Ligaw na hayop

2.3K 33 2
                                        

ligaw na hayop

Good Eve guys 1st time ko magshare ng experience ko online sana mapost at magustuhan niyo at mahusgahan niyo kung gawa gawa lang ang kwento haha
Ako po si phon (d tunay na name) nangyari ang kwento nung nagpunta kame sa lamay, last-night na kasi nung father ng aming boss. May branch kasi si kuya Win (d tunay na pangalan) na computer shop sa bayan ng Sta. Maria, Pangasinan, dalawa kaming nagbabanatay dati sa shop Daniel pangalan nung kasama ko pero ako talaga ang  pinagkakatiwalaan ni kuya Win since nagsimula ung branch nya. Taga San Quintin kaming tatlo nila kuya at Daniel. Then ayun 1 week na wala si kuya kasi namatay nga ung father nya so ako ang nag-manage ng shop. Mga September 20 nung last night, tumawag si kuya na pumunta kame sa kanila. Niyaya rin naming yung isang friend/player sa shop at sumama naman samin, 7 pm na nung nagclose kame sa shop at nakahanda na kaming umalis gamit ung motor ko papuntang san quintin. May dalawang route kasi na pwede daanan pauwi. Una sa Tayug pangasinan, mas ok yung daanan kasi maraming kabahayan at masmaliwanag yun nga lang masmalayo kasi iikot pa. Habang ung isang ruta naman puro bukid, puno ang madadaanan, at kukunti ang kabahayan, so nagdecide kaming sa tayug nalang kame dadaan. Mga 20+ kilometers din ang layo ng byahe namin kaya mga mag 8:30 pm na kame nakarating sa bahay nila kuya Win. Pagdating namin tumulong kame sa pagserve sa mga bisita, pagkatapos napainum kame kunti nila Daniel at mark, mga 11 pm na nung kinausap ako ni kuya Win na bumalik na kame sa shop pero advice nya na sa tayug ulit kame dadaan para mas safe. Pero kame naman medyo tapang tapangan sinubukan namin sa baryo nalang. Habang nagbyabyahe pauwi. Kwentohan, takutan,. Nang makarating na kame sa parting puro bukid at mga puno sa gilid, wala pang street lights. Nagiicip ako nang mga posibilidad na mangyari pag nakakita ako ng multo pero T***I kakaibang hayop ang tumambad sa paningin ko.. so ito na nga kurbada yung highway nung biglang may nailawan ung headlight ng motor sa gitna ng highway nagreflect pa yung ilaw sa mga mata nya na parang aso, (alam nyu na yun,) pero kulay Red nakatingin saamin, nagulantang kaming tatlo kasi kakaiba yung laki niya, kulay itim, at mabalahibo (native tawag namin) “Sinu ba naman ang hinde magugulat kung iniisip nyu na makakakita at nagkatutuo naman”, at nde lng yun, surpresa pa ang pagkakakita kasi blinde curve yun daan na maraming talahib.  Sabay biglang preno, then kabig sa manubela, Muntik na naming mabundol , pero sa awa ng Diyos nakaiwas kame dahil narin sa alalay lang takbo namin.. ako kasi yung mismong nakakita kasi ako yung driver, hinde talaga normal yung laki nya kumpara sa mga nakikita lang sa farm. Pagkaiwas namin sa baboy sabay tingin si mark at Daniel sa likod na tanging tail light lang ng motor ang ilaw nang biglang nagsisigaw ung dalawa. “Humahabol ung baboy Bilis bilis!!”. Natataranta ung dalawa habang ako naman nalito sa pagmamaneho, hinde kasi makaarangkada ung motor agad, kasi nga nagpreno ako kanina tapos dahil na rin sa taranta ko hinde q naisip na I’shift to lower gear ung motor kaya hinde  maxado makahila yung motor, nasa 15-20 kph cguro ang takbo nung motor, hindi lang yun pati headlight nagluko rin nung pagkalagpas namin sa baboy humina yung ilaw ng motor sabay kumindap-kindap.  Mga 30-40 meters din ang tinakbo nung baboy para habulin kame Pero tumigil din kasi medyo nakadistansya na kame. Hindi parin mawala ang pangingig sa katawan ko, at mga kasama ko. (take note mga may kalakihan mga katawan namin pero nagtititili kame). Nang makarating na kame sa shop  doon na kame nagkwentohan.
Me: ta**i** pre ibang klase ung baboy
Daniel: sa susunod wag na tayo dumaan don tol.
Mark: baka nakawala lang yun at nagpalibot libot lang sa paligid
Me: pwede, kaso walang kabahayan don tol, ni wala ka ngang Makita kahit kubo-kubo lang, at saka yung ilaw natin kanina nagluko
Daniel: sa likod kame nakatingin kanina
Napalalim pa ang iniisip namin na baka aswang or multo yun. “Balikan natin ung moment”  parang bangungot na gustong gusto mo na magising ung feeling na hindi ka makapagmadali dahil mabigat yung katawan. Ganun ang pakiramdam ng masurpresa ka nung baboy na yun, magsisitayuhan mga buhok sa ibat-ibang parte ng katawan. Mapapatili ka dahil sa hitsura nung baboy. Speaking of itsura. Nakita nyu na yung baboy na tinumba ni pres duterte? Parang ganun, baka nga masmalaki pa at mas maitim ang balahibo nung nakita namin. At dahil narin sa takot ni mark nakitulog nalang saamin, At yun nga ayaw ko na dumaan sa lugar na yun lalo na sa gabi. Uwian pa naman ako every weekend the END.  Paxenxa na po readers kung magulo ako magkwento peace nalang.  TNX Admin. Sa susunod na post ko ung experience naman namin ni Kuya Win.

phonzonox
Sta Maria, Pangasinan

Spookify 2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon