Creepy Family

5.6K 96 7
                                    

Creepy Things in Our Family House

OUR FAMILY HOUSE

So 2nd time ko na po magshare dito. Bale hindi ko alam kung napost ba yung first o hindi T_T Hindi po ako magaling magkwento so pls. bear with it. Hindi to katatakutan, medyo creepy lang lol.

Yung bahay namin napatayo na before pa yung World War II so sobrang old na ng bahay namin. Aware rin kaming hindi lang kami ang naninirahan sa bahay. Marami kami. Yung feeling na 4 lang kayo, sa sobrang laki ng bahay feel mo talagang marami kayo eh sobra. Kasi nagsimula yung kababalaghan nung aapat nalang kaming natira sa malaking family house namin. Sobra kasing daming tao noon dito sa bahay pero yung iba namatay, nagbukod, o kaya naman umalis. Medyo mahaba, pasensyahan tayo mga tol at hindi ako nananakot kasi gusto ko lang ishare yung mga multo sa bahay hahaha 😂😂😂

""REGALO""

Nangyari lang to 2016. June 26. Nasa kwarto ako at nagbro-browse lang sa internet ng pwedeng hilingin kong regalo. Birthday ko kasi june 27 so sobrang excited ako. Kumakanta-kanta pa ako habang nakahiga. Walang tao sa second floor, ako lang. Wala kasi sila mama dahil pumuntang Vigan, eh ako naman nagpaiwan kasi tinatamad haha. Kumakanta ako ng ""Till Death Do Us Part"". Ewan ko paulit-ulit ko yung kinakanta pero yung chorus lang. Ayun habang kumakanta, may sumabay sakin. Pero ibang kanta atsaka whistle lang yun at hindi boses, whistle lang. Iba yung kanta eh, alam ko na yung title ng kanta habang sinasabayan niya ako pero nung tumigil... nakalimutan ko bigla. Yes, biglaan ko nalang nakalimutan. Nung second attempt kong kumanta, ayun nakisabay na. Syempre takbo agad pababa, nakalimutan ko pa tsinelas ko sa hagdan nun pero hindi ko na binalikan T_T muntik pa akong matalisod huhu. Naisip ko, p*t*?! Ano yun early gift? Di naman ako nanghingi ng early gift ah? Nakita kaya nilang naghahanap ako ng regalo?! #=T___T

""ALIEN""

Mga bandang July to. Nasa kabilang kwarto ako nun sa second floor ng bahay namin (Yung kwarto nila Mama) which is katabi ng hagdanan. Mag gagabi na yun, siguro mga 5:30 ganun. Nakabukas yung pintuan ng kwarto at nakahiga ako sa trampoline malapit sa pintuan 😂😂 Nakabukas na yung ilaw sa labas ng kwarto that time kasi ayaw ko ng madilim. Ansarap magfacebook habang nakahiga sa trampoline grabe! 😂😂 Mag-isa ako nun. Lahat nasa kabilang bahay haha. Then may kumalabog bigla na parang nagmamadaling umakyat. Hinintay ko kung sino at tinignan yung anino. Sh*t! Kalbo po! Para siyang nakahubad na kuba na matanda. Tapos yung ulo niya sa anino, pahaba. Yung parang alien mga bessss. Kinilabutan ako at baka magnanakaw yun kaya kumuha ako nung perfume na de-spray at dahan-dahang lumabas ng kwarto. Pumunta ako sa kwarto ko kasi dun dumiretso yung anino (Katapat ng hagdanan yung kwarto ko). Nung nasa loob na ako WALA! Hinanap ko sa posibleng pagtaguan pero wala pa rin mga bess. Tumingin ako sa taas wala rin T0T Enebe. Tapos hinalughog ko lahat ng kwarto. Wala. Nyeta, eh ano yun?! Alien?! 😭😭😭 nakupo wag naman sana. Nung tinanong ko si Mama pagbaba ko ng second floor, sinabi nyang hindi pa naman sila umakyat. Kaya ayun. Kinilabutan ako mga bes. Nabasag pa ung perfume na dala ko nun.

