Daan

1.6K 30 0
                                    

DAAN

Nangyari 'to last September. Pauwi na kami ng tatay ko mula sa kakilala namin sa may Canlubang. Nakamotor lang kami nun at ang tatay ko ang nagmamaneho. Yung lugar na yun ay parang bundok ganon. Mga pasado 9pm na nun. Madilim ang lugar at iilan lamang ang ilaw doon sa daan. Habang bumabyahe kami may sumabay saming nakamotor din, mabilis ang patakbo nya kaya't nauna sya sa amin pababa (Pababa taas kasi ang daan. Medyo matarik rin). Laking gulat namin nung pagbaba namin ay wala na sya. Napakaimposible nun dahil mahirap ang paakyat sa part na yun. Habang iniisip ko iyon, hindi ko na namalayang nasa may tulay na pala kami. Nagtaka ako nang bigla na lang binagalan ng tatay ko ang pagmamaneho at medyo tumabi sa daan. Napansin ko na ganun rin ang ginawa ng kasalubong naming kotse. Para bang may iniiwasan sila. Syempre nagtaka ako kung bakit. Kaya nung makalampas kami sa tulay lumingon ako sa likod. Gulat na gulat ako nung may nakita akong lalaking nakaluhod. May kadena ang kamay at nakatingin sa amin. Biglang nagsalita yung tatay ko, sabi nya "Nak nakita mo rin ba?" Sabi ko "opo". Tas nung nilingon ko ulit yun, wala na sya.

Nung padaan kami sa school, bigla nalang bumigat yung motor. Yung pakiramdam na parang may umangkas pa? Ganon. Ramdam ko rin na parang bumigat ako. Sumigaw yung tatay ko, sabi nya "MAGPAGPAG KA. UMANGKAS SYA SA ATIN" Pagtingin ko sa side mirror tumayo balahibo ko bes. Yung lalaki nasa likod ko! P*ch* edi pagpag ako as in yung malalakas na pagpag at nagpray na rin syempre. Paglampas namin sa simbahan, gumaan na yung pakiramdam ko at nakahinga na rin ako ng maluwag. Nung kinuwento ko yun sa tita ko, sabi nya may mga naaksidente na daw dun sa lugar dahil dun. Sabi rin nya baka daw pinatay yung lalaking yun doon at hindi pa nakukuha ang hustisya hanggang ngayon kaya patuloy syang nagpapakita.

Babaeng baliw

Spookify 2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon