Ikaw lang sapat na

1.7K 39 0
                                    

Ikaw Lang Sapat Na </3

Ang sarap siguro sa feeling na yung partner mo eh walang ibang gusto kundi ikaw lang. As in ikaw lang. IKAW lang.

Isa akong wallflower sa relasyon ng bestfriend ko at ng hubby nya since nung magboyfriend pa lang sila. So, I kinda know everything about and between them (Except dun sa private moments nila, wag kayong ano).

Itago natin sila sa pangalang Buboy at Ningning. Highschool pa lang kami, umaaligid-aligid na itong si Buboy kay Ningning. Nagcollege, tuloy ang pagpaparamdam. Ilang araw bago ang graduation, nagkalakas na ng loob na manligaw si Buboy sa pavirgin kong bestfriend. At ayun na nga, after 2 years of courtship, 3 years of officially being a couple, nagpakasal sila.

Sweet itong si Buboy, maalalahanin, maasikaso, masayang kasama. Walang reklamo si Ningning sa kanya kung kabaitan din lang naman ang usapan. Five years after nilang maikasal, wala pa rin silang anak pero hindi naman yun mukhang naging problema sa kanila kasi ang sweet pa rin talaga nila. At take note - hindi nagloloko si Buboy (Kahit nga yata tuksuhin ko yun, mabibigo lang ako).

Syempre dahil bestfriend, excited ako at atat na magkaroon ng inaanak sa kanilang dalawa. So, nagstart akong magtanong kung kelan ba nila balak magkaanak. As it turns out, parang nagkamali yata ako ng ginawa.

Isang tanong. Isang sagot na hanggang ngayon ay gumagambala sa akin. Nagsimulang magkwento si Ningning.

Lagi naman daw nyang kinakalabit si Buboy. Laging inaayang magfireworks display. Laging niyayayang magkainan. Pero bilang lang daw talaga yung chances na nagpakalabit si Buboy. Minsan nga daw halos pag-awayan pa nila yun, mentras ba naman kasing pinagbintangan ni Ningning si Buboy na may ibang babae at may anak dun kaya ayaw siyang anakan (Kaya pala minsan, sinama nya ko para sundan si Buboy papasok ng trabaho).

""Ikaw lang ang gusto ko""

Yan daw lagi ang sagot sa kanya ni Buboy tuwing nagtatanong siya kung bakit ayaw magkaroon ni Buboy ng anak.

Itong si Ningning, sa sobrang pagkadesperada, nilasing si Buboy (Inaya pa ako para makipag-inuman). So iyon na nga, nagtagumpay sya sa malandi nyang balak. Dahil lasing ang lolo nyo habang naghahappy new year sila, ang resulta - nabuntis si Ningning.

Hindi daw nya iyon inamin kay Buboy hanggat hindi halata sa tiyan nya. So, makalipas ang six weeks nagsalita na sya kay Buboy kasi napupuna na rin naman nito yung changes kay Ningning. Hindi daw nya alam kung natuwa ba si Buboy sa balita nya, pero ang alam lang daw nya ay parang mali na nagbuntis sya.

Kaya pala, nung minsang dumalaw ako sa kanila eh hindi kumikibo si Buboy at ayaw nyang maririnig na pinag-uusapan namin yung baby.

Kinailangan kong umuwi sa probinsya para umattend ng burol ng isang kamag-anak, mga 2 weeks din ako dun. Pagbalik ko, normal na ulit ang katawan ni Ningning. Wala na yung baby. Tinanong ko si Ningning anong nangyari. Sabi nya hindi daw nya alam kasi ingat na ingat naman daw sya sa bata. Kahit nga daw si Buboy ay natuto na rin na alagaan sya at ang pinagbubuntis nya. Hindi sya kumikilos sa bahay at si Buboy ang gumagawa ng halos lahat - maglinis, magluto, mamalengke.

Sinugod sa ospital si Ningning nang magsimulang agasan sya ng dugo. Syempre, iyak sya ng iyak. Kinakalma daw sya nun ni Buboy. Pilit nyang tinatanong si Buboy kung hindi daw ba ito nalulungkot.

""Sabi ko naman sayo, ikaw lang ang gusto ko...""

Yan lang daw ang sagot sa kanya ni Buboy. Magdadalawang taon na yung lumipas, sa ngayon buntis ulit si Ningning pero natatakot sya kay Buboy. Dahil lagi na lang daw itong walang ibang bukambibig kundi...

""Ikaw lang ang gusto ko.""

Let-let

Spookify 2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon