Creepy school
Hi admin Sana mapansin nyo naman po itong story na ikukwento ko senyo,
ise-share ko lang sana yung experience ko at ng pinsan ko way back 2009 or 2010 ata, Hndi ko na matandaan yung eksaktong year and date na nangyare to, Name nga pala ng pinsan ko 'Bryan' ampon sya ng tita ko, pinatira sya samin ng mga ilang taon at dito na din sa Q.C pinag aral at pansamantagal nanirahan since sobrang busy ng mama nya sa trabaho, samin na sya ipinagkatiwala, kasambahay kasi tita ko at nagbabantay ng bahay at ware house, madalas kame makakita ng mga creepy things, Bukas third eye namin pareho, nasanay nalang kame sa kababalaghan na nangyayari pa samen hanggang ngayon, etong ikukwento ko most creepiest tlga sa lahat ng naexperience namin, close kame ng pinsan ko lageng magkasama at magkalaro So eto na nga po,
Graduation ko that time, Syempre kasama yung mama ko at si bryan (pinsan ko) kasi walang magbabantay sakanya may work si papa si ate may pasok sa school, that time syempre masaya, after ng Graduation ceremony Syempre Picture picture muna sa Stage with my classmates and also my mother and pinsan, gabi na natapos yung graduation usually naman ganon db? di ko alam exact time ng tapos nung grad ceremony ehhh, eto na nga Etong isa kong kaklase nagyaya na maggroup selfie dw kame dun sa Covered court, describe ko lang, Yung court na yun Nasa Bandang Gilid ng school, Pinapalibutan yun ng room building then sobrang dilim dun that time ang source lng ng ilaw ay yung ilaw sa pinagdausan ng graduation namin at syempre dun kame madalas maglaro at tumambay kaya memorable samin yung spot na yun, by the way sinama ko mama ko at si bryan dun sa court na yun, Medyo madilim don, yung mga room na pumapaligid sa court madilim sobra, eto na nga Syempre selfie picture picture, Ang saya! Tawanan Asaran at harutan! ang ingay namen!
Habang nagtatawanan kami ng mga kaklase ko, biglang Umiyak yung pinsan ko, agad naman akong lumapit sakanila, syempre ang ingay kaya pinapatahimik namin sya 'bakit sya umiiyak?' tanong ko kay mama, Sagot nya sakin baka nagugutom lang dw, Mga ilang minuto namin sya pinatahan ayaw pa din tumigil binigyan na namen ng pagkaen pero walang epekto, nung mejo nahimasmasan na sya tinanong ulit namin sya kung anong dhlan ng pag iyak nya,
Nagulat kami kasi bigla syang may itinuro sa bandang classroom 2ndfloor gilid ng Court! Muli syang umiyak ng malakas, Napalingon kami sa tinuro nya, tanong ni mama sa pinsan ko 'Saan nak?' Ako naman natulala sa nakita ko! Napasyet ako! kitang kita ko tlga di ako pwedeng magkamali nakikita ko yung nakikita ng pinsan ko! Nakauniform batang babae duguan! nakatingin lng sya samin, tinanong ko mama ko, 'Ma wala ka bang nakikitang estudyante sa 2nd floor? Sagot nya 'Wala, Bakit?' Sagot ko 'Wala ma' Kinilabutan na ako non sobraaaa! di ko lng pinapakita kay mama kasi matatakutin yun sa ganon, so napaisip ako! Kami lng pala ng pinsan ko ang nakakakita sakanya?' ginusot ko yung mga mata ko sa pag aakalang namamalik mata lng ako pero hndi ehhh, Bigla kong hinila yung pinsan ko at tinakpan ko yung mata nya para hndi na nya makita yung nakikita ko at di na sya matakot at umiyak, Pinalakas ko nalang loob nya at Hinaharot sya para di na matakot at makalimut dun sa batang babaeng nakikita din nya, nakatingin padin ako sa babae sa corridor! Takot na takot na ako that time pero tinitiis ko lng tlga wag ipakita sakanila! ginusot kong muli mga mata ko, ayaw pa din nya mawala! Shocks! Syet! di ko alam gagawin ko! Nakatitig lng sya sakin non! Pero Syet tlga!
Sa takot ko ipinikit ko nlng mata ko para maalis yung takot ko pero di ko natiis dahan dahan kong minulat mga mata ko! kht ayaw ko! binuksan ko padin sa pag aakalang naglaho na sya, Tengene! Mas kinilabutan ako sasumunod na nangyare! Napamura ako! P*tang***!!! Nasa first floor na sya Syettt!!! Nanginig ako sa takot! mangiyak ngiyak ako sa takot! ang creepy kasi tlga! nakayuko lng at ang putla tlga! Duguan uniform nya! Kakulay ng bangkay! Sobraaang creepy!!! Si mama di ako makausap kasi nakatulala ako at pinagpapawisan ng malamig! lalo akong natakot nung gumalaw sya dahan-dahan naglakad pa left side si ateng! papunta sa gate ng first floor. describe ko muna. may parang pader bago mag gate ng 1st floor di mo makikita ang tao bago lumabas ng gate, at may hagdan din dun pa puntang 2nd floor, yun na nga! Syet takot na takot na ako Halos maihi ako nun sa pants ko! inaabangan ko syang Lumabas sa gate kasi alam ko dun daan nya, syet! Tagal nyang lumabas! inaabangan ko sya ehhh, Di ko alam kung bakit, ang lapit lng namin sa gate nun! sa sobrang takot ko Tumalikod ako doon sa building na yun habang yakap ko pinsan ko nakatakip pa din mga mata nya ng isa kong kamay, Eto na ang the creepiest!!! Syet nya! laking gulat ko nasa harapan na namin sya! As in face to face! Naka Ngiti sya (Demon Smile) yung mata lumuluha ng dugo at May laslas sa leeg! at maputla! sa takot ko natumba ako at napaupo sa sahig! bigla akong tumakbo hila hila yung pinsan ko at yung mama ko iniwan ko, Agad naman syang sumama samin nung makita nya kaming tumakbo ng pinsan ko, Hndi na ako nagpaalam sa mga kaklase ko non sa takot ko! Mura ako ng mura napaiyak ako sa takot! Hanggang pag uwi dala ko yung expirience na yon hanggang ngayon! nagtatanong si mama kung ano nangyare! kung bakit ako biglang natumba at parang takot na takot, Tulala padin ako di nya ko makausap! Pinagpapawisan padin ako! Syet! 1stime ko yung ganon! Usually nakakakita ako pero di ganong kalapit!!!!
akala ko tapos na ang pagpaparamdam nya, pero hndi pa pala, hanggang dito nlng muna yung kwento ko, May mas creepy pa akong isisiwalat sainyo after nangyare yun sa amin, may mga sumunod pa, Abangan nyo
PS: yung mga nasa school jan hndi nawawalan ng Kababalaghan, Marami pa akong naencounter na kababalaghan, Eto lng yung sobrang nakakatakot kasi face to face ko syang nakita,
Anyway thanks admin sana mapansin nyo at maipost nyo yung kwentong to :) Nagpupuyat ako dhl sa pagbabasa dito, Thanks sa creepy stories Lav lots :*
Sir, Puppet
Quezon City

BINABASA MO ANG
Spookify 2017
HorreurTotoo ba talaga ang mga Multo?Aswang?Demonyo?Engkanto?O kung ano ano pang masasamang nilalang?Alamin natin ang ibat ibang storya ng ating mga spookifiers na nakaranas ng mga ka kilakilabot ma mga karanasan nila!