Hello mga ka-spooky! Tawagin niyo nalang po akong Jhin. Sana ma post to kahit medjo boring ako magkwento May nabasa kasi ko dito ung tungkol sa tatay nya so ikikwento ko din ung kay papa. Nga pala loud reader ako (Sawa na ko sa silent reader kasi literal na maingay ako 😂). Sana magustuhan niyo po.
So eto na... Nasa probinsya kasi kami nun at ang trabaho ng papa ko ay mangingisda. Si papa kasi ung tipo na matropa, halos lahat ng taga dun samin kilala sya (Kasi maliit lang po ung brgy. namin). Karamihan sa tropa nya ay kapwa niya mangingisda. Masaya kaming namumuhay nun, simple at payak. Pero syempre dahil sa maraming kaibigan si papa di maiwasan na may mga mainggit sa kanya at siraan sya sa harap ng iba. Ang nakakalungkot lang kasi mismong kaanak pa namin ang naiinggit sa kanya (Sinabi kanya nung tropa niya kung sino ang naninira sa kanya kasi isa ung tropa niya sa sinabihan nung kaanak namin). Pero nanatiling kaibigan pa rin ni papa ung mga tropa niya, walang nagbago.
2010 nung namatay lolo ko, syempre pagkatapos nung libing pinapakain ung mga nakiramay bilang pasasalamat (Ganun po samin). Tapos ung isa ko pang lolo ay inabutan daw ng pagkain nung isa naming kaanak (Un po ung napabalitang inggit kay papa) na ibigay daw kay papa ung pagkain na un. Since di naman gutom ung lolo ko ibinigay nya kay papa kaya kinain nya.
Nung sumunod buwan ok pa naman si papa, ganun pa rin malakas at makulet. Pero nagbago lahat nung ikalawang buwan, unti unti ng nanghihina si papa to the point na namayat na sya ng sobra. Maputla at halos buto't balat nalang sya.
Di na nagtatrabaho si papa nun kasi di nya na kaya, gabi gabi syang naiyak habang tulog. Hanggang dumating ung Feb. 14, 2010 umaga nun, naglalaba si mama tapos ako taga igib. Nang tinawag ako ng papa ko, sabi nya "Nak hilutin mo naman si papa tas dito ka muna sa tabi ko". Syempre ako naman ginawa ko kaso habang hinihilot ko sya bigla nyang sinabi na alagaan ko daw si mama pag wala na sya tas naiyak na ko nun kasi mahal na mahal ko si papa eh. Edi un nga nung pagkasabi nya nun saktong pasok ni mama kaya narinig nya din. At si mama nagalit kay papa habang naiyak kasi bat nagsasalita ng ganun.Sabi ni papa pakitawag daw si tita (Kapatid ni papa) then un nga lumabas si mama. Paglabas ni mama niyakap ako ni papa sabay humiga syaat sabi nya "Ingat kayo lagi nak" pero nakangiti na naluluha. Unti unti na din syang nahihirapan huminga at naninilaw ung mata nya. Pagdating ni tita hirap na hirap na sya pero nasabi nya pa na "Nandyan na sila, hinihintay na nila ko" habang nakaturo sa taas.Hanggang sa bumigay na si papa, sobrang iyak ko nun na halos magwala na ko sa bahay. Nakakalungkot lang kasi sa mismong araw ng mga puso pa sya namatay. Nung gabi ng unang burol nya napanaginipan ko si papa, ang saya niya. Nakasakay sya sa bangka kasama ung lolo ko pati ung ibang kamag anak namin na namatay na. Kumakaway sya sakin hanggang di ko na sya makita.
Kaya kayo mahalin nyo magulang niyo. Iisa lang ang tatay (Pati nanay) kaya iparamdam natin sa kanila kung gano tayo ka-thankful na sila ang magulang natin 🙂
Yun lang po, salamat sa oras niyo.
PS. Papa kung nasan ka man sana gabayan mo kami ni mama lagi. At nga pala miss ko na ung paglalambingan natin (Nag aagawan ng tinapay pag almusal).
LastDrop

BINABASA MO ANG
Spookify 2017
HororTotoo ba talaga ang mga Multo?Aswang?Demonyo?Engkanto?O kung ano ano pang masasamang nilalang?Alamin natin ang ibat ibang storya ng ating mga spookifiers na nakaranas ng mga ka kilakilabot ma mga karanasan nila!