Jackie Chan St.

5.4K 110 10
                                    

Jackie Chan St.

Kumusta? Tawagin niyo nalang akong Sandro. Hindi ko alam ang spookify at hindi rin ako makapagpost dahil wala naman akong internet. Nakakakuha lang ako ng istorya dito dahil sa kwento o kinokopya nila ang istorya dito at ginagawang compilation ng ebook na naipapasa nila sa akin. Ngunit wala naman silang binabago dahil nakita ko na rin minsan yung kwentong nabasa ko mula sa ebook dito. Hindi ako bakla, mahilig lang akong magbasa. Hindi rin defensive. Keye mekeneg ne keye se kwente ke oke?

Kahit estudyante pa lang ako ay may motor na ko at lisensya. Simple lang ako at ang pamilya ko ngunit sa isang village kami nakatira. Nung binili kasi namin yung lupa ay hindi naman gaanong mahal. Sa Jackie Chan St., kung saan kami nakatira ay may maririnig ka talagang kwento ng kababalaghan. Masasanay ka nalang dahil halos araw-araw kang makakarinig ng kwento sa lugar namin na kesyo may nakikita raw silang pagala-galang aso na kasing tangkad ng tao na may mapupulang mata. O di kaya may maririnig kang pagaspas ng isang ibong malaki kung sumapit ang alas tres ng madaling araw. Ilan pa lamang yan ngunit ang pinakasikat na kwento na aking narinig ay ang matandang talukbong. Hindi nila malaman kung elemento ito o sadyang ibig lamang manggambala. Kada uuwi ako galing eskwela at gagabihin ay hindi ako dumadaan sa mismong 'JC St.' dahil natatakot rin ako. Nakakapangilabot naman talaga. Dun ako dumadaan sa Hollywood St. dahil mas mailaw doon at may mga tao pa.

Isang araw, hindi ko inaasahang malelate ako ng uwi dahil gumawa kami ng project sa bahay ng kaklase ko. Ibig ko sanang dumaan sa Hollywood St. ngunit sarado ito dahil nililinis ang drainage. Wala akong ibang magagawa kundi dumaan sa sinasabing kilabot na daan. Matapang ko itong sinuong. Nang mapatigil ako sa tindahan ni Aling Maring ay naisip ko na ako'y malapit na. Hindi na rin kasi ako sanay na dumaan dito kaya ito nalang ang palatandaan ko. Umikot muli ako at nakita kong muli ang tindahan ni Aling Maring. Naisip kong baka nagkamali lamang ako ngunit naulit pa ito ng ilan pang beses. Nagsimula na kong kabahan lalo nang makakita ako ng matandang mabagal na naglalakad. May talukbong itong belo at may dalang tungkod. Alam ko, ito na sya. Ang matandang talukbong. Sinimulan kong i-start ang aking motor. Hindi gumana ang makina.

Nang mapatingin muli ako sa daan ay wala na ang matanda. Nasan na ito? Ako'y nagpalinga-linga at nakita ko itong nakatingin mula sa bubong sa itaas. Papanong nakaakyat siya roon? Hindi ko alam ang aking gagawin, namamawis ang aking mukha at nanginginig ang aking mga tuhod. Nang biglang tumalon sa akin ang matanda at kinalmot ang aking leeg, ramdam ko, mahapdi. Pinilit kong itong pigilan. Sinasalag ko ang mga braso ko. Nakakatakot ang hitsura nito. Wala itong mga ngipin dahil nakabaon ang ngipin nito sakanyang pingi. Wala rin itong mga labi, marahil sagabal sakanyang pagkain at ang mga mata nito ay maliliit, at may marka itong hugis tatsulok sa gilid ng noo. Nakakatakot ito. Nang isang beses na hindi ko ito masalag, agad niyang binaon ang kuko niya sa aking pisngi at doon na lahat naging itim.

Nagising ako sa bahay nila Aling Maring. Nakita ko ang ilan nilang kapitbahay at si mama at papa. Umiiyak sila. Nang iaangat ko na ang ulo ko, agad akong nakaramdam ng hapdi.

'Sandro, wag ka munang kumilos. Sariwa pa ang sugat mo dahil nakita kitang nakahandusay dyan sa daan.' sabi nito

'Ayos lamang po.'

'Alam mo ba iho? Balita ko, ang pinagpapakitaan lamang ng matandang talukbong ay ang mga taong hindi naniniwala sa Diyos. Naniniwala ka ba, iho?'

Hindi ako nakasagot sa mga sandaling 'yon. Hindi talaga ako naniniwala sa Kanya. Ngunit ang hindi nakapagpagalaw saakin ay ang aking nakita. Nang hawiin ni Aling Maring ang kanyang buhok at isinilid sa tenga, nakita ko ang isang tatsulok na marka.

Sandro

Spookify 2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon