Sleepwalker
""A ghost from the past, part to a world to which she no longer belonged but had never stopped missing""
Hi spookify! Hopefully mapost na ito after 3 months of waiting. Ang kwentong ibabahagi ko po sa inyo ay kwento ng kaibigan ng tita ko, si tita Claire (Hindi tunay na pangalan). Isa siyang guro, katulad ng lahat ng tiyahin at pinsan ko. Masiyahin siyang kasama at laging may dalang pasalubong tuwing dumadalaw dati sa bahay ng tiyahin ko kung saan kame laging nakatambay. Kaya gustong gusto rin namen siyang makasama, madalas rin namen siyang kuliting magkwento ng katatakutan pero madalas din siyang humindi dahil wala naman raw siyang maikwekwento. Pero may isang beses na maluwalhati naman siyang nagshare ng isang kwentong nakapagpabago raw sa buhay niya. Hindi ko alam kung gaano to katotoo pero it just creeps me out every time naaalala ko to:
Nagsimula ang lahat, taong 1998 nang makakuha ng isang bagong teaching job si tita Claire sa isang bayang malayo sa kanila (Hindi ko maalala yung lugar e). Para makasave ng pera e nagrenta si tita ng isang maliit na bahay, dito nya nakilala si Stephanie, roommate niya. Mabait naman raw ito at nagkaigihan din naman silang dalawa. Dahil isang linggo nalang e magsisimula na ang pasukan kaya naman pagkalipat na pagkalipat ay nag ayos na siya ng gamit. Dito nya nakita ang mga lumang litrato ng tatlong lalaking nakasuot ng pangnurse na nakaupo sa sala ng bahay. Dahil sa tingin nya e mga dating tenant rin eto ng bahay, itinabi nalang niya ang mga litrato kesa itapon. Bilang respeto na rin sa pagkakaibigan nilang nabuo sa bahay na yun.
Nung unang gabi na pagstay nya sa lugar na yun e nagising siya sa gitna ng gabi dahil sa ingay sa baba. Agad daw niyang binuksan ang ilaw at kumuha ng flashlight para tingnan kung saan galing ang ingay, nakita nya roon si Stephanie na nagslesleep walking. Tinawag niya raw ang pangalan neto ngunit hindi naman gumising kaya binabaan niya na at tinapik ang balikat neto at tuluyan na rin naman siyang gumising. Nagsorry lang ito at nagsabing first time nya raw magsleep walk. Nanginginig ito habang nagkwekwento, nakakatakot raw ang napanaginipan niya, sa panaginip nya raw, nasa hospital siya. Doon raw e may babaeng nakahawak sa kamay niya, isang pasyente. Hawak-hawak raw neto ang kamay nya na tila ba gustong may ipakita sa kanya habang naglalakad sila sa hallway.
Kinaumagahan, nagtry magjogging si tita sa kalapit na abandonadong bldg. na malapit lang sa bahay na nirerentahan nila. Malaki ang bldg., basag ang mga bintana at nakalock ang mga pintuan ng mga malalaking chains. Walang sign sa labas pero mukhang dating hospital raw ito, tinry nya pa raw tingnan pero parang may sumilip raw na babae sa bintana ng second floor kaya naman tumakbo nalang siya sa takot palayo rito.
Kinagabihan raw e nag inuman silang dalawa ni Stephanie, nanood lang raw sila ng movie at nagkwentuhan tungkol sa buhay-buhay. Nakwento ng tiyahin ang mga lungkot sa buhay nya noong naghiwalay sila ng ex niya na nagsilbing. Dahilan para maopen rin ni Stephanie na dati raw ay nagkaroon siya ng mental breakdown dahil sa pagkamatay ng magulang niya sa isang aksidente at nag undergo daw siya ng medication. Pero aniya e ok na siya at lahat naman ay nasa nakaraan niya na. Medyo natakot si tita Claire dito dahil syempre kakakilala nya lang rito. Pagtapos nilang uminom e natulog na rin sila.
Nagising na naman si tita nang may marinig siyang mabasag sa baba ng bahay at bumukas ang pinto. Agad-agad niyang binuksan ang ilaw at tumingin sa bintana. Doon nakita niya si Stephanie na naglalakad na naman pero this time, palabas na ng gate nila. Tinawag niya raw pangalan niya pero ayaw niyang lumingon kaya agad-agad si titang bumaba.
Nang maabutan niya na ito e papasok na ito sa abandonadong bldg., dahil wala ng gising sa oras na yun at takot rin siyang pumasok ay sinubukan niya nalang tawagin ng tawagin si Stephanie pero sa di malamang rason ay di pa rin ito magising gising. Sinubukan nyang pumasok sa bldg. pero dahil sa dilim e hindi na rin niya makita si Stephanie. Kahit raw nakakahiya e ginising nya ang mga kapitbahay, agad-agad silang tumawag sa pulis para mahanap si Stephanie na hindi naman nagtagal e nakita rin nila sa bintana na aktong tatalon na raw. Mabuti nalang at naabutan nila at pinigilan nila.
Nang mahimasmasan si Stephanie, naikwento niyang nanaginip na naman siya na nasa hospital siya at lahat sa paligid niya ay nasusunog. Kaya raw siya tatalon dahil pinapatalon na siya ng tatlong nurse na kasama niya dahil wala na raw mapupuntahan at matatakbuhan. Nanginginig sa takot ang lahat nang makarinig ng kwento. Dito nakwento ng mga kapitbahay na nasunog pala ang hospital, mental hospital na pumatay sa lahat ng nasa loob na hindi nakatakas kasama ang tatlong nurse na dating nakatira sa bahay nila.
Hindi na tumagal si tita Claire sa bahay gayong wala pa silang isang linggo sa pagstestay sa bahay na yun. Kinabukasan ay bumalik nalang siya sa bahay nila habang si Stephanie ay umuwi na din raw sa kanila.
Sabi ni tita, mukhang hindi pa raw nakakamove on ang mga namatay sa sunog kaya hanggang ngayon, nag iimbita pa rin sila ng makakasama sa bldg. na yun. Kung ikaw kaya nandun, sasama ka rin ba?
AninoMoAko
BINABASA MO ANG
Spookify 2017
TerrorTotoo ba talaga ang mga Multo?Aswang?Demonyo?Engkanto?O kung ano ano pang masasamang nilalang?Alamin natin ang ibat ibang storya ng ating mga spookifiers na nakaranas ng mga ka kilakilabot ma mga karanasan nila!