Kalapit bahay
Hello admins and readers first time kong mag send dito kaya please walang mang aano ahh. Silent reader lang ako .
so eto na nga.
Nangyari to ngaun lang augost to oct
May kapit bahay kami rito sa taguig. Kakaopera palang niya sa ulo dahil may tumor nga ito. Nung time na yun nasa ospital sya nagpapagaling at laging walang tao sa bahay nila. That time lagi akong umuwi ng 11 or minsan 2 am na ng umaga. Unang madadaanan ang pinto nila at kasunod na ang gate namin. Everytime na dadaan ako dun napapatingin ako sa loob gamit yung bintana kasi mababa lang yun. May napansin akong itim na tao na nakaupo sa kama na bagong lagay nila duon. Ako naman pag kakita ko nagmadali ako kasi alam kong walang tao dun at nasa ospital nagbabantay. Next day ganun ulit kaso may pusa naman na puti ang nakatitig lang sa pinto pataas yung tingin ng pusa na iyon. Alaga namin ung pusa alam kong hindi ganun un kasi makulit un at hindi uupo at titig lang ng ganun.
A half month inuwi na sya sa bahay nila. Mas lumala ang pangyayari naman nung araw na un. Umuwi nanaman ako ng hating gabi galing com shop. Napukaw ng tingin ko ung kapit bahay namin na nakatayo sa loob paikot ikot lang sya. Uupo pupunta ng kusina at Cr ganun nung nakita ko sya pero kung kakaiba dun naka pikit sya at may nakaupo sa kama nya d ko alam kung babae ba o lalakr kasi naka talikod ito at tinitignan lang siya nito. Pinagtataka ko ay kakaopera palang nya ay nakatayo nasya at ang inopera pa sa kanya ay ang ulo. After that day ibinalik ulit sya sa ospital hindi ko alam kung anong dahilan kung bakit kasi walang natigil sa kanila sa bahay nila. After few more days 3 weeks ata yun namatay ung kapitbahay namin ng umaga madaling araw that time dalawa na ang pusa na nakatingin sa kanilang bahay at paupahan nakatitig sa taas at sa pinto nila.
Yun lang mga readers sorry kung mahaba.
Ps. siguro sundo na nya yung naka sunod sa kanya
LockIt
Taguig
BINABASA MO ANG
Spookify 2017
HorrorTotoo ba talaga ang mga Multo?Aswang?Demonyo?Engkanto?O kung ano ano pang masasamang nilalang?Alamin natin ang ibat ibang storya ng ating mga spookifiers na nakaranas ng mga ka kilakilabot ma mga karanasan nila!
