Road trip
Hello spookify. So here's my second story, nangyare lang to last October 2016. Bale rest day namin nun ng office mate ko, itago na lang natin sya sa pangalang "April".
Around 7pm nun nang niyaya nya kong magchill, pumayag akong sumama sa kanya kasi nga broken hearted ako haha <\3 So ayun nga nagchill kame sa likuran ng 4x4 nyang sasakyan hanggang 12:30. Uuwi na sana kame pero tumawag yung bf nya para makipagkita sa may shopwise sa A*******. Dahil nakahiligan na naming tatlo ang magroad trip, nagdecide kaming pumunta ng *****. Somewhere in zigzag bigla na lang huminto yung kotse namin. Hindi namin alam yung cause ng paghinto ng sasakyan pero wala na masyadong sasakyan na dumadaan nun. Madilim at medyo tahimik sa lugar na yun.
April: Babe ikaw na lang magdrive, hindi ko kasi masyadong kabisado yung daanan eh.
Tapos yun na nga nagstart na ulit kaming bumiyahe. Nag iba na yung feeling ko nun nang makalagpas na kame ng zigzag. Yung feeling na 3 lang kame sa loob pero parang ang bigat bigat na ng sasakyan. Wala na samin nagsasalita nun habang bumabyahe pero kita ko sa mga mukha nila na may bumabother. 2:30 am na nang makarating kame somewhere in *****. Nagstop over kami sa isang lugawan, sabi kasi ng bf nya masarap daw lugaw dun pati para mawala yung antok namin. Pagpasok namin sa loob ng lugawan umupo kami dun sa may bandang bintana para kahit papano kita namin yung kotse.
Ako na yung pumunta sa counter pra umorder ng lugaw. Nung nakuha ko na inorder namin may mag asawa na nakatitig sakin habang naglalakad papunta sa table ng mga kasama ko. Tahimik lang kami habang kumakain pero hindi ko maiwasang mapatingin sa sasakyan ni april. Yung parang may mali, parang may mga tao sa loob ng sasakyan bukod samin. Tapos na kaming kumain ng lugaw at nandun na kami sa parking area ng lugawan. Pero bago pa kami pumasok ng sasakyan nagyosi muna kame pampababa ng kinain. Maya maya lumapit na samin yung mag asawa, tinanong kami ng babae
Lady: Saan punta nyo mga anak?
Me: Sa ***** po.
Lady: Wag na kayong tumuloy sa pupuntahan nyo, basa ang kalsada at madulas ang dadaanan ninyo.
Bf: Ayus lang ho, kabisado ko naman po ang daanan papunta doon.Habang nag uusap yung bf ni April at yung babae lumapit naman yung lalaki dun sa sasakyan namin.
Man: Ayaw nilang bumaba.
April: Sino po?
Man: Yung mga nakaangkas sa inyo.My God! para akong nagyelo sa sobrang takot ko, hindi ako makagalaw saka makaimik.
Lady: Mga anak pakiusap ko sa inyo na wag na kayo tumuloy, baka ikapahamak nyo pa iyan.
Pero makulit yung bf ni april, binalewala lang nya yung mga sinabi ng mag asawa. Ayoko na sana talagang sumama sa kanila kasi nga natatakot ako. Pero wala akong choice, pag may nangyari kay april malalagot talaga ako. So ayun ako yung last na pumasok sa sasakyan. Katabi ko si April dun sa back seat at mag isa lang sa harapan yung bf nya.
Me: Kyle wag na kaya tayong tumuloy.
Kyle: Wag kayong maniwala dun, modus lang nila yun.May point naman si Kyle sa sinabi nya pero iba na talaga pakiramdam namin ni April. Ayokong ipakita sa kanila na takot na talaga ako kaya nanahimik na lang ako nun. Nasa madilim na part na kami ng kalsada nun tapos biglang nagpatay sindi yung head light ng sasakyan namin. Sh*t iba na talaga to, naiiyak na ko nun pero pinipigilan ko na lang. Bigla na lang din tumugtog yung radio ng sasakyan pero garalgal yung sound. This can't be real para akong mamamatay sa sobrang takot. Tahimik lang kami sa kotse habang umaandar, tunog lang ng radio ang maririnig mo sa loob. Huminto bigla yung ingay ng radio at bigla na lang napayakap ng mahigpit sakin si April. My God kitang kita namin ni April na may babae na sa tabi ni Kyle. Tumatawa yung babae ng napakalakas, para akong mabibingi. Gusto kong buksan yung pintuan para tumalon pero nanghihina ako. Wala kaming magawa ni April. Sa sobrang takot ni Kyle nun nawalan sya ng kontrol. Kaya ayun nahulog kami sa isang kanal sa tabi ng daanan. Nakatagilid kaming lahat sa loob ng kotse, sa totoo lang hindi ko alam gagawin ko. Kung lalabas ba ako para humingi ng tulong o umiyak na lang sa loob ng kotse. Mga 2 minutes din kaming walang imik sa loob ng kotse, narinig na lang namin na may humintong motor malapit sa sinasakyan namin. Tinulungan nila kaming makaalis dun sa kotse. Take note yung nakasakay sa motor eh yung mag asawang nagbabala samin.
Nagpapasalamat talaga kami sa kanila dahil tinulungan nila kami. Hindi lang daw yung babae ang nakasakay sa loob, marami daw talagang nilalang. Mga bad daw yun sabi ng babae. Pero pasalamat na lang talaga ako ayun lang ang nangyare samin.
Sa mga readers mag ingat po kayo pag nagttravel. Irespeto natin ang ating mga dadaanan para maging safe ang trip natin.
Fafadoms
BINABASA MO ANG
Spookify 2017
HorrorTotoo ba talaga ang mga Multo?Aswang?Demonyo?Engkanto?O kung ano ano pang masasamang nilalang?Alamin natin ang ibat ibang storya ng ating mga spookifiers na nakaranas ng mga ka kilakilabot ma mga karanasan nila!