Tulak Pa

1.6K 29 0
                                        

TULAK PA. 

Hi. Iam23 again. Second time ko na mag share sana mapost po ulit.. my first was ""Kupit"". Hi admins sana mapost po ulit to. Tia.
So eto na nga, March 2014 my uncle (Mom's brother) died. Dun sya binurol sa Chapel ng Parish Church sa Gagalangin Tondo. So since chapel nga sya marami nang naiburol dun.. medyo creepy lalo na pag walang gaanong tao. During that time.. i was preggy and due date ko na the following month. So hindi ako pwede masyado mapuyat so yung parents ko together with my eldest nauwi kami after midnight. My hubby was on board that time kaya hindi sya kasama sa story hehe.  Yung burol ng Tito ko lasted for more than a week di ko sure kung 8 days or what basta medyo matagal sya dahil na din sa request ng anak nya siguro hindi pa sila ready mag let go nun time na yun. Edi eto na nga, siguro mga pang 3rd night na nya nakaburol nun.. my Mom decided na magstay kami hanggang mga 2am. Tapos nun ngang mga 2am nag aya na sya umuwi dahil siguro antok na din sya.. so ganito umuwi kami sa bahay namin sa R.Papa ang pinaka madaling way nya is yung sa Hermosa tas paakyat ng Limay.. yes paakyat po sya medyo hirap ang mga trike at kuliglig lalo na pag kasing heavy ko ang sakay hehe. So eto na tumawag na kuliglig si Daddy ko. So sya yung nasa likod ng driver. Tas ako un unang pumasok then ung eldest ko then si Mudra. Hindi ko maalala kung naka kalong sa Mom ko ung anak ko or nkaupo sya dun sa pasobrang silya ung sa gilid. Tapos nun on the way na kami sa Hermosa nga sya dumaan ok naman un hatak ng motor ni Manong. Tapos nung nasa Limay Street na kami un part na hirap talaga un mga trike medyo nahinto si manong driver.. tas sabi ni Mommy sa kanya kung bababa muna kami para hindi sya mahirapan sabi nya wag na ok lang daw.. yung daddy ko naman walang kibo sa likod nya deadma lang.. edi yun na nga nakaalis kami dun sa paahon na part na yun medyo mabagal nga lang.. madaling araw na yun ha.. as in parang wala ng tao sa street kaya medyo takot din ako hehe so ayun nung nakalagpas kami dun sa paahon nag salita yung manong driver sabi nya ""salamat ho sa pagtulak.."" So ako napatingin kay mudra actually halos sabay kami nagkatinginan.. kasi wala naman talagang tao that time at kung meron man dapat narinig namin or naramdaman man lang na may tumulak sa likod namin. So ayun nagkatinginan kami pero deadma lang.. pagdating ng bahay siguro masyado na kaming pagod lahat pinili na lang namin matulog at ipagpabukas na ang kwentuhan.
Kinabukasan nag aalmusal kami kasi sabi ni mudra maaga daw kami bumalik dun sa burol ng Tito ko.. tinanong ko sya kasi di ko na matiis.. waaah
Convo:
Me: Ma naalala mo kagabi pauwi tayo..
Mom: anu?
Me: yung pauwi tayo may tumulak ba talaga dun sa kuliglig na sinakyan natin paahon sa Limay?
Mom: yun nga eh iniisip ko din un..
(Sakto naman dumating ung daddy ko naupo kasi kakain na din sya tinanong sya ng mudra.. )
Mom: huy kagabi ba nun pauwi tayo tinulak mo un kuliglig dun sa may limay??
Dad: HINDI!! Nagulat na nga lang ako nagsalita yung manong.
Mom: eh sino yung pinagpasalamatan nya?!?
Dad: ewan ko nga. Nagtataka nga ako kasi wala naman ako nakitang tumulak dun sa tryk!!
Mom: wag ka nga magbibiro ng ganyan!!!
Dad: bakit nakikipag biruan ba ako??
Waaaah ako nakatingin lang sa kanila ung feeling na nagimbal ka ganun para kang na freeze na maiihi ka sa takot.. kala ko mapapaanak ako nun hahaha sa takot. So ayun alam ko naman si Tito yun tumulong dun sa manong.. dahil nung nabubuhay pa siya matulungin talaga siya sa mga tao.. makikita mo sya sa kalye madalas. At dahil nga matulungin sya lagi syang first kagawad. So ayun yung takot napalitan ng pagka miss namin sa kanya.
Till here nalang po. Next time na yung iba ko pang story!! Sana ma post to admin please please. Hehe thank you!

Iam23
Tondo Manila.

Spookify 2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon