Purok 1
""Kwento to ng tito ko na nakatira mag isa sa kanyang bahay sa Purok 1. Sa Negros Occidental Brgy.-------.
Mag isang nakatira yung tito ko sa bahay niya dahil isa syang teacher at pinili nya makatipid kaya nangupahan sya. Nasa bayan kasi yung bahay niya at ng pamilya niya.
kwento ng tito ko na madalas daw sa bahay niya yun maraming nag paparamdam. Di lang mga elemento, engkanto,ligaw na kaluluwa at DEMONYO.
Eto ang kwento nya sa amin.
Isang gabi daw natutulog sya sa bahay na yun at may bigla na lang mag sasaboy ng buhangin sa bubong nya. Tapos may tatawag ng pangalan nya , may kakatok sa pinto nya. At si tito matapang lalabas sya at sisigaw sya na """"UMALIS KAYO SA BAHAY KO MGA WALA KAYONG MAGAWA MAY TRABAHO PA AKO BUKAS(elonggo yung pag kakasabi nya ha).""""Tapos yung mga elemento na sinigawan nya ay hindi daw papaawat dahil imbis na mawala o mag tago mag papakita talaga sa kanya. White lady , tapos yung bolang apoy tapos ang pinaka malala ang demonyo at sinasabi ng demonyo na """"Mahina kang tao sa akin ka"""" ayan daw ang sinabi kay tito. Si tito daw di nya iniexpect na may mag papakitang demonyo sa kanya kaya nahimatay sya sa takot at nagising na lang daw sya kinaumagahan na nasa labas ng bahay nya. Kaya di panaginip ang lahat ng nangyari. At paulit ulit etong nangyari.
Ako naman at yung kuya ko di naniniwala sa tito ko pero ang lakas ng trip ng papa ko.
Nag iinuman sila ni tito mga 1am na yun ng matapos sila at nag desisyon si tito na umuwi. Dahil sa lasing di sya makakapagdrive ng motor kaya inutusan kami ni papa. Nung malapit na kami sa bahay ni tito grabe yung bigat na naramdaman namin. Malapit pa lang kami Sa bahay ni tito may ibon na kaming nakita at nag tataka kami bakit sinusundan kami. At grabe yung bahay ni tito ang layo ng kapit bahay nya. Tapos ang bahay nya gawa sa kahoy tapos yero ang bubong .
Nung nasa loob na kami nagulat kami ng may biglang nag tapon ng buhangin sa bubong ni tito. Ang sabi ni tito sa kuya ko """"To dasigan nimo ang imo dalagan ding motor kay may gasunod sa inyo mag uto""""( sa tagalog bilisan nyo ang takbo ng motor kasi may sumusunod sa inyo * pakitama na lang yung ilonggo ko ha).
Tapos diba may nagtatapon ng buhangin sa bubong lumabas muna si tito at sumigaw na *""Wag mong idamay tong mga bata, yawa ka! Yawa ka!""Tapos hanggang sa lumabas na kami grabe yung balikat ko napakabigat parang may nakapasan sa akin . Si tito nawala yung lasing sa pag aalala sa amin.
Nung nasa kalsada na kami ni kuya napansin ko mga 4 hanggang 7 tao ang nakapalibot sa bahay ni tito.
Kinabukasan dumalaw si tito sa bahay ng napaka aga at sabi sa akin na musta ang balikat ko? Kasi daw may babaeng nakapatong sa balikat ko. Akala ko di totoo kasi tumatawa sya pero natakot ako nung sabi ni tito """" Patingin ng balikat mo"". Nakita ko may malaking pula sa balikat ko. Kaya sabi ni tito kahit kelan wag na wag na daw kaming babalik sa bahay nya kasi di daw talaga maganda ang bahay ni tito.
Sa ngayon wala na dun si tito sa bahay na yun. Nandun na sya sa bahay nila sa bayan. At isa ng pastor si tito at napaka dami pa nyang nararamdamang na ganyang bagay pero dahil sa anak sya ng Diyos lingkod nga ika nya. Wala yan di daw uubra yan lalo nat pag naka devotion sya .
eto ang kwento ni tito .""
***
bacolod

BINABASA MO ANG
Spookify 2017
HorrorTotoo ba talaga ang mga Multo?Aswang?Demonyo?Engkanto?O kung ano ano pang masasamang nilalang?Alamin natin ang ibat ibang storya ng ating mga spookifiers na nakaranas ng mga ka kilakilabot ma mga karanasan nila!