Hi sa inyong lahat. Itago nyo nalang ako sa pangalang DONUT at ang kwentong ise-share ko ay real life experience ng aking lola at noong hindi pa ako pinapanganak dahil bata pa ang mama ko. Bale naikwento lang po ito sakin ni mama.
Laging nagtatrabaho si lola tuwing hapon hanggang sa madaling araw para magbenta ng kung anu-anong pagkain sa isang lugar (diko na po sasabihin kung asan siya nagtatrabaho kasi ayaw kong ma-judge ang pamilya ko. Basta sa lugar na pinagtatrabahuan niya may pwesto siya doon para magtinda). Dahil sa madaling araw umuuwi si Lola ay expected na walang katao-tao sa kalsada tuwing uuwi siyang mag-isa. Kadalasang naglalakad si lola pauwi ng bahay dahil kaya rin namang lakarin at halos wala na rin kasing masasakyan. Matapang ang lola ko kaya hindi siya natatakot ng mag-isa. Sabi nga ni mama lagi itong may dalang flash light at itak para makita ang dinaraanan at para makapaglaban kung may masamang tao.
Bago makauwi sa bahay si lola ay may nadaraanan siyang ilog (Taga probinsiya po si Lola). Wala namang poste ng ilaw doon kaya yung flashlight lang ang gamit ni lola.
Habang naglalakad si lola may naaninag siyang lalaki sa di kalayuan (naaninag niya po dahil sa silaw ng buwan). Hubo't hubad ang lalaki habang may pinapahid na kung ano man sa kanyang katawan.
Kahit na kinakabahan na si Lola ay nagpatuloy pa rin siya sa paglalakad dahil gusto niya ng malagpasan ang lalaki. Laking gulat nalang ni lola ng biglang nagpalit anyo ang lalaki.
Naging isang malaking baboy damo ito at agad na tinignan nito si lola gamit ang kanyang mapupulang nanlilisik na mata.
Agad na tumakbo si lola at nilagpasan ang malaking baboy damo, na hinabol naman siya. Sobrang natataranta na si lola na kahit hindi niya gaanong nakikita ang tinatapakan ay patuloy pa rin siya sa pagtakbo.
Laking pasasalamat nalang daw ni lola ng makaabot siya sa bahay ng buhay. Paulit-ulit niyang kinatok ang pinto hanggang sa maalipungatan si mama, na sobrang nagtataka naman ng makita niyang hingal na hingal si lola.

BINABASA MO ANG
Spookify 2017
HorrorTotoo ba talaga ang mga Multo?Aswang?Demonyo?Engkanto?O kung ano ano pang masasamang nilalang?Alamin natin ang ibat ibang storya ng ating mga spookifiers na nakaranas ng mga ka kilakilabot ma mga karanasan nila!