White House and the big tree

3.9K 68 0
                                        

Puting Bahay at Malaking puno

Itong kwento na ito ay base mismo sa totoong karanasan ko. Ako ay nakatira sa magandang bayan ng Guinayangan sa Quezon Province. Nangyari ang kakaibang karanasan ko sa bahay ng tita ko doon. Ang bahay ay malaki, kulay puti, may dalawang palapag at may punong malaki sa gilid nito na kung summer ay namumulaklak ng kulay puti. Mabango ang bulaklak, ngunit kapag ito ay nalanghap mo ng matagal bigla ka nalang mababahing at sasaktan ng ulo o kaya naman ay ng tiyan. Marami ng manggagamot na nakakita sa punong yun ang nagsabing kakaiba ang punong yun, ang eksaktong sinabi nila ay ''PALASYO IYAN NG MGA MALIGNO''. ilan lang yan sa mga madalas nila sabihin. Syempre kaming mga taga roon ay natatakot. Parang totoo nga ang sinabi nila dahil palaging laman ng panaginip ng tita ko ang punong yun. Sabi nya napanaginipan daw nya ang puno at sa loob daw ay masasaya sila, nagkakainan, tumatawa. Palasyo daw talaga nila iyun. Marahil nga siguro kaya hindi iyun natutumba kahit ilang bagyo pa ang dumaan ay dahil sa matibay na pagkakahawak ng mga maligno o engkanto sa loob noon. 
Isa ko pang karanasan doon. Isang beses naglalaro kami ng mga pinsan ko sa taas. Sa taas kasi ay may terrace din at paglabas mo sa terrace mahahawakan mo na ang puno dahil malapit na yun dun, imagine ganoon na kataas ang puno lagpas na sa bahay na malaki. Then yun na nga naglalaro kami tapos palibhasa mas marami akong pinsan na lalaki kaya nagkasundo sila na ikulong ako sa terrace. Ikinulong nila ako sigaw ako ng sigaw pero iniwan nila ako hanggang sa dumating ang gabi. Tapos naalala siguro ako ng mga animal kaya binalikan nila ako pero nakaub-ub lang daw ako, yung parang natutulog ganun kaya akala nila tulog daw ako pero alam nyo hindi nila ko pinagbukasan ng pinto ha! Tapos kinaumagahan binalikan nila ako pero laking gulat daw nila na WALA na ako don! Hinanap nila ako sa mama ko tapos sabi ng mama ko '' Ha? Bakit hinahanap nyo si kulot? Tulog pa sya e nasa bahay. Bakit? : O nagtaka ang mga pinsan ko kung paano ako nakauwi sa bahay e kinulong nga nila ako. Tapos ako nagulat din ako na nasa bahay nga ako. Ang naalala ko lang kinulong nila ko tapos ayun wala na ko maalala. Tapos sabi ng kapitbahay namin nakita daw nya ako naglalakad pauwi samin bandang 8 ng gabi naka yuko lang. Huuuu : O kahit ako hindi makapaniwala sa nangyari pero totoo po yun. Sabi ng albularyo ang nakatira daw sa puno ang may gawa. ''Dalawang klase ang nakatira sa puno neng grupo ng mabuti at mabait.'' totoo pala talaga yun? Hindi ako makapaniwala pero salamat dahil hindi nila ako pinabayaan lamukin dun HAHAHA. May isa pa akong naranasan actually marami e puro sa bahay ni tita malaki kasi parang haunted. Di yun nga nandun ako kami lang ng mga kapatid ko tao dun. So bali ako nasa kwarto lang alaga ko yung bunso kong kapatid, tapos nag iingay sya then yung tatlo ko pang kapatid nasa sala ata naka lock kasi yung pinto namin sa kwarto e, tapos maya-maya biglang tumahimik yung parang kahit hininga mo maririnig mo ganun. Tapos kunti pa then may kumatok sa pinto ng kwarto kasi nga nandun ako tatlong beses yun tandang tanda ko 'tok!tok!tok!' sinagot ko naman sabi ko teka lang kasi akala ko mga kapatid ko then paglabas ko shit bess walang tao sarado lahat ng pinto kahit yung pinto sa kusina umalis pala mga kapatid ko. Hinanap ko kung may tao, pumunta pa ko sa taas effort ko no? Pero wala kong nakita, hinanap ko kapatid ko nasa kapitbahay pala. : O shit sa takot ko binuhat ko kagad baby sister ko kahit wala kong tsenelas karipas na ko ng takbo bess. Kinabukasan nakita ko yung manggagamot nakwento ko yung nangyari sabi nya dapat daw hindi ko sinagot kasi baka daw mabitag nya ko at gamitin katawan ko para makapunta sa mundo ng tao yung engkanto. Natakot ako kaya ayun hindi na ko nagsstay dun lalo na kapag mag isa lang ako. Tapos ayun napansin ko masyado na palang mahaba istorya ko kaya next time ulit. Marami pa kong naranasan dun. Thank you sa pagbasa lammyuu :* :* ingat ka baka nakikibasa rin sya :)"

Kulot 
Quezon Province

Spookify 2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon