Cadaver

1.7K 30 0
                                        

Cadaver 

Gusto ko lang sana ishare ang nakakatakot na karanasan ko. Isa akong medical student sa isang kilalang unibersidad sa Cebu. May subject kami na kailangan namin maghandle ng cadaver for studying. Noong una normal lang talaga lahat. Hindi ako naniniwala sa multo or kahit anong hindi kayang iexplain ng Science. Pero isang araw maaga akong pumasok sa laboratory namin para magreview sa parts ng cadaver kasi may exam kami sa susunod na meeting. Ang tanging tao lang sa room na yun ay ako at saka yung laboratory technician. Nagrequest ako sa kanya kung pwede ba ako manghiram ng ilang parte ng cadaver especially yung ulo. So ayun nga binigay na niya sakin at nagbiro pa siya na wag ko daw titigan ng diretso sa mata, baka daw biglang dumilat. Natawa na lang ako kasi hindi nga ako nagpapaniwala sa mga iyan. So nagset up na ako, ready na lahat. Nagpaalam saglit ang technician dahil may kukunin lang daw siya saglit sa baba. By the way, nasa 5th floor ang room namin. Wala pang katao-tao ang katabing rooms. So sabi ko "Bilisan mo Kuya ha, ako lang mag isa. Dito baka mabuhay to bigla hahaha." Umalis na siya at ako na lang mag isa sa room.

Di kalaunan bigla na lang ako nakarinig ng mga paang naglalakad sa labas. "Ang bilis mo naman yata Kuya hahaha, natakot ka no?" Pagkatapos paglingon ko yung Professor pala namin yung pumasok. "Ikaw pala, Doc. Good day po." Hindi niya ako nilingon tapos dire-diretsong pumasok sa office niya. Sa isip ko na lang baka bad mood. Magpapatuloy na sana ako sa ginagawa ko nang paglingon ko sa cadaver may umaagos na dugo mula doon. Imposible namang mangyari yun kasi nakababad na ito sa formaldehyde lahat-lahat. Nagsuot ako ng surgical gloves at hinawakan yun. Napaatras ako nang muntikan na akong mapaso sa sobrang init nun. Natakot na talaga ako at kinatok yung Professor ko sa loob ng office niya. Hindi niya binubuksan ang pinto. Ang mali ko lang talaga kung bakit ako lumingon ulit dahil nakita ko yung cadaver na nakangiti sa akin. Doon na ako nawalan ng ulirat. Ang huli kong nadinig ay ang pagtawa ng isang parang dambuhalang tao sa loob ng office ng Prof. ko. Nagising na lang ako sa amoy ng ammonia at pinaliligiran na ako ng mga classmates ko. Nakita na lang daw ko nila na walang malay at nakahiga sa parang higaan kung saan nilalagay ang mga cadaver. Sinabi ko sa kanila lahat ng nangyari at tinawanan lang nila ako dahil baka daw stressed lang talaga ako sa exams kaya kung anu-ano na naiisip ko. Pero hanggang ngayon takot pa rin ako mapag isa sa laboratory na yun.

Doc

Spookify 2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon