Sa likod ng Ospital

2.1K 42 1
                                    

Sa likod ng ospital

This story is from my mom at gusto ko lang sana ishare to sa inyo kagaya ng pagkkwento sa akin ng mommy ko mga readers ng spookify. So eto na nga,

Bata pa lang daw si mommy nung nangyari yun, kinder or grade 1 sya and it's around year 1970. Nagkasakit ang lola ko at kelangan sya iconfine sa ****** hospital dito sa SAN PABLO CITY na ngayon ay ** ***** school na. After a few days si Mommy daw ang kelangan na maiwan sa ospital para magbantay, private sya kaya pwede ang bata. Unang gabi daw nya sa ospital katabi ang lola ko nun at nakatulog din sya agad. Ngunit sa kalagitnaan ng kanyang pagtulog ay may narinig syang tubig na lumalagaslas o umaawas sa pagkakapuno nito. May nagbubuhos na parang naliligo. Tumingin sya sa orasan at nalaman nyang 1;30am pa lang at halos hindi pa umaga para may maligo na. Pero imbis na mag isip ay itinulog nya nalang ulit.

Kinabukasan paggising nya ay hindi nya gaanong iniisip iyon dahil nga nasa murang edad pa sya at wala pa sa kanya ang pag iisip ng kung anu-ano. Hanggang sa nag gabi na ulit at sya na ulit ang makakasama ng lola ko sa ospital na iyon. Katulad nung unang gabi nya nakatulog din sya agad at sa pagkakahimbing nya ay naalimpungatan na naman siya sa kanyang narinig. Walang pinagkaiba sa narinig nya nung unang gabi nya sa ospital. Tubig na lumalagaslas na kasabay ng pagbubuhos na animo'y may naliligo. At makalipas ang ilang minuto ay sinabayan na din ito ng boses na maliliit at di nya mawari kung ano ang sinasabi. Tumingin sya sa orasan at wala ding pinagkaiba sa unang gabing nagising sya.

Sa kadahilanang nakarinig sya ng boses ay naglakas loob syang hanapin kung saan nanggagaling ang boses na naririnig na animo'y nag uusap. Hanggang sa makarating sya sa may bintana ng kanilang kwarto sa may paanan ng kanilang hinihigaan. Dahan dahan syang sumilip upang makita kung ano iyon at laking gulat nya nang makakita sya ng mga maliliit na tao na naliligo. Hanggang bewang ng normal na tao ang kanilang laki, kalbo, payat at walang suot ang mga ito. Hindi nya makita ang itsura ng mukha dahil may kalayuan at mejo madilim, gubat na din at madaming puno ang lugar na iyon. Nasa apat hanggang limang maliliit na tao, naliligo at nag uusap ngunit hindi nya maintindihan ang mga sinasabi. Hindi nya na din napigilan sitsitan ang mga ito at sa hindi inaasahan ay lumingon ang mga maliliit na tao sa kanyang direksyon. Sa takot ay umalis na sya sa bintanang iyon at dali daling humiga. Hindi nya na nagawang matulog sa takot, hanggang sa umaga ay gising sya at hindi na nagpasyang magbantay. Mga ilang araw ay umuwi na din ang lola ko dahil naging okay na sya. Gusto sanang sabihin ng mommy ko at ikwento yun ngunit pinangungunahan pa din sya sa takot na animo'y sariwa pa sa kanya ang nakita.

Dumaan ang ilang taon ay saka nya lang napagdesisyunang sabihin iyon sa aking lola. At laking gulat nya nang sabihin ng lola ko na nakita nya din daw yun sa likod ng ospital bago si mommy ang mag bantay sa kanya. Maliliit na taong nag uusap habang naliligo, walang saplot, payat at kalbo, kapareho ng nakita ng mommy ko. Siguro daw ay lamang lupa ang mga iyon o engkanto na ganung oras kung maligo.

Ganon nalang ang takot ko nang ikwento yon sa akin ng mommy ko. Pero hindi naman dapat iyon katakutan dahil hindi naman nila tayo ginagalaw. Mag ingat nalang tayo dahil hindi lang tayong mga tao ang nakatira sa mundong ibabaw. Wag din natin sisirain kung anong posibleng tirhan nila.

Sa pagkakaalam ko ang ospital na iyon ay naging abandonado na hanggang sa naging ** ***** school ito. Napadaan ako nung nakaraan lang ngunit mukhang abandonado na naman ang lugar na yon. Posibleng ayaw nilang magkatao sa kanilang lugar kaya lagi nalang nagiging abandonado anuman ang itayo roon.

Celinaa

Spookify 2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon