Paupahan

2.7K 49 0
                                        

PAUPAHAN

Hello. I just wanna share my experience sa batangas way back 2013.

Sa inuupahan namin. Unang kita ko pa lang don iba yung aura sa kwarto sakin. May kakaiba na di ko maintindihan, basta mabigat sa pakiramdam. Syempre wala na rin ako magagawa kasi nga nakikitira lang din ako sa kanila. Edi yun na nga nakalipat na.

Unang gabi nagising ako, tinignan ko kung anong oras sa cp ko, saktong 2am na. May part sa kwarto na di ko bet ang aura, di ko alam kung bakit. Tulog ulit ako.

Mga ilang araw ang lumipas laging ganun, nagigising ako ng 2am. Tapos kinaumagahan naglaba ako, may lumapit sakin na matandang babae, siguro mga nasa 60s or 70s yun. Sabi nya "Ineng wala ka bang nararamdaman dyan?" Kahit gusto kong sabihin na meron itinanggi ko. Sabi ko "Wala naman po". Sagot nya "Ahh ganon ba. Alam mo dyan sa baba naman kami nakatira dati, dyan sa tapat na yan kung san ka naglalaba." (By the way may baba kasi to so kami nasa taas nangungupahan). Sabi pa nya "Lumipat na kami dito sa kabilang kwarto." Tapos mahaba haba na rin ang napag usapan hanggang sa natapos ako maglaba.

*Gabi na naman*

Di na ko nakatiis kasi may naririnig akong may naglalakad. Gabi gabi yan (Nga pala 5 kwarto yung sa taas at kami lang ang nakatira don, sa 4 na kwarto bakante kaya tahimik samin). Tapos nagkaroon ng work yung isang pinsan ko so bali tatlo kami, yung dalawa may work na. Ang oras ng work nila 3am sa palengke kaya pag aalis sila, ako nalang ang naiiwan sa kwarto. Unang beses na ako lang mag isa sa bahay. 2:30am nakaalis na sila, sobrang nakakabingi ang katahimikan nun. Nakatulog na ako pero patay ilaw nun e nagising ako nang may naaninag ako na bata. Oo BATA po, nakatabi sya sakin, akmang hihiga sa tabi ko. Pumikit ako ng nagmura, di ko alam kung sa isip ko o lumabas sa bunganga ko ang mura na yon. At yung ulo ko lumalaki na masakit na ewan tapos nung pagdilat ko nawala na sya. Ang ginawa ko kinapa ko yung gilid kung saan hihiga yung bata pero syeeet dingding ang nakapa ko. Pero kanina nung nakita ko yung bata alam ko na parang ang laki ng space nun. Di ako nakatulog nun.

Kinaumagahan di ko nalang masyado iniisip yun. Hanggang sa gumabi na naman. Tapos tulugan na. Nagising ako ng 12mn nun, may naaninag akong puti na malaki tapos hugis tao. Ang ikinatakot ko umaangat yung likod ko at nung nakita ko nga sya bigla akong bumagsak pero walang ingay at di masakit. Natakot ako, umiiyak ako ng palihim, alam ko nanginginig na ko nun. Jusme! Hanggang sa nagising na mga pinsan ko at nakaalis na sila, nilolock na kasi nila yung pinto para di na ko bumangon. Ayun nga hanggang umaga akong gising. Meron pa yung natutulog ako na hinila ng bigla yung paa ko. Nakakabaliw yun. Sobraaaaa!

Di na ko nakatiis, kumatok ako kila nanay nun kung san sila nangungupahan na kwarto. Anak din kasi nya sa palengke din nagwowork so sila nalang ng apo nya ang natitira.

Kumatok ako *tok tok tok*

Ako: Nay, si april po ito yung nakatira sa kabilang kwarto.
Nanay: Oh bakit?
Ako: Baka pwede po na dito po ako makitulog?
Sya; Oh sige pasok pasok.

Hanggang sa sinabi ko na sa kanya mga naranasan ko dun. May nakwento din sya sakin na dun sa dati nilang kwarto dun sa tapat kung san ako naglalaba, yung apo naman nya ang ginagambala. May nakikita daw apo nya na MUMU. Tapos may part ng kwarto nila na dun palagi nagtuturo ang apo nya hanggang sa nilagnat nalang daw to at dinala sa hospital. Di gumagaling yung apo nya at nagpasya na sila sa albularyo na dalhin.
Nung nakita na sila ng albularyo

Albularyo: Oh nakakagulat naman ang kasama nyo ahh ang laki naman ng bisita ko.
Nanay: *Nagtataka* Papagamot sana namin yung apo ko.
A: Oo nga alam ko, kasa kasama nyo nga sya e.

Tapos nagdrawing yung albularyo. Nang ipakita sa kanila nagulat sila ng sobra dahil malaki ito at may nakapalibot na apoy sa buong katawan at may sungay daw. Kaya binigyan yung apo nya ng pangontra kasi lapitin daw yung apo nya.

Kaya alam nyo ayaw ng apo nya na nakikita nya yung laruan or cartoon character kasi MUMU daw yun. Diba si elmo mapula ang balahibo nun kaya ang tingin nya dun mumu daw.

Ayun lang. Sa totoo lang ang dami ko pang naranasan don e kaso sa susunod nalang yung iba. Hehehe. Good night po.

AJS

Spookify 2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon