Sitsit

1.6K 28 1
                                    

SITSIT

College days
(2012 maybe)
Hi! I'm a reader here and i was encouraged to share my story. Actually madami pa akong naexperience na supernaturals pero ito na muna since ito yung una kong naalala pero i guess di naman to sobrang nakakatakot. But i'll share it anyways.

I was in college noon. Apartment kami nakatira with my cousin (Nursing stud siya) and my bff (Pharmacy studs naman kami). So hapon noon, wala na akong afternoon class. Umuwi ako ng apartment. Walang tao dun since iba sched nung pinsan ko tas di kasi kami magkablock nung bff ko kaya di kami parepareho ng uwian. Since mag isa ako, ginawa ko yung project namin (walang pahi-pahinga. Masipag po ako medyo) habang nagpapatugtog (Christian songs) sa laptop ko. After mga 20 mins, may narinig akong sitsit. Dalawang beses. Nung una di ko pinansin kasi kala ko wala lng, tuloy ang ginagawa. After a while, meron na naman. Mas audible na siya, mas mahabang sitsit na like ""SiiitSiit"" ganon. Tumingin ako sa bintana para icheck kung ung hangin ba na malakas. Close yung sliding window at sa sobrang init, walang hangin. Medyo kinabahan ako noon. Ginawa ko, nilakasan ko yung volume ng music. At sa paglakas nung volume, lumakas din ung sitsit. Natakot na ako noon. Nagdasal ako habang yakap ko ung unan ko. Habang nagdadasal ako, nagkalampagan ung mga hanger sa sampayan namin (may nilagay kasi kaming sampayan sa may bintana malapit sa bed para sa mga nadry na na damit namin). Gumalaw galaw ung mga hanger tas pagtingin ko sa may cabinet namin, may image ng lalaki na nakatagilid sakin. Naka barong at slacks, di ko aninag mukha niya kasi umiiyak na ako noon. Napa ""Jusko Lord"" na ako sa takot. Di ako makasigaw tsaka useless din kasi walang tao dun samin baka kung sino pa ung sumagot. Haha. Nag isip ako ng gagawin, sabi ko magbibilang ako ng tatlo, tapos takbo ako ng mabilis sa door since medyo malapit lng. Pero grabe, totoo talaga ung sabi na dika makakagalaw. I tried but i failed. Kaya naisip kong kunin phone ko at itxt ung mga kasama ko pero sakto pa na wala akong load!! Haha. Saklap. Kaya nagpray na lng ako ulit habang yakap unan ko at nakapikit  at hintayin na mawala yung lalaki at tumigil ung sitsit.
Then biglang bukas nung pinto! Gulat ako noon kala ko may isang kung ano na naman. Buti na lng yung pinsan ko lng. Tinanong niya kung bat ako umiiyak then ayun kinuwento ko.
Marami pa kaming naexperience sa amin noon pero next time na lng ulit mga bes kasi pagod na ang ate nyo magtype. Salamat sa pagbasa.

PS. Ewan kung nagbabasa dto ung mga kilala ko. Pero pag nagka idea kayo na ako to since nakwento ko sainyo. Pls lng wag niyo ako itag kasi sisipain ko kayo. Haha

ADPose

Spookify 2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon