Hi Admin at mga kapwa ko readers dito sa Spookify. Avid reader nko since nung bago palang ang page nio I just want to share my experience. So here it goes.
Dalawa nalang kaming magkasama sa buhay ng mama ko at nung June lang nang pumunta sya sa Singapore para mamasukan. So ako nalang mag isa sa bahay. Likas na sakin ang pagkahilig sa katatakutan at dahil nga sa mag isa nalang ako sa bahay nandun na minsan ay tinatakot ko ang sarili ko. Sa bahay na to nko lumaki at wala pa kaming anumang kababalaghang naexperience dito, maski si mama.
Pero sa loob ng 3 mos. Na pag iisa ko sa bahay, di ko ineexpect na dun pa ko makakakita.
Una: binigyan ako ng tuta ng tita ko para may libangan naman daw ako sa bahay. Isang gabi habang nagpapahinga na ko sa kwarto narinig kong malakas na umiiyak s Yumi (ung tuta) sa sala. Tumayo ako at pumunta sa sala, binuksan ko ung ilaw at kinau-kausap ko sya. (di ako baliw. Haha. Pero diba minsan knakausap rin natin na parang tao ung mga alaga natin) hinimas himas ko sya sa ulo at pinatay ko na ulit ung ilaw sa sala. Nang.. Shit! Nakita kong may nakaupo sa sofa namin. Di ko makita ang mukha dahil patay nga ang ilaw pero dahil sa silhoutte nia na parang may mahabang buhok, alam kong babae (pwera nalang kung nakatalukbong ung multo) dali dali kong binuhat si Yumi at dinala sa kwarto. Dun ko na rin sya pinatulog
Kinabukasan, nagising nalang ako sa katok ng tito ko sa pinto.namin. May nahuli daw silang malaking sawa at galing daw yun sa kisame ng bahay namin sa sala. Sobrang thankful ako nun at di ko pinatulog si Yumi sa sala kundi baka nakain na sya ng sawa.Pangalawa: Alas-2 na ng madaling araw nagising ako dahil naiihi na ko. Bumangon ako para mag CR pero di ko pa bnubuksan ang ilaw sa kusina (madadaanan muna ung kusina bago makapuntang CR) nakita ko na naman ung silhouette ng babaeng multo malapit sa pinto ng CR. Napamura nalang ako at bumalik sa kwarto, umurong ung ihi ko mga bes.
Kinabukasan, pagpunta ko ng CR nakita kong tanggal na ung iilang jealousy sa bandang taas ng CR namin at may mga bakas din ng tsinelas na may putik sa lapag. Sabi ng tito ko ay may pumasok daw sigurong magnanakaw dun pero di nakapasok dahil nakalock ung pinto (double po kasi ung lock nung door, meron sa loob at labas ng CR) Napag isip isip ko na buti hndi ako natuloy mag CR nung nagising ako ng madaling araw, kundi baka naabutan ko pa ung magnanakaw.Pangatlo: Mga 11pm na un nang magtext ang dalawang kaibigan ko na gumimik daw kami. Di ako palagimik pero chance ko na un dahil mag isa lang ako sa bahay at walang magbabawal sakin. Nagbihis na ko nun at pagdating ko sa sala at bubuksan ko na ang ilaw, nakita ko na nman ung silhouette nung babae sa pintuan. Parang ayaw nia kong paalisin. Bumalik ako sa kwarto at tinext ang mga kaibigan ko na biglang sumama ung pakiramdam ko at di nalang ako sasama. Kinabukasan, nalaman kong nahold-up pala ung dalawang kaibigan ko pagkagaling nila sa gimikan.
Di ko alam kung sino yung babaeng nakikita ko sa dilim pero isa lang nasisiguro ko, mabait siya. Although tinatakot nia man ako, nilalayo nman nia ko sa kapahamakan.Yun lang. Sorry po kung magulo ang pagkakakwento.
GodspeedSadako

BINABASA MO ANG
Spookify 2017
HorrorTotoo ba talaga ang mga Multo?Aswang?Demonyo?Engkanto?O kung ano ano pang masasamang nilalang?Alamin natin ang ibat ibang storya ng ating mga spookifiers na nakaranas ng mga ka kilakilabot ma mga karanasan nila!