MAMA

1.6K 34 0
                                    

MAMA

Hello admins! Its me again hahaha so, kwento ko nangyare after dalawang araw non :D Tinanong ko pa talaga sa boyfren ko yung mga dates.
Everytime kasi naoopen-up yung mga scary stories yun lang yung karanasan ko eh. Di ako mapakaling i-share kasi, ako na mismo nakakita. Okay eto na.

Restday ko non, yung mga tropa ko nag roadtrip mag sa'stop-over lang raw sila sa beach para magpalipas ng gabi. Di nako sumama kasi nga yung boyfren nagyaya gumala kaya kami nalang tutal lagi ko namang kasama mga tropa ko sa bahay. Text ako ng text sa mha mokong kung makakaya ba nilang umuwi kahit late na eh hindi raw talaga.
Di rin pwede boyfren ko kasi walang kasama mama nya don sa kanila. Late na umuwi boyfren ko nun para samahan ako dun. Paulit-ulit sya sa mga payo. Lock yung room mga pinto ganon. Sa isipan ko, nasa loob naman ang mga kriminal (if you know what I mean) tango naman ako ng tango. Sya talaga yung nagsaksak nung extention wire non saka kitang-kita nya na chinarge ko yung cellphone ko.
Nakagawian ko na kasing mag charge pagpatulog nako kahit anong antok ko. Nung naka alis na sya, wala talaga sa utak ko na baka gambalain ako kasi ako nga lang mag-isang matutulog don na time na yon dun. Inantay nya muna akong makatulog kasi nga magkachat kami non.
I woke up as.in pagtagilid ko nasa gilid na ng unan ko yung Extension-wire pati yung charger saka phone ko. Antagal nag sink in sa utak ko sobra. Umupo pako sa gilid na kama kinukusot ko pa mata ko. Tapos napasinghap ako na singhap talaga?
Napatingin ako sa gilid ko naka hiwalay na yung charger kot phone!? As-in dahandahan talaga akong humiga saka inopen phone ko pagtingin ko 3:02. Hinding hindi ko makalimutan bawat ditalye non. Pinilit ko na matulog kaso hindi ako makatulog talaga. Feeling ko may nagmamasid sakin. Chinat ko bf ko tas tinext ko pa mga tropa ko nun. For them to know na nagising ako ng time na yon. Nagtalukbong ako ng kumot. Flowerish na kulay bluegreen yung kumot kaya hindi kita kahit anino. Yung feeling na may nakatingin sakin sa bandang paanan ko. :(
Damn. Remembering that scene's still giving me massive goosebumps. Pagkatingin ko maniwala kayo o sa hindi lakong pake mga bes! Puti lahat ng muka nya na sobrang laki ng itim sa mata nya. Yung buhok nya konti lang na kulay puti pero medium length pero I know itchura non lalake. Nag eye to eye kami ng hayop pero nasa paanan ko syang talaga. After minute nagawa ko na mag talukbong. Pero parang may umaano sakin na tingnan ko ulit, this time nasa may bewang ko na sya. Putspa! Kung pangit kayo? Mas pangit sya! Ganda ko e.
Seryoso, nag-iiyak iyak nako non nagtalukbong agad ako. Iyak na wala kang maririnig pero nag wawala nako sa iyak?
Hanggang sa nagdasal nako ng todo. And you know what makes me Calm? :)
Yung Mama ko na pumanaw na :) pagka sabi na pagkasabi ko ng name na mama ko, lumitaw kaagad yung mukha nya sa paningin ko. And everything went blank. Gumising nalang sakin yung katok ng mga tropa ko sa kwarto :) Kinwento ko sa bf saka tropa ko yun. Pinagalitan ako ng tropa ko bat raw sa kwarto ako natulog eh wala akong kasama dapat sa sala o sa sofa nalang daw. Haha! Yung bf ko naman, ayaw nakong patulugin dun ng walang kasama. Answeet no? Pero sarap paghahampasin kasi iniwan ako mga leche hahahaha!
Pero seryoso? Pray po tayo always and never forget our love ones! Kay mama ko, Iloveyou mang! I know, youre guiding me :*

PS: Malapit na pong bday ni mama. Ngayong newyear. Pray nyo rin po sya. Baka dalawin kayo nyahahahaha :*
Spookify more power! :*

-Ashe
Tagum

Spookify 2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon