayakap ang kanang kamay kay papa dahil nasa likod siya ni papa at ako naman ay wala lang nakatingin lang sa aming dinadaanan ng napansin ko yung sinusundan naming tricycle na pula.
Napansin ko ito dahil ang tricycle na ito ay wala manlang driver tapos naisipan kong kalabitin ang kapatid ko at ituro sakanya ang tricycle na sinusundan namin at bigla siyang namangha at bilib na bilib at pano daw nangyari yun habang ako naman ay takot na takot na.
Kinalabit ko si mama upang sabihin sakanya kung ano man ang nakita ko at sinabing "mama, tignan mo yung tricycle o walang nag dadrive" tapos ang sagot niya naman sakin ay "meron anak nasa loob yung nag dadrive isang kamay lang ang gamit niya" hinayaan ko nalang ito dahil parang naniwala ako kay mama noon na nasa loob yung driver at iniisip ko na baka natatanaw rin ni mama yung driver na nasa loob dahil nasa likod lang siya ni papa.
Hindi na ko natakot dahil ganun din ang sabi ni papa na nasa loob daw ang driver.
Nang papaliko na kami at yung tricycle na pula ay diretso lang parang walang patutunguhan, napagpasyahan kong tignan ang tricycle na pula dahil papaliko naman kami sa kaliwa at isang silip lang para mapatunayan kong nasa loob nga driver, ng sumilip ako laking gulat ko na ang tricycle ay bigla nalang nawala na parang bula, wala namang ibang kanto na pwede niyang likuhan maliban sa kanto na pinasukan namin. Mas nagulat ako sa nakita ko. Nang makarating kami sa birthdayhan medyo nawala yung takot ko (sadyang kinakalimutan ko lang) natapos ang lahat lahat ng kainan at kwentuhan ng nag aya na si papa na umuwi dahil medyo nakainom na siya at malayo pa ang uuwian namin.
Nang nakauwi na kami bigla akong kinausap ni mama at sinabing "oo anak, wala ngang nag dadrive dun sa tricycle na sinusundan natin, ayaw lang namin ni papa mo na matakot kayo kaya nag sinungaling kami pero alam namin na takot ka na rin kanina pati kami ni papa mo natakot na din na parang may kakaiba kanina"
Mas lalo akong natakot at napaluha sa sinabi ni mama dahil halos mabaliw baliw na ko sa kakaisip nito, isip ako ng isip kung bakit ganun kung nasa loob ang driver bakit hindi manlang gumegewang yung tricycle dahil mabato yung dinadaanan namin, as in parang semento yung daanan nung pulang tricycle habang kami ay hirap na hirap na sa daanan na yun.
Hindi na ko nakatulog nung sinabi ni mama ang totoo na wala ngang nag dadrive.
END, hanggang dito nalang po yung kwento sorry po kung magulo or what salamat po sa oras ninyo sana po magustuhan niyo. God bless you po!!
😇
Financial Management Student
Santiago City, Isabela

BINABASA MO ANG
Spookify 2017
HorrorTotoo ba talaga ang mga Multo?Aswang?Demonyo?Engkanto?O kung ano ano pang masasamang nilalang?Alamin natin ang ibat ibang storya ng ating mga spookifiers na nakaranas ng mga ka kilakilabot ma mga karanasan nila!