Bangungot

1.4K 31 0
                                    

bangungot 

Hi admin, Isa po ako sa mga silent reader dito. Gusto kulang pong e share ang kwentong ito

November 07, 2010 around 9 pm I was on a victory party that time. I had a friend named John (not he's real name). Magka txt kami ng gabing yun kasi nasa malayong lugar siya that time. (Not to mention the place)

Sabi niya mag inom daw kami pag uwi niya kasi missed na daw niya ako gawa ng mahigit isang linggo din kaming hinde nag kikita. Ang dami naming napag usapan sa txt during that night Hanggang sa mag gudnyt na siya then I replied happy urom (urom in Tagalog is bangungot)

Nagulantang ang lahat kinabukasan lalo na ako na best friend niya sa marinig ko yung balita na pumanaw na daw si John Nov. 8 ng madaling Araw sa kadahilanang binangungot😫

Pitong Araw din siyang ibinurol sa kanilang pamamahay. Nung last na burol hinde na ako naka punta gawa ng pinag pahinga muna ako ng kanyang pamilya gawa ng 6 na sunod sunod na Araw din akong nandun para mag bantay at walang maayos na pahinga

Umuwi ako sa bahay upang makapag pahinga at Dumiretso ako sa kwarto Hanggang sa Bigla akong nahapo at naka tulog.

""Antayin niyo po ako Bago ilabas yung kabaong ng kaibigan ko sabi kupa sa mama neh john ngunit ang ipinag tataka ko dahil kinabukasan Nung pumunta ako sa kanila upang makipag libing wala ng tao sa bahay nila at hinatid na raw yung bangkay neh John pa puntang sementeryo. Dali akong Tumakbo ako ng mabilis papalabas ng bahay nila upang habulin yung punerarya at yung mga taong nakikipag libing kay john Kasi nga gusto kung makipag libing kahit sa huling pagkakataon manlang.
Takbo ako ng takbo pero nag tataka ako kung bakit hinde ko sila maabutan pero aninag ng dalawa kung Mata ang mga taong nakikipag libing. tinatawag ko lahat ng kilala ko doon sa mga nakikipag libing ngunit walang pumapansin. hingal na hingal ako Nung maabutan ko sila sa simbahan. (Dinadasalan muna ang patay sa simbahan Bago ilibing).

Tinanong ko ang mama neh john, bakit hinde niyo po ako inintay?  sabi ko po dvah antayin niyo ako Bago niyo man lang ilabas ng bahay yung kaibigan ko? Ngunit Masama ang tingin sakin nung mama neh John at sinabihan ako na bakit pa daw ako sumunod dapat hinde nalang kasi masama yun.

Habang papalapit ako sa kabaong ng kaibigan ko iyak ako ng iyak ngunit takang taka ako kung bakit pinag titinginan ako ng mga tao? Bigla akong nanlumo at Nagulat dahil nung pag tingin ko sa kabaong mukha ko ang andun""??

Gumising ako na andun ang pamilya ko sa tabi ng Higaan ko at nag iiyakan. Hinde daw nila ako magising at sigaw daw ako ng sigaw. Ikwenento ko sa kanila lahat at iyak ako ng iyak Nung time na yun. Yung pala ang tinatawag na BANGUNGOT.

yun po ay based on my own experience at sana ay magustuhan niyo.

wella
TACLOBAN, Leyte

Spookify 2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon