KULTO
Hi spookify sana mapost ito. Hindi ito tungkol sa multo. Tungkol ito sa kulto. Medyo mahaba pero worth it naman 😊
Last December 2015 nang nagsama-sama ang mga kamag-anak namin dito sa manila para gunitain ang pasko at bagong taon. Nagkakamustahan at napunta sa kwentuhan. Nagkwento ang pinsan ko galing province, di ko na sabihin ang mismong probinsya pero part sya ng Mindanao. Sa province daw nila may maliit na baryo daw dun na iilan lang ang bahay. Ang tawag nila sa baryo na yon ay paradise. Sobrang layo daw ang lugar na yan, aakyat ka pa ng bundok, nasa 2 hours pag nilakad bago ka makarating. Malalayo daw ang pagitan ng kapitbahay dun, parang baclaran church at moa, ganun daw kalayo.
So ito na nga. May mag asawa daw dun na may 3 na anak. 7 years old ang panganay at lalaki tapos yung sumunod ay 3 years old at baby pa yung bunso at may isang aso sila. Isang gabi mga 7pm matutulog na sana sila nang bigla daw may kumatok na lalaki.
Lalaki: "Tao po!! Tao po!!!"
*Binuksan nung tatay ang pinto*
Tatay: "Magandang gabi, ano ho ang atin?"
Lalaki: "Magandang gabi din ho, pwede ho bang makiinom ng tubig? Malayo pa ho kasi ang punta ko"
Tatay: "Oo naman, sandali lang kukuha ako"Pagkaabot ng tubig sa lalaki ay biglang tinaga sya ng itak at may dalawa pang lalaki na dumating at may mga itak din. Hinarangan nya para di makapasok yung dalawa pang lalaki at pinatakbo nya yung mag anak nya.
Tatay: Tumakbo na kayo!! Sa kusina kayo dumaan at kahit anong mangyare wag kayong lumingon.
Ayun nga nagtakbuhan ang mag anak nya pero bago pa man sila makalayo, lumingon yung panganay nya. At sakto paglingon daw pinutol ang ulo ng tatay nya kaya binalikan ng panganay tatay nya at di na napigilan ng nanay dahil may dala pa syang dalawang anak. Kaya nagpatuloy sila sa pagtakbo at iyak ng iyak. Hinahabol daw sila tapos nakita nung nanay na dumami bigla ang tao sa paligid ng bahay nila at parang nagsasayahan habang sinusunog ang bahay nila.
Patuloy pa rin daw sa pagtakbo sila kasama yung aso nila. Dahil nga mabagal ang takbo nila dahil may bitbit syang dalawang bata unti unti silang naabutan nung mga humahabol sa kanila. Buti na lang daw habang nakakalapit yung humahabol sa kanila tinatahulan ng aso. Nagtataka daw sya kasi takot sila dun sa aso kaya hindi sila naaabutan. Takbo lang daw sila ng takbo hanggang sa makatawid sila sa ilog na hindi naman kalaliman. Pagtawid na pagtawid nila, dun lang tumigil ang mga humahabol sa kanila. Tumitingin pa daw sa tubig at parang takot na takot mabasa at bumalik na sa pinanggalingan.
So sila patuloy sa pagtakbo hanggang makarating sa bayan at kumatok sa bahay ng barangay chairman nila dun. Dun na sya nakahingi ng tulong at kwinento nya yung mga nangyare. Sa sobrang takot nya pagtingin nya sa paa nya ang daming sugat pero wala syang naramdaman habang tumatakbo sya.
Kinaumagahan pinuntahan nila yung bahay nila kasama ang mga pulis at yung barangay chairman. Nakita nila na sunog na ang bahay nila at nakatusok sa kawayang nakatayo yung ulo ng asawa nya at anak nyang panganay. At sa ibaba nun may baga na parang nagsasamba yung mga pumatay dun sa mag ama nya. Tinanong yung mga kapitbahay nila dun, di daw nila alam na may nangyaring ganun nung gabing yun.
Ang sabi-sabi isang kulto daw yun na pumapatay ng tao para ialay sa diyos nila. At yung hindi nila pagtawid sa tubig ang sabi daw hanggang dun lang lang daw ang layo ng dapat nilang puntahan kasi may sumpa daw pag nakaapak sila sa tubig. Hindi daw taga dun yung mga taong yun, mas malayo pa daw kasi may tribo daw dun na talagang ganun daw ang paniniwala.
Ang sabi pa ng pinsan ko, kahit kanino ko itanong sa mga taga doon ay alam ang kwento na yun. Kaya natakot ako bigla na may ganun palang paniniwala.
Arcoxhia

BINABASA MO ANG
Spookify 2017
HorrorTotoo ba talaga ang mga Multo?Aswang?Demonyo?Engkanto?O kung ano ano pang masasamang nilalang?Alamin natin ang ibat ibang storya ng ating mga spookifiers na nakaranas ng mga ka kilakilabot ma mga karanasan nila!