Warning?

5.5K 90 2
                                    

Warning?

11 years na nakakalipas nung nangyari ito.

Hapon noon nang hinihintay ko makauwi yung mga kaibigan ko galing sa eskwela. Magkaiba kami ng school kaya madalas nauuna akong umuwi o depende pa kasi minsan nalelate din ako ng uwi kapag isa ako sa mga cleaners after class. At nakaugalian na namin na maghintayan na mga magkakaibigan kapag hapon para magbonding at magkwentuhan. Kasi tuwing sabado at linggo lang naman kami nakakapaglaro at nakakagala maghapon. Kaya napagpasyahan namin na magcomputer since may alam kami na pinaglalaruan namin na mura (Yung 25 pesos tapos 2 hours). Kasi hindi pa masyado uso yung discount sa ibang mga computer shop.

Tatlo pala kaming magkakaibigan na palaging magkakasama. Pero 2 lang kaming naglaro ng kaibigan ko, ewan ko ba at saan napadpad yung isa naming kaibigan at hindi namin kasama. Hinintay naman namin siya ng mga 30-40 mins sa pagkakaalala ko kaso wala pa talaga siya. Mag 5pm na kaya kaming dalawa na lang ng isa ko pang kaibigan ang naglaro. Bawal kasi kaming abutin ng 8pm onwards sa kalye at mapapagalitan kami (2 hours kasi kami maglalaro para may discount) 😊

Edi ayun fast forward na ako. Kasi wala naman kakaiba dun sa comp shop na pinaglaruan namin bukod sa medyo mabagal lang ang internet. Edi ito na, tapos na kami maglaro at nagtaka kami kasi paglabas na paglabas namin walang mga sasakyan kahit pa daanan talaga siya ng mga jeep at pampasaherong sasakyan (Tricycle, kuliglig, taxi at iba pa). Edi tumawid kami habang nagkkwentuhan pa. Unusual kasi mga around 7:00 pm pa lang that time kaya imposible na walang dumadaan ni isa.

Pagdating namin sa gasolinahan kasi tapat lamang yun ng comp shop, ni isang tao, wala. Nagtaka ulit kami kasi bakit wala man lang gasoline boy na nandoon pero balik na naman kami sa kwentuhan at hindi na lang pinansin ang mga nangyayari. Then sa hindi sinasadya napalingon ako sa kaliwa at may napansin ako na merong nakatayo sa bandang kanto ng isang bahay at nakasuot ng damit ni kamatayan (Hindi ko kasi alam yung tawag sa damit niya) at may hawak na malaking karet o scythe (Yung hawak-hawak ni baphomet sa ragnarok) at nakamaskara pa ito nung sa scream o sa scary movie. Napahinto at natulala ako saglit. Sabi ko sa isip ko malayo pa yung halloween ah? Then nung gumalaw ito at lumingon samin, nagkukumaripas ako ng takbo, feeling ko ako si the flash that time kahit na ang idol ko ay si batman haha. Nagulat ngayon yung kaibigan ko at napasigaw bakit daw ako tumakbo pero hindi ko na siya nakuhang lingunin para senyasan man lang sa nakita ko dahil sa kaba at takot na naramdaman ko. Nung tumingin siya sa kung saan ako napalingon ay nagulat din siya at biglang kumaripas na din ng takbo (Yan yung sinabi niya sakin kaya napatakbo na din siya).

Ang weird lang kasi habang tumatakbo ako napansin ko na wala man lang ni isang sasakyan o tao akong nakita sa paligid ko (Bukod sa kaibigan ko na kumaripas din ng takbo). Para bang tumatakbo ako sa isang ghost town at medyo dim din yung ilaw ng bawat poste na nadadaanan ko habang kumakaripas ako ng takbo. Nung nakarating kami sa dulong kanto kung saan maaliwalas at maliwanag na gawa ng mga ilaw galing dun sa mga tindahan at mga poste na magkakatapat dun lamang kami nakakita na meron ng jeep, mga tao na bumibili sa bakery. Napahinto ako at sakto naman ding dating nung kaibigan ko. Sabi ko pa sa kanya "Nakita mo yung nakita ko?" Sabay sabi sakin na "Oo kaya nga din ako tumakbo". Sabi ko pa nga na ano kaya yun at parang totoo sabay sang ayon naman siya. Dun na namin naramdaman yung hingal kasi nakatakbo kami ng sobrang bilis na hindi mo akalain.

Napalingon kami at nandun pa din yun kung ano man yun, nakatingin pa din sa direksyon namin. Since na madaming tao na sa kinaroroonan namin naglakad na lamang kami pauwi at hindi na lang ito pinansin pero nag-uusap pa din kami tungkol sa nangyari.

Kinabukasan, after namin makita o maranasan ang insidente na yun, may nangyaring hindi inaasahan. Nagulat kami nang may nagsisigawan sa baba at humihingi ng tulong. Mag 6:00 am nun kasi yun na yung time na susunduin kami ng school service ng katapid ko. Nung nakalabas na ako ng bahay nakita ko mismo na karga-karga ng iba naming kapitbahay yung tatay ng isa naming kaibigan (Yung hindi namin nakasama nung naglaro kami) papunta sa sasakyan para mahatid sa ospital. Eh natulala na lang ako at naalala yung mga nangyari nung kinagabihan na iyon. Tinapik ako ng kapatid ko kasi hinihintay na kami ng school service sa kanto at papasok na kami. Pag uwi na pag uwi ko kinwento ko sa kaibigan ko yung nangyari (Yung kasama ko nung gabi) at nakita din daw niya nung karga-karga yung tatay ng isa pa naming kaibigan.

Para bang ang dating kasi eh pahiwatig na may mamamatay. Naisip namin na siya (Kaibigang hindi kasama) lang naman yung kulang samin. Dun namin napagdesisyunan na wag ng ikwento sa kaibigan namin ang nangyari, baka kasi magalit pa samin. Hindi naman din namin ginusto yung nangyari at wala kaming idea na may mangyayaring ganun. Hindi namin alam kung nagkataon lang ba o hindi. At kung nang gugoodtime lang yung nakadamit ng kamatayan, Shutanginames mo po.

R.I.P sa tatay ng kaibigan ko.

PS. Until now hindi pa din namin kinikwento sa isa naming kaibigan yung nangyari. Baka ngayon malaman na niya. 😣 Wala din kaming third eye nung kaibigan ko kaya hindi namin alam kung ano talaga yung nakita namin.

BruceWayne

Spookify 2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon