Bulong

1.4K 21 4
                                    

Hello po Admins and avid readers ng Spookify! Hindi na po ako masyadong aasa na mapost to since sa messenger ko lang dinaan pero sana mapost parin kasi sayang pagod ko sa pagtype.

Nangyare to dito lang sa lugar namin sa Maynila (ayoko na banggitin yung exact place kasi masyadong pamilyar)

So here it is. Sunday din nun galing akong simbahan. Since may dala akong string bag at naka shoes ako na pang gora talaga, I decided na umuwi muna para mag change outfit. Naboring ako nun kaya lumabas muna ako sa tapat ng tindahan malapit sa kalsada (squater area kami). Around 7:30 PM palang naman nun so medyo madami pang tao. Hanggang sa medyo nangonte na yung mga tao. So, bali mag-isa nalang ako sa pwesto ko tas yung ibang tao nakatambay nalang sa hagdan medyo malayo sa pwesto ko. I checked the time and nagulat ako kasi 8:00 PM na pala. Lowbat na ako non ehh nagpower off na nga yung phone ko kasi 0% na. E ayoko pa umuwi tas naalala ko, nagsimba nga pala yung friend ko sa 5:00 PM na mass. So bale nagsimba ako sa 4PM tas nakasalubong ko sya papuntang simbahan kasama mga tropa nya nung palabas na ako so I decided to wait for him dito tsaka para may kasama ako pauwi kasi madilim ehh. Kapit bahay ko kasi sya. Kaunti lang yung mga street lights dito and partida patay sindi pa yung isa. Aminado naman akong matatakutin ako kaya tumayo ako at naglakad para mawala yung kaba ko at dinedma ko nalang yung takot ko kasi ayokong takutin sarili ko.

So, ang ginawa ko naglakad ako para salubungin yung friend kong hinihintay ko. Kasi 8PM na wala parin gala talaga yun. Medyo madilim na gawa nga ng walang masyadong ilaw at since lowbat na yung phone ko, liwanag ng buwan nalang tsaka yung kumukurap na street lights nalang yung nagsisilbing ilaw.

Habang naglalakad ako, medyo mabigat pakiramdam ko na parang may sumusunod pero hindi ko nalang pinansin kaso parang biglang lumamig. Mga Bes takot na lola nyo. Inisip ko nalang na kasi gabi na kaya lumamig tsaka marami ding puno. Creepy!

Mabagal lang yung lakad ko ng biglang parang may bumulong sakin. As in sobrang lapit sa tenga ko. Wala pa ako sa kalahati ng street na yon and ayoko na sanang tumuloy or lumingon sa ibang direksyon so ang ginawa ko bumilang ako ng tatlo and sabay takbo pauwi. Wala na akong pake sa hinihintay ko natakot na ako ehh. Diretso ako sa kwarto namin sabay talukbong ng kumot.

Hindi ko alam kung guni guni ko lang yun or dala lang ng takot at kaba pero tumakbo nalang ako.

Ewan ko kung matatakot kayo pero natakot talaga ako. Sorry kung medyo mahaba haha! Thank you for spending your time reading this. Muahhh!

Paupau

Spookify 2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon