Bagac,Bataan

3.6K 63 2
                                    

Bagac, Bataan

Summer nun nung pumunta kami sa isang resort sa Bataan (black sand yung sand dun) . Yung may ari ng resort, kaibigan ni Papa so libre lahat. Pag dinescribe mo yung place, -> tahimik, maaliwalas tas parang bahay sa probinsiya talaga. Tapos meron don ilog tapos may bridge para makatawid ka sa kabila. Unang araw, ang saya pa namin kasi ang ganda nung place. Kinagabihan, tulog na silang lahat (bali anim kami sa kwarto). Eh may cabinet dun na malaki. Walang laman tas kakaiba yung aura ko dun sa cabinet na yon pero wala lang naman. Kinaumagahan, nagkwento si Mama. Parang may usok na itim daw na lumapit sakanya. Eh katabi niya ako. Pero di daw siya makasigaw parang siya lang nakakarinig nung sigaw niya. Tas yung rosary niya, hawak niya at nagdasal siya (Lector kasi si Mama sa simbahan kaya malapit siya sa Diyos) tapos nawala na daw. Edi ako hindi ako natakot kasi okay lang yun lang naman. Edi same routine swimming sa dagat, uwi, kain, swimming ulit. Gabi nanaman, nagsimula na magtakutan/nagkuwento yung mga trabahador don na may nagpaparamdam daw dun. (Ang kwarto pa namam namin ay sa taas, dulo. Anim na kwarto hati. Sa gitna, may malaking C.R tas may salamin kaya maiimbyerna ka talaga. haha) Eh kami lang yung nagkakwarto don kasi libre nga lang. Tas yung dalawa kong kuya, tito kong Grade 10, umakyat na. Ako, si Mama't Papa, nasa baba pa. Maya maya, kumakaripas ng takbo yung tatlo. Tinatanong kung tinawag ko daw ba sila kasi may sumigaw daw don na tinawag sila na kaboses ko. Edi ako natakot kasi akala ko may dopple ganger ako (pero alam ko nakikita lang yon hahaha tanga ko). Tas nung matutulog na kami, ako lang nanaman yung gising. Tas yung pinto kumakalabog. Huhu :( . Tas yung katabi na naming kwarto yung kumalabog yung pinto parang sinara na malakas (may galit sa mundo ganon) so pumikit na ko at nagdasal at nakatulog. Kinabukasan, nakauwi na kami. :)))

[P/S: Nagka tsunami daw kasi don dati kaya madaming namatay at walang kinalaman yung cabinet hehe. At ayoko na bumalik don.]

zeyan 
Quezon City

Spookify 2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon