Yummy sh*t
Taga province po kami, sa Region 9 to be exact. Ang ikukwento ko po ngayon ay ang naranasan ng aking lolo kulas noong binata pa sila.
Malayo ang bahay nila lolo noon sa sentro ng komersyo, halos 2 days nilang nilalakad yun pag may gustong ibenta o bilhin. Isang araw inutusan si lolo ng kanyang ina (Tawagin nating lola ina) na pumunta sa sentro at ipagbili ang bigas na kanilang naani (Pag may mabibigat na dala, ginagamit nila lolo ang kalabaw pero inaabot pa rin sila ng mahahabang oras sa byahe). Sinama ni lolo ang kanyang pinsan, si lolo tersyo. Madaling araw daw sila umalis noon para malayu-layo na ang kanilang nalakbay pagtaas ng araw.
After daw ng 7 hours na paglalakad, nagutom daw sila lolo so napagpasyahan nila na huminto at kumain sa ilalim ng isang puno.Kumakain na daw sila lolo nang biglang may lumapit na magandang babae at pilit na binibigyan sila ng ulam Ayaw tanggapin ni lolo kulas dahil yun ang bilin ni lola ina, pero matigas ang ulo ni lolo tersyo. Kinain niya yung ulam, so walang magawa si lolo kulas. Nakipag usap daw sa kanila yung babae. Sa sobrang aliw sa pag uusap, di napansin nila lolo na gabi na. Kaya niyaya daw sila ng babae na sa bahay nalang nila matulog, di alam ni lolo bakit siya pumayag. Pagdating daw sa bahay ng babae, sinalubong daw sila ng pamilya at pinakain. Dahil sa pagod at gutom kumain na rin si lolo. Pagkatapos nilang kumain natulog na sila. Sa gitna daw ng gabi, nakadinig siya ng ingay, mga pag uusap. Di muna bumangon si lolo, pinapakinggan niya lang yung mga boses
Non verbatim
Voice1: Galing mo talaga edla. Makakatikim na naman tayo ng masarap at batang laman
Voice2: Siya nga amang
Voice1: Hala sige ihanda mo na ang lutuan at ihahanda ko na ang mga itak.Di alam ni lolo kung ano ang gagawin, ginigising niya si lolo tersyo. Binulong niya ang narinig, takot na takot na sila lolo, binalaan na sila ni lola ina tungkol sa mga wakwak, pero matigas ang ulo nila. Ang tangi nilang naiisip ay tumakbo. At yun ang ginawa nila. Habang palayo sila sa bahay ng wakwak nakita nila ang mga buto, maraming buto, mga damit at iba't ibang gamit. Napagod sila sa kakatakbo, nahabol sila ng wakwak. Di na alam nila lolo ang gagawin. Dinala sila sa patayan nila, dun nila nakita ang mga dugo, laman. Nanalangin si lolo, unang kinuha si lolo tersyo. Nakita niya ang paggilit sa leeg ng kanyang pinsan, nakita niya kung paano baliw ang mga wakwak sa dugo na lumalabas. Pagkatapos daw ginilitan si lolo tersyo binuksan ang tiyan. Kinuha ang atay at puso. Lumapit sa kanya ang isang lalaki, pilit pinapakain ang puso ng kanyang pinsan. Pilit binubuka ang bibig. Nagdasal ng taimtim si lolo umiiyak na siya.
Naalala niya ang lana (langis) na bigay ni lola ina. Kinuha niya yun sa bulsa niya at winisik sa mga wakwak, nasaktan sila. Naghihiyaw. Yun ang pagkakataon ni lolo para umalis, tumakbo siya ng mabilis. Narating niya yung puno kung saan sila kumain. Nakita niya ang kalabaw nila na patay na, wala na ang lamang loob. Umiiyak at takot na takot na tumakbo si lolo, walang lingon lingon kahit naririnig niya ang boses ni lolo tersyo na tinatawag siya. Sa kabutihang palad may tao siyang nakita. Dinala siya sa bahay nila. Dun nanatili si lolo hanggang sa mag umaga dun niya pinaliwanag ang nangyari sa kanila. Sinugod nila lolo ang lugar ng mga wakwak pero wala ng tao dun, kundi ulo ni lolo tersyo sa pwerta ng bahay. Na may nakasulat ""Lami ba ang kasing kasing sa imung ig agaw?""
(Masarap ba ang puso ng iyong pinsan?)Worstkiddo

BINABASA MO ANG
Spookify 2017
HorreurTotoo ba talaga ang mga Multo?Aswang?Demonyo?Engkanto?O kung ano ano pang masasamang nilalang?Alamin natin ang ibat ibang storya ng ating mga spookifiers na nakaranas ng mga ka kilakilabot ma mga karanasan nila!