Ang Pasahero

1.7K 28 1
                                    

Hello, fist time sender here. I want to greet you a happy reading at mabuhay kayo! Well nabasa ko mga komento ninyo kagabi sa mga story dito and I enjoyed reading it while having my coffee. May times pa nga na nadura ko yung kape ko sa isang nagcomment na sobra akong natawa yah, I know kung sino ka hehe! Ok kaya naman nagsend rin ako ng isa ring karanasan ko. Hold your breath and mind kasi this will gonna take you into a creepy moment.

Tawagin nyo nalang ako sa pangalang Angel (Not my true name) syempre haha! Bale matagal na itong nangyari. At medyo lalagyan ko ng twist para mas creepy.

Okay let's start. Noong nasa isang jeep ako, nakasakay ako noon kasi papasok na ako sa trabaho ko as a call center agent pero pang umaga  (Morning Shift). Lima kaming pasaherong nakasakay noon sa jeep kasama yung driver, bale anim. 'Yung matandang ale na nakaupo sa bandang kaliwa sa may bandang huli naman niya yung nursing student malapit sa dulo sa may likuran ng driver. Katabi niya yung lalaki na nasa edad mga 40 something na basta ganun. Then ako naman ay naroon sa may dulo sa kanan, katapat ko yung matandang babae. Tapos may isa pang nakaupo din na katabi ko na highschool student.

Ilang minuto pa ang itinagal ng biyahe kasi medyo may kalayuan ang lugar tapos kilalang traffic ang dadaanan. Kaya madaling araw pa lang talaga lumarga na ako para makaabot . So mga isang oras ang itatagal ng biyahe kaya naman nagsalpak muna ako ng headset just to relax and enjoy myself and to avoid dull moments as well alam nyo na.

Napatingin ako sa relo ko 5:30 AM sakto! Nasabi ko sa sarili ko kasi kahit matraffic kami tiyak na aabot ako. Then napatingin ako sa lalaking katabi nung nursing student at napansin kong tila hindi siya mapakali na parang kinakausap niya yung babae pero hindi naman siya nito pinapansin. Nakita ko yung matandang babae na katapat ko na nakatingin lang sa kanila. Napaisip tuloy ako kung ano nangyayari?

Hindi ko nalang 'yun pinagtuunan ng pansin at nakinig nalang ng sounds pero sa musikang pinakikinggan ko eh parang inantok ako bigla na hindi ko namamalayan na napapikit na ang mata ko. At hindi ko na alam ang sumunod na nangyari...

~Blackout~

(Tulog si Sender)

...
...
...
...
...

""Hija!....... hija!........ hija!!!!!""

Bigla akong nagising sa boses na 'yon. Nang magmulat ang mata ko napansin kong hinawakan ako bigla ng matandang babae na katapat ko tapos sabi niya bumaba na raw kami.

""BABA!... BABA! .... BABA!!!!!!""

""Bakit po?"" Nasabi ko kasi hindi ko alam ang nangyayari.

""Basta! Baba!!!""

Pagkatapos noon huminto bigla ang jeep tapos lumabas yung driver at medyo tumakbo palayo.

Nagulat ako ""Ano nangyayari?"" Kaya nagmadali na rin akong bumaba kasi nakita kong nagsibabaan ang lahat maliban nalang dun sa nursing student at dun sa lalaking katabi niya. Tapos ayun na nga pagbaba namin nagkumpulan na ang mga tao doon sa nakahintong jeep na sinakyan ko kanina lang. Medyo naguguluhan pa rin ako kung ano ba talaga nangyari. Kaya naglakas loob akong nagtanong sa matandang babae kung bakit at ano nangyari. Ito ang sinabi niya.

""Hindi mo nakita ang nangyari kanina kasi tulog ka. Nakita kong nangingitim na ang kuko nung babae at pasandal na nakatungo malapit sa dulo. Akala namin tulog lang pero patay na pala.""

At bigla akong kinilabutan at halos tumayo ang balahibo ko sa likod, bumilis ang tibok ng puso ko sabay butil butil ng pawis ang sumunod na naramdaman ko. Hinoldap pala ang jeep na sinasakyan namin at yung nursing student ang napagbuntungan kasi may dala iyong mamahaling mga gadgets. At siguro may pera rin sa bag na natunugan ng holdaper.

Nanlaban daw ang studyante kaya napilitang saksakin ng holdaper ng ice pick sa tagiliran na siyang ikinamatay nito. Kapag pala sinaksak ka ng ice pick hindi daw lalabas ang dugo sa katawan.

Kaya simula noon lagi na akong nag-iingat. Kahit pala morning shift ka pag may krimen dapat alisto at wag tutulog tulog. Sumalangit nawa ang kaluluwa nung namatay.

PrettyAngel

Spookify 2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon