Manananggal
Hi admin hope na mapost to. Bago lang ako dito pero simula nang mabasa ko mga stories dito nahook na ko 😙 I think may bago na naman akong tambayan.
Hi readers anong tawag sa manananggal pag lalaki? Manananggol? Haha waley. Simulan ko na ba? Ok so ganito yun.
Sa side ng mama ko kapag may babaeng buntis ay aswangin talaga. Lapitin ng mga aswang kumbaga. Yung tinitirhan namin dati ay parang sa probinsya, layo layo yung mga bahay at mapuno kaya kung ano ano lang maririnig pag gabi. At eto nga buntis si mama. Dalawa kaming magkapatid, yung kuya ko 3 yrs old, ako 1 taon at pangatlo yung nasa sinapupunan ni mama. Yung bahay namin nun medyo nasira gawa ng dumaang bagyo so ipinapaayos. Kinulang ng plywood kaya yung sa dingding namin sa kwarto ay tinapalan na lang ng karton, yung matigas na karton na parang plywood? Wwan basta yun na yun. Di ko alam tawag dun sorry. Dala ng ilang beses na pag ulan kaya medyo lumambot na. Parang isang sipa mo lang eh matatanggal na ganun haha.
Isang hapon ang tatay kong mukhang alak inaya ng barkada nyang uminom, ni hindi na nakapag paalam kay mama. Pero nasabi nya naman sa matandang lalaki na kapitbhay namin na sabihin kay mama na mag iinom sya at kung anong oras sya uuwi. Eto na nga gumabi na, si mama hintay ng hintay kay papa (Hindi sinabi ng matanda kay mama yung sinabi ni papa). Bandang 9pm daw ay parang biglang kinilabutan si mama kasabay nun nadinig nya yung huni ng aswang na mahina. Ibig sabihin nasa malapit lang. Maya maya daw may narinig si mama na pagaspas ng pakpak, as in parang yung manok daw na pumapagaspas pero napakalaking manok. Kasi yung bahay daw namin ay parang nagsisway na daw sa lakas. Alam ni mama na manananggal yun. Dumapo daw yun dun sa mismong tabi ng kwarto namin kung asan kaming tatlo. Tulog na kaming magkapatid at nasa tabi namin si mama. Naramdaman ni mama na parang pinatutulog sya nung aswang kasi bigla nalang inantok sya .Parang may kamay daw na humahaplos sa mata ni mama para pumikit. Nagsisitayuan na yung balahibo niya, pakiramdam daw ni mama ay pati buhok nya ay nagtatayuan na din.
Ang ginawa ni mama para hindi sya makatulog pinagkukurot nya yung braso nya na sa lakas ay halos dumugo na. Nadidinig daw nya yung parang hinga nung aswang haaaah haaah haaah basta imagine inyo na lang yung tunog. Gusto daw ni mama na magmura, baka sakaling matakot yung aswang (Sabi sabi kasi na takot daw ang mga aswang sa mura). Pero naisip ni mama na baka lalong magalit yung aswang at baklasin na lang yung dingding namin. At sugurin kami, wala pa namang kahit anong bagay na makita nun na pwedeng ipanghampas man lang. Ayaw din ni mama na pumuntang kusina at kumuha ng kutsilyo. baka daw pagbalik nya ay wala na kami ng kuya ko. So minabuti na lang ni mama na magstay dun at hintayin si papa. Yung manananggal daw ay parang gustong gusto ng pumasok at kainin kami. Hindi hinayaan ni mama na makatulog sya kasi alam nya na mangyayari. Baka abutan kami ni papa na patay na at wakwak na yung tyan ni mama. Mga dalawang oras daw na ganun at hindi umaalis yung aswang. Mga bandang 12 daw ay bigla na namang pumagaspas ng malakas at ayun naramdaman ni mama na umalis na yung manananggal. Maya maya dumating si papa, pinagmumura ni mama si papa dahil dun 😂😂😂
Hinala ni mama yung matandang lalaking kapitbahay namin yung aswang. Kasi alam kung anong oras ang dating ni papa. Sa tuwing mapapadaan din samin yun ay hindi makatingin sa mata ni mama, nakayuko lang habang nadaan. So ayun buti na lang hindi nakatulog si mama kundi walang magkikwento sa inyo nito HAHAHA.
Annetok

BINABASA MO ANG
Spookify 2017
HororTotoo ba talaga ang mga Multo?Aswang?Demonyo?Engkanto?O kung ano ano pang masasamang nilalang?Alamin natin ang ibat ibang storya ng ating mga spookifiers na nakaranas ng mga ka kilakilabot ma mga karanasan nila!