""KATAPAT NA KWARTO""

Isang araw habang nasa kwarto na naman ako ni Mama kasi binabantayan ko nun si Aaron, cousin ko. Nagmu-musically ako. Yung ""Shut the fvck up btch"" na paulit-ulit kong ginawa. Tawa pa ako ng tawa nun, tol. Tapos biglang may mabibigat na yapak na umakyat kaya tinanggal ko yung sounds kasi baka mapagalitan ako (Bad words kassiiii 😂). Tumawa ako kasi akala ko nun si Tito kasi sa katapat ng kwarto ni Mama, kwarto nila Tito which is weekends lang umuuwi. Kaya nagtaka ako at nandito siya. ""Baka may nakalimutan"" sa isip ko nalang. Napatalon pa ako kasi ang lakas ng pagbubukas niya. Parang galit. Nung isara sobrang lakas! Nag-impact pa sa sahig kasi wood lang. Ang lakas T_T. Kinilabutan ako kaya lumabas ako hawak yung kamay nung cousin ko. To find no one. Wala. Nung si Mama na yung umakyat tinanong ko siya kung dumating ba si Tito o kaya si Tita Lailah (asawa ni tito), hindi naman daw.

Convo:

Me: Ma, pumunta ka kanina sa kwarto ni Tito?
Mama: Hindi, ano namang gagawin ko dun?
Me: Dumating ba si tito o si Tita?
Mama: Hindi. Thursday pa lang ngayon. Ang kulit mo bakit ba?
Me: Eh! May nagbukas at sara nung pintuan nila eh! Walang tao sabi mo!
Mama: Aba, baka pusa!
Me: (Napa facepalm) Ma, seryoso?! Masasara ba ng pusa yung pintuan?! Lakas niya naman.
Mama: Wag mo nalang pansinin

Ayun nanahimik nalang ako kahit na hindi matanggal sa utak ko. Sinabi ko kila Tita yung naranasan ko nung Sabado that week. Sabi niya wala naman ni isa sa kanila ang umuwi nung weekdays kaya sobrang takot ako. Matatakutin talaga ako eh. Wooo katakot. Hahahaha.

""PINTURA""

Okay. Nung mga June lang to nangyari eh. Nung naisipan ni Mama na pinturahan yung kwarto niya. Ako nagsuggest na pink, paborito kong tambayan yung kwarto niya kasi malawak kaya gusto ko favorite color ko yung paint. Pumayag siya basta ako daw magpinta, p*ny*t* haha. Ayun, saturday nung sinimulan ko. Malapit nang matapos nung gabi ng sunday, nasa huling part na ako. Nung biglang humangin sa batok ko. Nakataas kasi yung buhok ko para hindi mapinturahan. Nagtaka ako bat biglang lumamig eh sarado na lahat ng bintana, nakaopen naman yung pinto ng kwarto at nakasara yung pintuan ng balkonahe pero di nakalock, sinara lang. May malamig ulit pero sa buong likod ko na pati sa mga kamay ko. Wtf?! Mura ko kasi natatakot na talaga ako. Tapos nagbubukas sara pa yung pintuan ng balkonahe. Di ko na sana papansinin kaso lang eh nagtuloy-tuloy pa rin. Papansin yung multo, t*ng*n*. Imbes na maging maayos yung pagpintura ko eh binilisan ko kahit ang pangit na. Pagkatapos ay dali-dali na akong bumaba T___T Di ko kinuwento kahit kanino kasi baka di maniwala tsk.

""3:07 AM""

Naalimpungatan ako noon ng mga bandang 1:25 am. At dahil wala naman na akong ganang bumalik sa tulog, nag internet nalang ako. Di ko namalayan yung oras 3:00 am na pala. Ibinaba ko yung Ipad ko tapos namayani ang nakakabinging katahimikan. Sinilip ko ang orasan sa wall at nasa 3:03 na..... biglang may ""tikka tikka"" basta yung ganun. Kinilabutan talaga ako eh, kakatakot yung sounds lalo pag hating-gabi. Tapos narinig ko mga alulong ng mga aso namin at nakisabay ang mga kapitbahay. Tuloy-tuloy yun hanggang 3:07 at tuloy-tuloy ding notification ang natanggap ko kaya nanginginig akong nagkumot at pumikit, pilit na inaalis ang takot habang nagdarasal. Tumigil iyong mga naririnig ko pero hindi pa rin ako dumilat hanggang sa magising ako ng bandang alas siyete na ng umaga. Chineck ko agad ang mga notif ko ng bandang alas tres pero wala. Wala.

Wag mambash please T^T Alam kong di nakakatakot at itinatawa ko lang pero kung kayo ang nasa sitwasyong mga yan ay mararamdaman nyo ang sobrang takot. 😭😭😭😭😭😭

chubbyyygel
Ilocos

Spookify 2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon