Ang Bahay Ng Lolo ko

1.6K 25 0
                                        

Ang Bahay ng Lolo ko

Nasa grade 10 ako non at mag gre-grade 11 na, dahil nga bakasyon pinauwi muna kami ni mama sa probinsya kasi wala raw kasama lolo ko don,kakamatay lang kasi ng lola ko kaya nag-iisa lang si lolo.Ayaw niya rin kasing kunin siya nila mama para sa amin na tumira so wala kaming nagawa.So ito na talaga,paguwi namin sa Davao del sur,sa Digos Province dito sa Mindanao,we've decided na wag nang mamasyal pa kasi baka naghihintay na daw si lolo.Pagdating namin sa lugar,wala pa ring pagbabago,may malaking garden at 2 story na bahay,medyo may kalumaan na ikaw ba naman nagmula pa sa kanunununuan ng mga ninuno ko😂.Mga around 5 pm,inaantok na ako,medyo nakakagulat lang kasi nambigat ang katawan ko,para bang nanliit yong paligid,yong mas nakakakilabot pa,nakita ko si lolo na papalapit sa akin,may dala dalang itak,natakot ako nun kasi yong mukha ni lolo ay di pangkaraniwan, sobrang laki ng mga mata niya,yong ang itim itim tapos sobrang bilog,sobrang laki rin ng ngiti niya eh wala naman siyang ngipin kaya nakakapangilabot,yong lips niyang mangitim-tim,basta nakakapangilabot talaga.Nahimatay ako non sa sobrang takot kasi akala ko papatayin na ako ni lolo.Pagkagising ko nang-iba yong paligid,may mga camp na para bang nasa panahon ng WW 1,ang luma lahat,mas natakot ako ng marinig kong may mga parang hapon na mga nagsasalita at parang nag mamarch,nakakakilabot kasi itim lahat ang mata nila,tapos duguan ang mga damit nila,sobrang ingay.Na praning ako non,tatakbo na sana ako pero pagtalikod ko,nakitako si lolo,mmedyo  bumata siya ng 30 taon.Masasabi kong nagmana ako sa kanya kasi gwapo naman talaga yong lahi namin,pero parang may mali eh,para siyang baliw,parang boy version ni sisa sa Noli Me Tangere,nasa sulok siya,patagong kumakain at laging naka ngisi,naawa ako,gusto kung umiyak kasi ginagawa siya alila ng mga tao don.Di rin ako makagalaw..,umiyak ako,di ko alam pero nangmakita ko ang mukha ni lolo na naka ngiti at tumutulo ang luha,nangmanhid ang paa ko.Umiyak ako ng umiyak ng biglang makafeel ako ng kamay na parang dumampi sa pisngi ko,bes! sinampal pala ako ng kapatid ko ng sobrang lakas kasi daw nanaginip ako.Pwede naman sanang gisingin pero sampal talaga!perok okay na rin yon para magising na talga ako,balik sa story,agad akong tumayo at niyakap lolo ko ng sobrang higpit,di niya  pala ako papatayin😁, yon alagang baboy niya pala para ihanda sa pagdating namin.Isa lang masasabi ko,i love you lolo.
Yon lang ewan ko kung matatakot kayo pero sana nag enjoy kayo."

Doraemon
Davao City

Spookify 2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon