Kaklase

1.8K 44 0
                                    

Kaklase

Mga early 80's eto nangyari. May pinsan ako si ate anne, anak nina auntie julietta at uncle tonyo. Bale si uncle tonyo yung kapatid ng nanay ko. Panganay at solong babae si ate anne (May dalawa syang kapatid na lalake). Palibhasa panganay at solong babae mahal na mahal sya ng mga magulang nya. Igiinagapang ni uncle tonyo yung pagpapaaral sa kanya ng nursing. Driver si uncle tonyo ng mga ten wheeler truck na nadidistino sa mga malayong probinsya kaya kadalasan buwanan lang sya kung umuwi sa kanila. Matalino at active si ate anne sa school nila . Kasali sya sa organization na kung saan tumutugtog sila ng rondalla. Minsan naiinvite sila mag guest sa mga tv shows.

Isang araw may sinama si ate anne sa bahay nila na kaklase nya, si lucille. Transferre daw sa school nila. Naging close sila ni ate since bago at walang masyadong kakilala pa si lucille. Halos parati sya sa bahay nils ate anne kaya nakapalagayan na rin ng loob ni auntie.

Mga buwan ng october (Kasi sembreak nila un), dumaing si ate anne na masakit ung likod ng balakang nya at parang may bukol.  Nagpresenta si lucille na dalhin sa nanay nya dahil manggagamot daw. May mga pinahid na kung ano ano. Pero hindi naman gumaling sa halip ay mas lumala pa. After a week nahirapan na si ate ann dahil sobrang sakit daw. Kinausap ng nanay ni lucille si auntie na dadalhin daw nila si ate ann sa probinsya nila somewhere in ***** kasi nandoon daw ung mabisa na panggamot nya. Sabi nya pag hindi daw nadala si ate anne sa probinsya nila, baka hindi na daw abutin si ate anne ng november. Pumayag si auntie na isama si ate anne.

Kulang kulang isang buwan din doon si ate ann kasi nakapagpadala pa sya ng sulat kila auntie. Sabi nya sa sulat "Ma kunin nyo na ako dito kasi hirap na hirap na ako. Pinapakain nila ako dito ng mga pagkain na hindi ko alam". Then ung sumunod na telegrama na galing sa mayor ung nareceive  nila. Shock na shock lahat noon!!! Hindi kami makapaniwala!!! Kasi pinapakuha na ung bangkay ni ate anne  sa munisipyo!!! Buti may kapatid si auntie sa airforce kaya nakagamit sila ng helicopter papunta sa ***** para malift ung bangkay ni ate anne pabalik sa manila.

Nang makita daw nila ung bangkay ni ate, ibang iba daw ung hitsura, parang hindi sya. Yung balat daw maitim na may patsi patsi na parang mantsa. Tapos eto pa hindi daw mabuhat kahit apat na na lalake ung bumubuhat. May nagsabing lagyan daw ng asin, saka lang nila nabuhat. Tapos hinanap nila ung bahay nila lucille, wala na doon at wala rin makapagsabi kung nasaan na sila (Siguro tinago na rin ng mga kamag anak).

Pagdating nila dito sa maynila pinuntahan nila ung kwartong inupahan ng mag ina. Napakadilim daw at masangsang ung amoy. Madaming mga gamit na parang pang kulto. May nakita pa nga raw silang  bungo.

Galit na galit at nagwawala si uncle tonyo nang umuwi. Hindi nya alam na ganon ang nangyari. Sinisisi nya si auntie julietta kung bakit pinayagan sumama doon sa mag ina na hindi naman lubos na kilala. Tulala noon si auntie, napakabilis ng pangyayari. Wala pang isang buwan nang umalis si ate anne tapos patay na kaagad. Sya rin mismo hindi rin nya maintindihan kung bakit pumayag sya. Sabi sabi dito baka nahipnotismo kaya naging sunud sunuran sya sa nanay ni lucille.

May mga nagsabi din ung bangkay daw na inilibing ay hindi na si ate anne. Kumbaga napalitan na un. Hanggang ngayon palaisipan pa rin sa amin kung ano talaga ang totoong nangyari kay ate anne...

Seilslyle

Spookify 2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon